Chapter 47

41 1 1
                                    


FELIZ POV

"Pomelle!" grabe, buti na lang at nakarating siya. Kailangang-kailangan ko talaga ng makakatulong sa paghahanda ngayon. It's finally the big day!

"Oh teh, huwag masyadong excited hindi pa ikaw ang ikakasal" mataray na sambit niya. Gusto niya kasi siya ang mas mauuna sa aming dalawa na magpakasal. Ako 'yun natatagalan para kay Lawrence eh.
"Gaga 'to, siyempre masaya lang ako dahil first time ito para sa Resto Bar." Pinagmasdan ko ang mga dekorasiyon. Kasalukuyan na kasing ikinakasal si Ms. Rendon. Later, Isa na siyang Alcanse.

"Ang taray ng get-up ha. Mulan, ikaw ba'yan?" sabay hawi ng buhok ko.

"Kaya lang girl, wala na bang ibubuhaghag 'yang buhok mo? Halika nga rito" at hinigit na ang ng gaga.

Sa totoo lang, inayusan ko pa kasi ang mga anak ko. Siyempre dapat mukha silang presentable.

"Miss! May problema po tayo" dismayadong sabi ni KFC habang hawak-hawak ang cellphone niya at iniabot sa akin.

"Hello po?"

"Hello, this is Ms. Rendon , I am really sorry" narinig kong nasinghot siya at pinipigilang umiyak. Hala.

"Why po ma'am? Something's wrong?" tanong ko.

"The wedding organizer for the reception...nagback-out. I can't afford to look for someone right now" hindi na niya nakayanan. Narinig kong umiiyak na siya.

"Calm down, Ms. Rendon. I'll figure out something, It's your big day today! You should not be upset" sinubukan kong i-lift ang mood niya kahit ang lakas na ng kalabog ng dibdib ko. Shet paano na 'to?

"I really don't know what to do. Tinawagan ko ang iba ko pang kakilalang mga marunong mag-organize pero hindi nila kaya ngayong oras na ito dahil daw biglaan. Sorry, mas lalong bumigat ang problema niyo"

Isip. Isip. Isip.

"Don't worry ma'am, I'll manage to think some plan. Just enjoy the ceremony okay? Tapos na po ba ang misa?"

"No, I'm still here inside the car. Pinalalabas na nila ako pero natataranta pa ako"

"Relax ma'am, you told me to surprise you right? Just sit back and leave the rest to me. I'll make your wedding a very special one. Trust me." I assured her. Sana mag-work ang powers ko.

"I owe you my happiness. Please forgive me"

"No need to apologize ma'am. You may go now. Mr. Alcanse is waiting for you, Mrs. Alcanse, I'll hung up now. Thank you po" then the line went dead.

Tinipon ko lahat ng taong nasa loob at idiniscuss ang naisip kong plano.

On the spot kaming gumawa ng program, games.

Mabilisang nag-order ng mga materials, nag-improvise.

At kulang na lang ay ang host.

"Miss, nandiyan na po ang mga guests at ang bride" sabi ni Gren.

*PARTY POPPERS*

"Omedetou Gozaimasu!"

Nagpalakpakan na ang mga guests na kanina pang nandito. Ipinaasikaso ko kina Mcdo ang mga bisita para magbigay sila ng mga paek-ek naming naisip kanina lang.

Binuhay ko ang microphone at nakatutok sa akin ang spotlight. Leshe ka Quiel may tama ka sa akin.

"Konnichiwa, minna-san!" paunang bati ko sa lahat ng tao sa harap ko.

"Maybe you are all shocked about the wedding theme but this was all because of the bride's desire to go at Japan. Mrs. Alcanse, you were not able to go there because you are so workaholic but today, we brought the Japan for you!" she was so teary-eyed walking while my staff are assisting her.

Known Secrets of FELIZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon