POMELLE POV
HEY! It's me! HAHAHAHAHA
Makikigulo lang po sa story nila, I mean ako kasi talaga si Anon eh. Ang haba ng buhok ko ano?
Siyempre joke lang! Baka itakwil ako ni Nevada. Anyway, nandito ako sa Unit ko ngayon...at kagigising ko lang. Naiistress kasi ako kagabi. Nagpakacupid ako sa bestfriend ko dahil hindi ako sinipot ng magaling kong jowa kahapon! HMMMP! MATOYO-AN nga mamaya.
*TOOT TOOT
Tumunog ang cellphone ko. Sino kayang uchenes ang nagtext? Hmmmm
From: +639204963810
Ate Pom! Nandiyan ba si Feliz? Nag-away kasi kami ni kuya eh baka diyan dumeretso. Reply ka naman kapag nandiyan. Salamat! Ps, pasalubong ko nasaan na? :<
GRABE NAMAN. KAGABI SI DAZE, NGAYON NAMAN SI DEINZ? ABA NAMAN FELIZ.
To: Kengkoy na Deinz (Saved)
Wala siya rito, baliw kang bata ka. Feliz na ang tawag sa best friend ko? Aba hinay lang. Akala ko ba Anon ka?
Lumipas ang ilang minuto ay hindi na nagreply ang kengkoy. Napaisip siguro HAHAHA manang-mana talaga sa akin si Feliz <3
PARENG FELIZ <3 CALLING.....
"Hell-"
"Pumunta ka rito sa Resto Bar ko kailangan ko ng kausap. I can't take this anymore. Malapit na akong bumigay, kaunting-kaunti na lang." and the line went so freaking dead! Gaya-gaya! Pero...she sounded so serious! Kahit ilang sentence lang ang sinabi niya sa akin ay kinabahan ako. Para bang matter of life and death situation.
Argghhh ang layo ng condo ko sa Resto niya what to do?
LAWRENCE NA BADENG CALLING.......
TAENA NAMAN. WRONG TIMING KA BOYPREN!
"Maya kana tumawag. Galit ako sa'yo. Hindi mo ako sinipot kahapon wala kang Pom ngayon. Bwisit" at inend call ko kaagad.
Sheeeeeet. Wala akong pakialam kung magbreak kami ni Lawrence, basta kasama ko si Feliz :'(
Balik tayo sa main problem. Haysha. Nagbihis na kaagad ako. Sheeeeez nakakatense naman baka isang balde na ang iniiyak niya aaack!
*TOK TOK TOK!
"BUKSAN MO PLEASE!" sinusundan na ako ng mga Alhambra rito ah. Hmm...sabi ni Feliz, naninigaw daw ang asawa niya so..
"WHAT NOW DAZE? BAKIT AKO NAMAN ANG INIIVADE MO NGAYON?" sigawan ba kamo? Patay ka sa'king hudas ka!
Binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa iniluwa nito. AMPUPU!
"Pati ba naman ikaw ate pom? Si kuya daze na naman? Nakakatampo kana ah" ang lakas talaga ng loob ng batang ito. Ginulo ba naman ang buhok ko!
"Ikaw kasi! Sigaw agad." Napakamot tuloy ako sa ulo ko. Inayos 'yung ginulo niya.
"Ano nang balita?"
"Kanino? Kay Feliz o kay Anon?"
"Kay Feliz."
"Ah. Tara sa Resto Bar. Magmumukmok yata siya doon" kinaladkad ko na siya palabas. Matangkad naman ako pero mas matangkad pa rin siya kaya nakakainis. Aww, i miss Lawrence :<
Buti na lang talaga at dala niya ang motor niya. Yahoo! Mabilis lang ang byahe.
As expected, nakarating kami sa loob na naggigitara si Feliz sa unahan. Kahit nasa malayo siya, ramdam ko ang lungkot at pagod sa kanya. Gusto kong maging harsh kasi mukha siyang napabayaan. Pang losyang na pero virgin pa ang friend ko ha! Like legit! Ang buhaghag ng buhok! Parang kagigising lang ni bespren fresh from higaan!
Naiiyak ako para sa hitsura niya, need niya ng masinsinang makeover!
Siyempre ayoko namang makigulo sa performance niya pero ang masiglang resto ay napuno ng emosiyon. Maging ang mga nakain ay napapatingin sa kanya. She looks so stressed. Damn, Daze! Nasaan na ang iniwan mong pangako sa akin?
"But now I don't understand...
Why I'm feeling so bad now
When I know it was my idea
I could've just denied the truth and lied
But why am I the only one
Standing, stranded on...The same ground"
May mga nakita akong lumapit na mga teenager sa counter at nagtanong "Sir, I think she's not feeling well" bakas sa mga estudyante ang pag-aalala ng mga ito.
Agad naman akong sumugod sa may stage and didn't expected what happened.
*BLAG!
She collapsed!
Good thing, nasalo siya ni Deinz. Ghad. Nasaan na ang mabait mong asawa? Is he still looking for Anon?
"Huy! Sabi ko naman sa'yo may kukulayan pa tayong sleepover! Bakit ka ganyan feliz? Wake up!" niyugyog ko siya at hindi ko mapigilang umiyak. She looks dying! Ang putla-putla niya!
"Shit. Deinz. Kailangan natin siyang madala sa ospital!" napakabilis ng tibok ng puso ko. Umuwi ako rito para masaksihan kung gaano kana kasaya Nevada. Hindi ko naman alam na you've been through HELL!
Deinz called an ambulance habang ako naman ang tumingin muna sa bestfriend ko.
"P-Pom?"
"Shhh dadalhin kana namin sa ospital. Just please stay awake! Huwag kang pipikit!"
"I'm really sorry, pagod na ako" hingal na hingal siya at umiiyak sa mga kamay ko. Customers are already panicking!
"Nandiyan na ang ambulansiya, ate. Please ikaw muna ang sumama sa kanya. She needs you the most. I'll handle the rest" I never thought he could be so damn serious especially right now.
Mabilis kaming nakarating sa Ospital. Dumeretso kami sa Emergency Room. Kaunti na lang talaga bibigay na rin ako sa pag-iyak.
DAZE ALHAMBRA (CALL) (MESSAGE)
I pressed the button. Please kahit ngayon lang!
*TOOT TOOT! The number you have dialed is either unattended or out of coverage...please try your call later. *TOOT!
Ilang beses ko pinindot ang lintik na button para lang sumagot siya at baka sakaling may plano siyang sagutin ang tawag ko.
I felt a hand on my shoulder. Mas lalong bumuhos ang luha ko.
"Shhh, evereything will be alright, Okay? Forget about what happened yesterday. We can talk after all of this mess. I love you"
Lawrence naman! Hindi ko alam kung itutuloy ko ang iyak ko dahil nandito siya o dahil sa kundisyon ng best friend ko? Ack! WRONG TIMING!
Naghintay kami ng sobrang tagal dahil nag-undergo pa siya ng maraming tests.
"Ma'am? Kaano-ano niyo po ang pasiyente?" mga linyahan ng mga nurse all the time.
"Kaibigan niya po ako"
"Ah, maayos na naman po ang kalagayan niya. Over fatigue po at dehydrated siya" nakangiting sabi ng batang nurse."Pwede na ba namin siyang puntahan?"
"Yes po, natutulog po siya sa kwarto, ibibigay na lang po namin ang reseta ng gamot niya for recovery."
"Salamat po, Nurse" nakangiting sabi ni Lawrence na siyang ikinatameme ng batang nurse. Shet. Heto na nga ba ang ikinakatakot ko. Nako naman.
"A-ah by the way po, I have here some of the results. I believe malapit naman po kayo sa kanya kaya tama lang po na malaman niyo siguro ang tungkol rito" malungkot niyang sabi at nagpakita ng papel sa amin.
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
Lawrence also looks shocked about what he just saw.
SHIT. BAKIT NGAYON KO LANG NALAMAN 'TO?
SINONG GUMAGAWA NITO SA KANYA? NAPAKA-HAYOP! BAKIT KAIBIGAN KO PA?
BINABASA MO ANG
Known Secrets of FELIZ
RomanceFeliz Nevada, isang manager sa kanyang sariling Restobar ay mahuhumaling sa kanyang co-manager na si Daze Alhambra? Magawa kaya niyang kayanin ang tindi ng bagsik ng kanyang katrabaho at maisautak ang lahat ng sikretong dapat niyang ibunyag? **** Cr...