FELIZ POV
Cowboy party ended well. Ito ang naging event sa restobar dahil ni-request na dito ganapin ang birthday ng debutant.
Lately, may nag-apply na intern sa amin. For manager ang position na gusto niya that's why I made up my mind. Marami na naman akong naipon so I guess, mas mabuti na rin na may mag manage nito.
Surprisingly, pumayag si boss sa sinabi ko saying that he is damn tired of everything. Gaya ko, may ipon na rin siya at may iba pang business aside from the restobar.
Ilang buwan ang nakalipas, naging hands on na ang intern at bumibisita na lang ako ti ask the crew about his performance.
The name's Deilan Ruzgal. He's pretty matured compared to Daze. I don't know, siguro dahil may sakit si ex-boss kaya ko nasasabi 'to.
Umuwi ako sa unit para maglinis. Hindi ko naman alam kung may balak umuwi si Daze kaya sinamantala ko na ang pagkakataon.
About the live action shit, Haha. Nothing happened. Sinubukan lang daw niya 'yun para malaman ang initial response ko. Tangina niya sa part na 'yun. Hindi ko siya kinausap for 1 week. Not even a single word came out from my mouth.
"Kain tayo sa labas" masayang bati niya pagkapasok sa unit.
As usual, hindi ko siya papansinin.
Kumuha ako ng pagkain at kumain na mag-isa. It's my way of saying 'kumain kang mag-isa mo, I have my own food' and I guess na-gets naman niya ang ibig kong sabihin.
Hindi naman nagbago ang mood niya pero nakita kong nagtitimpi siya. Nagkuyom siya ng kamao e. Kita ko 'yun, timaw!
Kumuha ako ng towel para maligo ngayong gabi. Nagmadali siyang kumain ng pagkain na niluto ko at nilapitan ako. "Sabay tayong maligo"
Hinawakan pa niya ako sa bewang ko pero umalis lang ako at pumunta na sa CR. Ikinandado ko pa ang pinto para hindi siya makapasok. Magdusa ka.
Lumabas ako ng CR at nakasandal lang siya sa may pader, half naked.
Akala ba niya madadala niya ako sa ganyan-ganyan? Letche siya, hindi!
Dire-diretso lang akong lumabas at naghanap ng pwedeng isuot na damit. Pumasok siya ng CR at wala naman akong pake.
Nanood ako ng TV at humiga sa kama. Pampaantok lang. Napalinga ako sa orasan at halos isang oras na siyang nasa loob ng CR. Ang tagal naman niya yata?
15 minutes nga lang siya maligo sa araw-araw. Constipated kaya siya?
Hindi na rin ako nakatiis na buksan ang pinto. Hindi ito naka-lock.
Ni walang basa sa parte ng katawan niya at nang magtama ang mata namin, hinila niya ako sa koob ng CR. Anong drama 'to?
"I'm sorry, please talk to me! Mababaliw na ako." frustrated niyang sabi at pawis na pawis na dumikit ang katawan niya sa damit ko. Jusko! Wala naman kasing hangin dito sa loob at isang oras siyang nag-stay dito.
Hinigpitan niya ang yakap sa akin at halos hindi na ako makahinga pero narinig ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Para bang magpapalpitate siya ano mang oras at kinakabahan din ang mga mata niya.
"Calm down! Mukha ba akong aalis at yakap na yakap ka sa'kin?" I tried to ease him pero mukha pa rin siyang aligaga. Tipong napapa-paranoid for no reason.
"Sorry kung ang toxic ko, sorry please huwag kang magsawa. I can't stand being alone anymore!" naramdaman kong yumuyugyog ang balikat niya at basa na ang damit ko. Umiiyak siya. Ah grabe, bakit kapag ako hindi niya pinapansin, hindi naman ako umiiyak? Ugh!
BINABASA MO ANG
Known Secrets of FELIZ
RomanceFeliz Nevada, isang manager sa kanyang sariling Restobar ay mahuhumaling sa kanyang co-manager na si Daze Alhambra? Magawa kaya niyang kayanin ang tindi ng bagsik ng kanyang katrabaho at maisautak ang lahat ng sikretong dapat niyang ibunyag? **** Cr...