Chapter 31

41 1 0
                                    


FELIZ POV

"A-ano? Pinainom ka ron ng Metyrapone?" napasinghap ako sa narinig ko.

"Oo. I think na-overdose rin ako. I'm really sorry...pakiramdam ko kaya ako laging nakasigaw sa'yo these past 6 years ay dahil dun" naninibago ako kung paano siya makitungo. Bakit ang bait-bait na niya?

Naalala kong sinabi sa akin ni Pomelle na sobrang bait nga raw ni Daze. Ngayon, alam ko nang hindi siya nage-exaggerate lang.

"Papaano mo nalaman? Overdose? Since when?" tanong ko. Marami pa talaga akong gustong itanong kaya sinisimulan ko na.

"Siguro pagkatapos maipundar ang MUSIKARESTO BAR. Narinig ko kasing nag-uusap ang mga nurse kanina na may history nga akong na-overdose. Nakalagay rin doon ang gamot kung anong nainom ko." dagdag pa niya.

"Pwede ko bang makita? Nasaan ang papel?" usisa ko.

Inilinga niya ang paningin sa paligid at napadpad ang mata niya sa may ibaba niya.

"Nahulog pala, kunin mo na lang, nalalaglag siguro kanina pagkaalis ng nurse"

Pinulot ko ang papel at napakunot na naman ang kilay ko dahil parang nangyari na ito noon. Ramdam ko na naulit muli ang pangyayaring ito.

Tama nga ako ng hinala dahil nagsimula nang tumibok ang ulo ko at napahawak na naman ako.

"Feliz! Anong problema?" nagpanic ang kasama ko kahit boses lang ang rinig ko sa kanya. Masyadong napukaw ang paningin ko sa papel.

Good thing ay hindi ako naiyak sa oras na ito. Mas mababasa ko ang hawak ko.

Nakita ko ang description ng gamot. Tugmang-tugma sa mga sinabi ni Deinz noon sa pagkakaobserve niya sa mga nangyayari sa akin.

>>>>>>>>>>>>FLASHBACK (3 months ago at the hospital: CHAPTER 14)

"Ano bang sinasabi mo Pom? Hindi ko alam 'yan!" giit ko sa kanya.

"Aish! Hindi na ipipilit okay? Pero let me tell you that...I guess you have an Amnesia."

Magugulat ba ako? No. I sensed it as well. Something's going on with me.

"Hindi ka ba magugulat? Any violent reaction?"

"Hindi. May kutob na ako eh, ayoko lang ipahalata sa kanila. Kung alam mo lang, nagmumukha na akong tanga. Puro na lang ang daming tanong sa utak ko. Puro butas-butas! Maski mga taong makakaalam ng storya ko, hindi na matutuwa dahil puro kulang. Nakakasawa nang mangapa sa dilim"

"I see, basta relax ka lang, I have something on my mind pero hindi muna kita bibiglain, I hope maintindihan mo ako, gusto ko puro katotohanan ang masabi ko sa'yo para hindi kita paulit-ulit masaktan sa sasabihin ko. Besides, kahit ako, naguguluhan na rin pero gusto kong malaman kung bakit ka nagka-amnesia. Maayos ka naman noong umalis ako." pagkatapos nito ay niyakap niya ako.

"Okay, I trust you. Ano ba 'yung alam mo? Pwede bang kahit clue lang?" Hindi ko talaga mapigilang macurious sa sinabi niya.

"Wag nang makulit okay? Baka mas lalo lang magkagulo kapag nalaman mo." tsk. Fine.

"I'll be back. Hahanapin ko lang si Deinz. Kita mo, ni hindi mo man lang napansin na wala na siya sa kwarto mo dahil lang magkausap kayo ni Anon kanina. Isa pa 'yon. May tumawag lang, hindi na rin bumalik." napa-iling na lang siya sa at tumayo na.

<some scenes were cut. balikan na lang po ang chap 14 for more details>

Napatingin naman ako sa ibaba at nakakita ng bond paper. Baka naiwan ni Pom.

Tumayo ako at hinawakan ang stand ng dextrose, since nagulamong naman ito, hindi na ako nahirapang maglakad para makuha ang papel. Ang hirap pala. Kailangan ko pang yumuko :v

Nakafold ang papel at saktong bumukas ang pinto. Isang nurse na lalaki ang pumasok.

"Ms. Feliz po?" Pwede po bang bumalik po muna kayo sa higaan?

tumango naman ako at inalalayan niyang makabalik sa higaan. Sayang naman, baka papi ang lalaking ito, nakamask nga lang at may taklob sa ulo.

Napatingin siya saglit sa papel na hawak ko. Alam na niya siguro ang tungkol rito. Siya yata ang naka assign na nurse sakin eh.

Let's see...

NEVADA, FELIZ ARCADIA

26 years old

Female

Bakit ito ang record ko? Bakit hindi pa Alhambra kung kasal na ako? Hays. Napakunot na ang kilay ko

Naramdaman kong may itinuturok sa dextrose ko ang nurse kaya napatingin ako sa kanya.

"Sabi po ni Dr. Bonanza, ito raw po ang antibiotic na kailangan niyo." nginitian ko naman siya, kinabahan ako. Mamaya eh magka-HIV ako ng wala sa oras. Aba naman, mahirap na. Uso na kaya ngayon.

Ibinalik ko ang tingin sa papel na hawak ko. Binilisan ko na lang ang pag-scan dahil puro naman personal data about sa akin.

Sa hinaba-haba ng pagbabasa ko, napako ang tingin ko sa hindi makatarungang mga letra. Sa mga salitang nasa papel na nababasa ko ngayon.

Nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa aking mga bibig. Gusto kong sumigaw, gusto kong sakalin si kuyang nurse pero mukhang busy siya kakainject.

Napansin ko na lamang na napatakan ko ng luha ang papel. Eto ba ang ayaw sa akin ipaalam ni Pomelle?

Nabitawan ko ang papel sa kahihikbi. Pinunasan ko ang akong mukha kahit na nandito pa si kuyang nurse. Ang tagal nama niyang umalis, gusto ko nang makita sina Pom at magwala.

"Ayos lang po ba kayo?" mukha ba akong ayod sa estadong ito?

HINDING-HINDI KO MAPAPATAWAD ANG GUMAGAWA NITO SA'KIN!

Umalis na ang nurse at napansin kong nalaglag na naman ang papel sa sahig.

>>>>>>>>>>END OF FLASHBACK

Ibig sabihin, nabura ang alaala kong ito dahil sa itinurok sa akin. Naalala ko rin na si Nurse Delia ang naka-assign sa akin kaya impostor ang lalaking nurse na nagpunta sa kwarto ko.

Nag-inject siguro siya ng metyrapone para hindi ko matandaan ang nakasulat sa papel. Aha. Alam ko na kung sino.

It was Quiel. Obviously. Hindi naman niya gagawin 'yun kung hindi niya alam na alam ko kung ano ang binabasa ko. It all makes sense.

Nakasaad din sa papel na I was drugged nga. Iyon pala ang sinasabi ni Pomelle na alam niya. Ayaw niyang ipaalam sa akin kung ano 'yun siguro ay para maipaimbestiga pa niya at hindi na mas lalong maging complicated ang buhay ko lalo na't nasa ospital ako at kailangan kong mag pahinga at hindi ma-stress.

"Ayos kana ba Feliz? May naalala ka ulit?" alam na ni Daze ang sintomas ng biglang atake dahil kahit siguro siya, ganoon rib ang naranasan noon.

"Oo, naalala ko lang kung sinong nagturok sa akin sa ospital noon ng gamot na 'yon kaya ngayon ko lang nalaman na pinainom rin ako. Matagal ko nang alam, pero ipinagkait na naman sa akin" malungkot kong sabi.

"Hindi sa ipinagkakait namin ang mga alaala mo, gusto ka naming maging masaya. Ayaw naming baunin mo lahat ng mga katarantaduhan namin na ginawa sa'yo" hinawakan niya ako sa kamay ko. Napakaseryoso niya. Siguro ayun talaga ang dahilan.

"Pero bakit kailangan akong painumin ng droga? Paano kung namatay ako? At saka hindi niyo ba naisip...na posibleng bumalik rin naman ang mga alaala ko? Walang sikretong hindi nabubunyag." Hindi ko sila magets kung anong point. Sana hinayaan na lang nila ako na makamove on sa mga nangyari dahil matatanggap ko rin naman ang lahat. Oras at panahon lang ang kailangan ko.

"Yun ay dahil..."

Known Secrets of FELIZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon