DEINZ POV
Sino nga ba ako? Hamak na anak lang ni Delton Alhambra at Dazia Alhambra. Sa kasamaang palad ay kapatid ko si Daze Alhamra. Since magka-age lang kami, malimit kaming ipagkumpara. Kesyo mas gwapo ako, mas matalino, mas matangkad, mas mabait, mas macho. Oh di ba? Siyempre katangahan ko lang lahat ng mga 'yan.
Si kuya. Siya lagi ang pinapaboran ng lahat. Malaki na ang galit ko sa kanya. Same goes for him. Kahit anong pilit mong paglalapit, hindi mo kami kayang pagsamahin. Simple as that.
Anyway, ayoko namang puro rant lang ang gawin ko dahil baka masayang ang opportunity kong ibulgar sa inyo ang lahat.
Sisimulan ko na sa shocking at statement na I'm a bisexual person. Siguro hindi talaga kapani-paniwala dahil alam ng lahat, nagpapanggap lang kami ni quiel. Totoo naman 'yon.
Pangalawa, I think nasabi ko nang hindi na ako virgin. And guess what? Sa lahat pa ng babaeng makukuha at maiinlove ako, siya pa talaga...
>>>FLASHBACK (6 years ago)
"Deinz. Tangina, bakit kasi kailangan niyang ma-engage kay Feliz? Ako na lang sana! Ako na lang!" tinungga niya ang shot ng red horse na nasa lamesa ko.
"Baliw kana talaga, bakit ba ayaw mong kausapin si kuya Daze? Lapitan mo si ate Feliz. Baka sakaling hindi matuloy ang kasal." suhestiyon ko. Kung bakit ba naman kasi ganito ang suot nito? Naubusan ba ng tela ang mananahi kaya putol ang t-shirt niya?
"Bobo ka ba? Sa tingin mo saan ako huhugot ng lakas na gawin ang sinasabi mo?" kinuwelyuhan niya ako at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Amoy na amoy ang mabahong red horse. Putek.
"Oh edi uminom kana lang diyan. Tutal wala ka naman palang gagawin man lang." Hindi ko siya maintindihan. Galit na galit pero duwag. Mga babae talaga.
"Halika! Mag-enjoy na lang tayo! Crush mo naman ako hindi ba?"
"Tanga ka ba? Ayoko! Mamaya mabuntis pa kita" ano ba 'tong iniinom ko bakit biglang mas lalong pumait?
"Ang OA mo! Ibang enjoy ang sinasabi ko!" tumawa naman siya at nakakainis! Dumidikit 'yung hita niya sa ano ko! Wag shit!
"Umalis kana, please. Habang nagpipigil pa ako." Itinulak ko siya. Medyo napalakas pa yata. Napaupo siya at bumagsak sa ibaba eh. Nandito kasi kami sa isang tagong Bar ng Poblacion.
"Anyaw! Anyaw ku!" nagpapadyak pa siya sa sahig na parang bata. Akala naman niya madadala niya ako sa pacute niya? Ulul! ang sarap niyang kurutin!
"Tatayo ka diyan o ipapasundo kita kay kuya?" ngumiti naman siya sa nabanggit ko. Tss. Kuya na naman.
"Ipasundo mo ako tapos isusuko ko na lang sa kanya ang bataan para hindi na matuloy ang kasal. Haha." ibinato niya ang bote ng gin. Napatingin akobsa bartender at napangiwi. Nasakit ang ulo ko sa babaeng 'to.
"Ihahatid na kita, magbabasag ka lang dito" kinaladkad ko na siya sa labas.
"Ayoko sabi--" then I kissed her.
Sino pa bang concerned na babae kay kuya Daze? Of course. It's ate Anon. The "first" one who did it with me.
But, she is not literally the real "first". Ikinonsider ko lang na siya ang una dahil babae siya. Further details will blow your mind so I'll just shut up. Let the truth be revealed when the right time comes.
>>>>END OF FLASHBACK
Ate Shanon and I became a couple after ate Feliz's and kuya Daze's wedding. Tiga-sambot lang talaga ako, though I really loved her.
It really pains me especially when she's drunk.
Ako ang kasama ni Ate Shanon, pero si Kuya Daze ang hinahanap at. Bukang-bibig. Minsan, gusto ko na lang lagyan ng duct tape ang bibig niya para gumana ang iba niyang senses. Palagay ko eh sira na ang mata niya dahil sa iba naman nakatingin.
Hanggang ngayon, we are still together. Sinabi ko lang kay Ate Feliz na hindi kami para manahimik siya.
I never thought Ate Feliz will catch my attention. At first, literal na ayoko sa kanya. Plastik ang pakikitungo ko sa kanya pagkatapos nilang ikasal dahil sa isang bagay.
Another revaelation? Simula noong magpakasal silang dalawa at kapag dumadalaw ako sa bahay, may umaalingaw-ngaw ang boses at palagi na lang nakasigaw sa kausap niya.
Yes. It's Kuya Daze kung iisipin ngayon, but it was actually Ate Feliz who started it all.
Siya ang brutal, naninigaw at palaging umiiyak sa bahay. Puro mga bubog amg nadadatnan ko kaya kinamuhian ko siya noon. Hindi ko kasi alam ang dahilan ng pinag-aawayan nila kaya ako, automatic na kakampihan ang kapatid ko kahit labag sa kalooban ko.
Ako ang laging umaawat sa kanilang dalawa. Ako ang laging may masama ang tingin kay Ate. I am even murdering her on my mind dahil naaawa ako sa lagay ni kuya. He always look tired. Baliktarin man ang mundo, kapatid ko pa rin siya.
Nitong mga nakaraan naman na para siyang weirdo, something inside me was changed. Parang biglang may something kapag nakikita ko siya.
Nagsimula na akong mag-alala sa kanya at na-enjoy ang company niya. Iba talaga kapag nakilala mo ang isang tao ng masinsinan. Nagbabago ang lahat.
Ang tanging ikinatatakot ko na lang ay kapag nalaman niyang bisexual ako. Gusto ko na siya. Hindi ko na 'yon idedeny. Bobo lang ang aayaw sa kanya. Walang halong kamanyakan o kalaswaan.
I talk dirty to her. That's my strategy para hindi siya maghinala. Siraulo lang talaga si kuya at ginamit pa ako at si Quiel sa walang kwenta niyang palabas. Paano, mahal na niya pala noon si Ate Feliz kahit nasasaktan siya. Siya ang original na masokista.
Ako naman, uulitin ko, gusto ko lang si Ate Feliz, pero si Ate Anon ang mahal ko hanggang ngayon. Magkaiba ang dalawang 'yon.
Hindi ko alam kung bakit parang nakikipagkompetensiya sa akin si kuya dahil ngayon naman ay hinahabol niya si Ate Anon. Ginagago niya ba ako? Akala ko ba si Ate Feliz na? Palibhasa hindi niya alam na kami ni Ate Anon hanggang ngayon.
Patago lang kasi ang relasyon namin. Alam kasi ni Ate Anon na magagalit sa kanya si kuya kapag nalamang pinatulan ako ni ate.
Ang hunch ko? Pinag-seselos lang niya si Ate Feliz kaya siya ganoon, siya naman ang naninigaw dahil nga, mahal na niya si Ate. Ang galing kong mag-analyze no?
"Deinz, anong ginagawa mo sa binti ko? Gusto mong tadyakan kita?" kita niyo na? sinong hindi brutal?
Tulog na siya ah? Nagising siguro sa pagpupunas ko. Malamang basa ang tuwalya eh. Sino bang niloko ko?
"Ang baho mo na ate, nangangamoy 'yang kili-kili mo. Tss." Ibinato ko ang tuwalyang basa sa mukha niya at sapol. Serves her right. Mambabato na nga lang siya ng kahit ano kanina ay unan pa ang nakuha, sakto pa sa ano ko. Langya.
"Inamoy mo 'no? Grabe oh ayan singhutin mo! Nakakahiya sa singit mo talaga kanina kitang-kita ko!" segunda niya.
"Naulit na 'yan ah, sinabi mo na kanina. Boomerang ka?" akala ko ay tatawanan niya ako pero inirapan niya lang ako.
Kakatamad naman. Hindi na niya ako tinatawanan. Puro pambabara. Makatulog na nga lang.
BINABASA MO ANG
Known Secrets of FELIZ
RomanceFeliz Nevada, isang manager sa kanyang sariling Restobar ay mahuhumaling sa kanyang co-manager na si Daze Alhambra? Magawa kaya niyang kayanin ang tindi ng bagsik ng kanyang katrabaho at maisautak ang lahat ng sikretong dapat niyang ibunyag? **** Cr...