Chapter 20

64 1 0
                                    


FELIZ POV

Nagising ako ng may nagsasalita at para bang kinakausap si Deinz. Siya nga pala ang kasama ko kagabi. Chineck ko ang sarili ko at wala namang nabago. Chineck ko rin ang bed sheet ng hospital bed kung may blood stains at nakahinga naman ako. Iginalaw ko rin ang mga hita ko baka sakaling may maramdaman akong masakit at baka alam niyo na...pero wala akong naramdaman.

"As I was saying, pwede niyo na pong iuwi ang..."

"Tiyahin po" letche talaga.

"Ang tiyahin mo. I'll ask Nurse Delia to give the medications before she leaves" nakatingin siya kay Deinz at napansin siguro akong gising na kaya bumaling siya sa akin.

"Drink water po and always take time to give a break for yourself. You're still single and yet, parang pagod na pagod kana. It'll be harder when you have your own family already, baka hindi lang iyan ang abutin mo. I'll leave the rest to you, Dr. Alhambra" umalis na siya at nginitian ang kasama ko.

"Kahapon ka pa sa tiyahin na 'yan ah. Gusto mong masampolan paglabas ko rito?" unang bungad ko sa kanya at tumawa naman siya.

"Para namang kaya mo. Hinang-hina ka nga eh." Pang-aasar niya.

"Si Daze ba? Ni hindi man lang sumilip kagabi?"

"Hindi eh. Nag-all nighter ako kagabi baka sakaling dumalaw nga siya." kinusot naman niya ang mata niya.

"All-nighter raw. As if! Nagising ako kaninang madaling araw, tulog ka!"

"5 minutes lang 'yon. Nag-alarm ako. Hindi ko kinaya eh, tapos gumising na ulit ako." Kumuha siya ng bottled water at uminom.

"Itinext ko na si Ate Pom, inaasikaso na niya ang bill sa ibaba, mamaya-maya ay tatanggalan kana ng dextrose na 'yan." Napangiti naman ako sa tinuran niyang muli. Kumusta kaya sila ng jowa niya?

"Saan pala ako uuwi ngayon?" tanong ko.

"Hmmm sa unit muna ni kuya. Medyo malayo kasi ang bahay niyo rito. Sasamahan na lang muna kita habang hindi pa nakakauwi si kuya" ginulo niya na naman ang buhok ko.

"Alam mo sana may kuto para malanitan kita kakagulo mo sa buhok ko. Sasabihin ko sumuot sa kuko mo para kapag kumamot sa sa ulo mo magtransfer sila at dugo mo naman ang sisipsipin nila." Inirapan ko siya matapos kong sabihin iyon.

"Gross. Na-ospital ka lang ganyan kana mag-isip" kinuha niya ang tinapay na nasa bag niya at isinubo sa bunganga ko. Bastos.

*BLAG!

"Par!!!!" halos hindi na ako makahinga sa yakap ni Pom. Kakaloka ang babaeng ito.

"Hoy hindi na ako makahinga gaga ka" hinampas ko ang pwet niya sa kaya naman humiwalay siya.

"Kapag hindi makahinga kailangang manghampas? Manyak ka girl?" dire-diretso niyang sabi at sa hindi ko malamang dahilan ay napatingin ako kay Deinz at nakatingin din pala siya sa akin.

So, nagkatinginan pala kami at napatawa. Pareho kami siguro ng inisip.

"Ano 'yang tingin na 'yan? May nabuo ba noong wala ako? Patingin ng bed sheet mo"

"Sira, wala! Asa namang pumatol ako sa badeng na 'yan." Asar ko. Alam ko naman na hindi totoo 'yon sabi ni Daze pero gusto pa ring i-claim na bakla siya para hindi ako ma-fall.

"Asa namang pumatol din ako sa brutal na 'yan. Yuck please." Iritado niyang sagot at nagpalsak na naman ng earphones sa tainga niya.

"Kita mo? Mas maarte pa sa akin ang hinayupak na 'yan. Nako, ang dami ko talagang chika sa'yo!" tumawa naman si Pomelle.

"Nasaan si Lawrence?"

"Ayun, siya pinagpeperform ko sa RESTO BAR niyo hihi"

"Hala, nakakahiya naman :< "

"Ano ka ba? Sasabihin ko pa lang na magpeperform siya ay tinawagan na niya ang mga kabarkada niya. May banda kasi ang lolo mo, at drummer siya hihi" kilig na kilig niyang sabi. I miss those days. 'Yung kinikiig pa ako.

"Oh I see, please send him thanks. I owe him one" sabay nginitian ko siya.

"Kakain lang ako sa labas ate Pom, maiwan ko muna kayo rito." Walang ganang sabi ni Deinz at nagmadaling umalis sa kwarto.

Nagsimula na ang walang sawang kwentuhan. Nagshare siya sa akin ng mga nangyari sa Canada, kung paano sila naging sila ni Lawrence. Halos mangisay-ngisay na siya sa tuwa habang nagkukwento and all.

"Ikaw naman, kumusta ang buhay mag-asawa?"

"Hindi ko alam kung asawa niya talaga ako, Pom. Ibang-iba ang trato niya sa akin." Malungkot kong sabi.

"He kept on saying ANON. ANON. ANON. wala man lang FELIZ. FELIZ. FELIZ. I mean, may FELIZ naman pala, kapag lasing nga lang siya. Ibig bang sabihin ' non, kailangan ko siyang lasingin lagi para maalala niyang may asawa pala siya? It's unfair." Dugtong ko pa.

"You know what, I think confused lang si Daze" depensa ng kausap ko. Gustong-gusto niya kasi si Daze para sa akin. Hindi ko alam kung anong nakita ng kaibigan ko sa kanya.

"Saan siya confused? Kung mahal niya ba talaga ako? Then why would he marry me in the first place kung hindi niya ako mahal?" hindi lang talaga ito ang tanong sa isipan ko. Honestly? Sobrang dami. Puro kulang-kulang.

"Hindi ko rin alam pare, nagulat na lang talaga ako na binalitaan mo ako noon na ikakasal na pala kayo. Nasa Canada na ako noong mga panahong iyon, 6 years ago."

"Eto pa, after 6 years ay saka niya lamang nabanggit sa akin na asawa niya ako. Anong katangahan 'yon Pomelle? Ginagawa niya akong bobo eh!" giit ko.

"Gosh, sorry talaga. After kong mabalitaan ay wala na akong alam tungkol sa'yo. I sent you so many emails everyday pero ni isa wala man lang bumalik sa akin. I tried to call Deinz to keep in touch with you ang kaso, sinabi niya na he won't tell anything unless galing mismo sa'yo."

"Is there a possibility na lahat ng email mo sa akin ay naka blocked?" tanong ko. Iyan lamang ang unang pumasok sa isip ko kahit hindi ko alam kung paano mangyayari 'yun.

"Posible, pero sino naman ang magboblock ng mga 'yon?" tanong niya.

Natigilan kami parehas. Nakatingin lang siya sa akin at ganoon rin ako. Nababasa ko sa isip niya na parang kilala na niya kung sino at ganoon rin ako.

napangisi siya na nagbigay sa akin ng cue na tama ang hinala ko.

Sino ba ang taong kasama ko lagi 6 years ago? Ang tanging may alam ng accounts ko mapa social media, credit cards o kahit anong may kinalaman sa privacy ko.

It was Daze.

But why?

Known Secrets of FELIZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon