FELIZ POV
"ANONG GINAGAWA MO RITO FELIZ? SINUNOD MO NA NAMAN ANG GUSTO MO? NI HINDI KA MAN LANG NAGSABI SA AKIN NA NANDITO KANA!" sa lahat ba naman ng pwede kong marinig sa kanya ay iyan pa ang isusumbat niya. Walang awa.
Tangina. Hindi ako makapagsalita dahil natibok ang ulo ko. Umupo ako dahil sa sakit at hanggang ngayon ay naiyak pa rin.
>>>>>>>>>>>FLASHBACK (6 YEARS AGO)
Nakita ko ang hindi ko inaasahan. Si Daze, gumagawa ng milagro sa higaan.
Madilim ang kwarto kaya hindi ko maaninag kung sino ang kaniig niya at para bang tinatakpan pa niya ang lapastangang tao.
Nakita kong nagtatakbo ang ikinama niya at may balot ang buong katawan. Pumasok ito sa loob ng malaking kabinet kaya nagkasya ito. Humanda kang peste ka. Susugurin kita mamaya.
"TANGINA DAZE! ANONG KAHAYUPAN ITONG GINAGAWA MO?" hagulhol ko at pinagbabato ng kahit ano si daze. Hindi ko pa siya asawa pero ito na ang itinatrato niya sa akin.
"F-Feliz, huminahon ka muna--"
"PAANO AKO HIHINAHON HA? KITANG-KITA KO NA! ITINATAGO MO PA SIYA SA LIKOD MO! SI ANON BA IYAN HA? SIYA BA?" unti-unti na akong nilalamon ng sakit ng mata dahil sa luha, lalamunan dahil sa sigaw, at puso dahil sa sakit.
Nilapitan niya ako kahit hubo't hubad siya at ni-isang saplot ay wala siya. Nandidiri ako sa nakikita ko putangina.
Sa hindi ko malamang dahilan ay niyakap niya ako pero nagpumiglas ako at natulak ko siya. Wala na akong pakialam kung masaktan siya. Walang hiya, ako nga na nakita siyang ganyan hindi man lang niya naisip na masasaktan ako ha?
"OO SI ANON! PAGOD NA PAGOD NA AKO SA KASISIGAW MO! BINGING-BINGI NA AKO!" sinigawan naman niya ako kaya nagulat ako dahil ni minsan ay hindi niya ako sinigawan. Pero hindi ako nagpatalo.
"Ang sakit! Para mo akong sinusunog! Ramdam na ramdam ko ang init sa puso ko dahil sa nakita ko!" nanghihina kong sumbat sa kanya at napaupo na ako dahil kanina pa akong nanlalambot. Hindi ko matanggap ang mga nangyayari ngayon.
"PALAGI MO NA LANG ANG SINISIGAWAN NA KESYO PURO ANON, ANON, EH KAIBIGAN KO SIYA FELIZ! MALAMANG SA MALAMANG KAILANGAN NIYA AKO! ANO BANG HINDI MO MAGETS?" lumapit siya sa akin at pinandilatan niya ako. Hindi ko alam na kaya niyang maging ganito kapag napuno siya. Pero ako, punong-puno na!
"KAIBIGAN? Eh ano mo ba ako? Kakilala? Kaladkarin? Pinsan? Kaklase? Shit! ANO?" inilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinaplos ang mukha niyang nagagalit na sa akin. Kahit sa mga ganitong sitwasiyon ay napakarupok ko pa rin, ako dapat ang galit na galit ngayon pero bakit parang ako pa ang nanunuyo sa kanya?
Hindi siya nakapagsalita at tumayo lang siya. Wala lang ba ako sa kanya? Tangina.
Niligawan niya ako 4 years ago tapos sinagot ko rin naman after 2 years, ngayong 20 na ako, nasa plano ko na sana siyang sagutin ang proposal niya kahit alam kong napakabata ko pa ngayon! BULLSHIT!
"ILANG TAON NA AKONG NAGE-EFFORT SA'YO! PERO HINDI MO PA RIN AKO NAPAPANSIN! NI HALIK MO HINDI KO PA NATITIKMAN! ANONG KLASE KA?" sigaw niya na para bang yun lang ang habol niya sa akin.
"Halik ko ba ang pakakasalan mo? Edi sana tumabas kana lang ng kung kaninong labi sa tabi-tabi kung tuyot na tuyot na ang labi mo!" Letcheng mga luha 'to, ayaw mawala!
Natigilan siya sa sinabi ko. Oras na para gumanti sa isa. Lintik lang talaga kapag wala.
Nagmadali-dali akong pumunta sa malaking kabinet at pilit na binuksan ang pinto nito. Nanlalaban ang nasa loob at inilalayo naman ako ng magaling kong manliligaw.
Tumigil ako saglit dahil ubos na ang lakas ko, hinarap ko ang lalaking pumipigil sa akin at sinampal ko siya ng napakalakas. Lagitik iyon at wala akong pakialam. Sa lahat ba naman ng ginawa niya 'yun pa ang nakalimutan kong gawin?
Umiyak kasi kaagad ako at hindi siya nagawang lapitan at sampalin.
"LALABAS KA RIYAN O IKAKANDADO KO ANG KABINET NA PINAGTATAGUAN MO?" sininghalan ko talaga ang taong nasa loob. Pinadaan ko ang hininga ko sa butas ng cabinet. Magdusa siya sa amoy ng shawarmang kinain ko kanina bago ako pumunta rito.
Pwersahan kong binuksan ang pinto at nagulat ako sa nakita ko. Hubo't hubad ang kanyang katawan. Matangkad at may mahahabang biyas. Ang luhang akala ko'y hindi na babagsak pa ay dumagsa na naman.
Nakita ko ang mukhang hindi ko inakalang sa lahat ng tao ay siya ang papatulan ng manliligaw ko. Dito talaga ako napamura at lalong nandiri sa nakita ko.
"ALL THIS TIME DAZE! ALL THIS TIME!" Pinaghahampas ko na naman siya at niyakap lang ako kahit wala pa siyang suot. TANGINA TALAGA. Ano pa bang mura ang hindi ko nasasabi?
Panay ang iyak ko at sa hindi ko malamang dahilan ay naiyak rin ang sinasaktan ko. ANG KAPAL NG MUKHA NIYANG UMIYAK! NI HINDI SIYA UMIIYAK HABANG NAG-NINIIG SILA NG TAONG 'YON!
"I'm sorry, sorry talaga, Feliz! Hindi ko sinasadyang saktan ka! Aaminin ko rin naman sa'yo! Humahanap lang ako ng tiyempo!" pagsusumamong sabi ni Daze sa akin at pinahid ang mga luha ko.
"Bakit kailangang ganito Daze? Tatanggapin naman kita dahil mahal kita! Pero ano? Hinayaan mong ako pa mismo ang makakita ng kahayupan niyo!" tiningnan ko siya at ang taing nasa loob ng cabinet na hanggang ngayon ay hindi pa nalabas. Ano? Ngayon lang siya dinapuan ng hiya?
"ANO? BAKIT AYAW MONG LUMABAS DIYAN? HIYANG-HIYA KA BA DAHIL HUBO KA? IPAGMALAKI MO SA AKIN ANG DAHILAN KUNG BAKIT KA MAS PINILI NG MAGIGING ASAWA KO!" sigaw ko sa kanya at tuluyan na akong nanghina at nawalan ng malay.
>>>>>>END OF FLASHBACK
BINABASA MO ANG
Known Secrets of FELIZ
RomansaFeliz Nevada, isang manager sa kanyang sariling Restobar ay mahuhumaling sa kanyang co-manager na si Daze Alhambra? Magawa kaya niyang kayanin ang tindi ng bagsik ng kanyang katrabaho at maisautak ang lahat ng sikretong dapat niyang ibunyag? **** Cr...