Chapter 33

53 1 0
                                    


QUIEL POV

Nandito ako ngayon sa ospital ng Singapore. Nabalitaan ko kasi ang mangyari sa kanya, kahit na alam kong ang kapal ng mukha kong magpakita dahil nandito ang babaeng nasaktan ko ay pinilit ko pa rin lakasan ang loob ko dahil si Daze rin naman ang ipinunta ko rito.

"Bakit hindi mo pinansin?" umupo ako sa nakalaang upuan para sa mga bisita at inirapan lang ako ng malanding pasyente.

"Sayang lang ang atensiyon na ibibigay ko sa kanya" napatingin na lang siya sa kawalan at bakas ang inis sa mukha niya.

"Babae 'yun pre, at saka mahal ka lang nung tao. Sadyang ayun lang talaga ang nahanap niyang solusiyon kasi mahirap naman talagang umepal sa sitwasyon niyo. Tandaan mo, kaibigan lang ang trato mo sa kanya kaya nahihirapan siyang makita kung may pag-asa siya sa'yo" paliwanag ko.
"Kahit na. Hindi pa rin siya nagtiwala sa akin, gumawa siya ng plano na siya lang mag-isa na hindi man lang inisip ang nararamdaman ko." napangisi siya. May punto nga naman ang kausap ko.

Parehas naman kasi silang may kasalanan. Ewan ko ba sa dalawang 'to -_-

"Kumusta? Baog kana ba?" nagulat naman ako nang may sumalubong sa mukha ko na isang piraso ng ubas. Ang bilis ng kamay ah. Nairita yata sa sinabi ko HAHAHAHA.

"Tanga. Anong baog? Nakadali na nga ako ng dalawa"

"Nakadali nga, hindi naman nakabuo" ganti ko. Para kaming bata ano?

"At least nakadali na, ikaw? Habang buhay na lang na tigang?" tumawa naman siya ng nakakaloko. Palibhasa wala akong maidedepensa sa sinabi niya. Virgin pa kaya ako? Tanong 'yan. Hindi ako sure eh. Maraming nangyayari kapag lasing ako. Who knows?

Pero fyi, walang nangyari sa amin ni Deinz. Mere act lang 'yung dati. As if naman palayag ako makipag-intercouse...well sa tamang tao siguro pwede pa.

"Tagal mo kasi eh, sa halip na makabawi ka, sinaktan mo. Gusto mo bang kunin ko na siya sa'yo ha? Sabihin mo lang, kating-kati na ako" ngumiti na naman ang kausap ko sa sinabi kong ito. Ang dumi na naman siguro ng iniisip. Kahit kailan talaga, puro siya katangahan.

"Kaya nga ako galit kay Shanon 'di ba? Kasi nabulilyaso ang plano nating malupet" umupo naman siya at may plano yatang umalis sa hospital bed.

"Saan ka pupunta?" napataas ang kilay ko ng wala sa oras. Tatakas ba 'to? Aba'y tanga talaga.

"Sa CR. Sama ka? Dali pataasan tayo ng ihi" feeling ko hanggang ngayon may amats itong kasama ko. Ano ba namang klaseng pag-iisip 'yan?

Makakatagal kaya si Feliz ng ilan pang buwan sa lagay niyang 'yan? Pambihira. Kailangan ko na pa lang magplano. Abduction is the key.

"Ayoko, talo kana. Mas mataas ang akin" sagot ko naman. Siyempre kailangan kong sabayan ang trip niya ngayon. Baka kasi maging malala siya kapag hindi ko sinunod.

"Sus. Jutay ka naman" pang-aasar niya. Sus.

"At least straight" nadali mo. HAHA. tikom siya eh.

Pumasok na lang siya sa loob ng CR at nagbasa ako ng Newspaper nasa gilid ko.

"Pare anong pakiramdam?" tanong niya.

"Ng ano?"

"Na abot kamay mo na ang babaeng mahal mo? Na...sigurado kanang siya ang pakakasalan mo?" napatawa ako sa sinabi niya. Ano nga ba?

"Sa totoo lang, hindi pa ako kampante na ako ang pipiliin niya dahil ako nga ang nag-painom sa kanya ng droga, Hindi ba?" una kong sambit.

"Pero nilalaksan ko na lang ang loob ko bilang isang lalaki. Kaya kong maghintay para sa kanya, lalo na sa...kapatawaran niya. Ganoon kapag nagmahal ka" ang corny pero legit 'yan. Walang halong biro.

"Taena, ang sweet mo naman. Sana all" saktong paglabas niya ng palikuran ay binatukan ko siya.

"Don't tell me, pati ako ay papatusin mo? Mandiri ka Alhambra, mandiri ka" babala ko sa kanya.

"Asa naman. Itapon ko pa sa'yo si Feliz eh" angal niya.

"Inggit ka lang eh. Nakabingwit ako ng swerte" pagmamalaki ko.

"Gago, walang forever"

"Bitter pa rin? Magka-anak ka sana kay Shanon" pailing-iling lang ako sa sinabi ko sa kanya.

"Ayoko, hubuntisin ko na lang si Deinz"

"Hayop, ang bading mo talaga. Isusumbong kita kay Tito Delton" banta ko. Nakalimutan ko nga pa lang bisexual ang kausap ko *facepalm*

"At least Daks. Feliz prefers size over performance" naningkit ang mata ko sa sinabi niya.

"But she's not meant for you and she's mine to begin with" this time, alam kong ako ang panalo sa argumento namin.

Natahimik na lang siya bigla kaya kinabahan ako. May sinabi ba akong mali?

"Bakit natahimik ka bigla?" inabutan ko siya ng tinalupan kong orange. Grabe, ang yaya ng dating ko dito. Nasaan na ba ang reyna ko? Tss.

"Nanggaling nga pala siya kanina rito, puntahan mo na siya" nagtaka naman ako dahil biglang nagbago ang ekspresiyon sa kanyang mukha.

Lumambot ito at ngumiti siya ng tipid. Ang inosente ng dating pero ang lungkot ng mga ngiti niya.

Ano bang problema mo, Daze? Hindi kita mabasa. Ang gulo-gulo ng utak mo. Kailan ka ba magtitino?

"Magkikita rin kami. Mas excited ka pa sa amin ah" hindi ko mapigilang maawa sa kanya.

Siguro, kung ako rin ang nasa posisyon niya, mahihirapan din ako dahil iba-iba ang idinidikta ng puso at isipan ko. Sabi ng isip ko lalaki, sa puso naman ay babae. Kung minsan naman, sabi ng isip ko ay babae, tataliwas naman ang puso ko at lalaki naman ang hanap. Palaging hindi nagtutugma. Hindi nagiging pareho.

"Ayusin mo na ang sarili mo Daze, ako na ang nagsasabi sa'yo. Hindi biro maging Bisexual pero hindi rin biro ang makasakit ng damdamin ng iba. Hindi kaya ng tao na maisip na dalawa ang minamahal ng mahal nila, lalo pa't magkaiba pa ng kasarian. Mas masakit 'yon" naalala ko lang kasi ulit si Shanon. Kahit naman napaka-reckless ng move niya ay may karapatan siyang magrant. Nasasaktan siya eh.

"Alam ko naman 'yon. Sadyang hindi ko lang talaga mahanap ang taong para sa akin" sabay humikab siya.

"Hindi mo mahanap o sadyang nagbubulag-bulagan ka lang? Try Shanon" suhestiyon ko.

"Nah. I don't think na magki-click pa kami. After all that she have done?"

"Acceptance. Forgiveness. Wala bang ganiyan sa bokabolaryo mo o bobo ka talaga?" pasensiya na, kailangan na kasing mamulat sa katotohanan nitong kausap ko kaya kailangan kong maging harsh.

"Trust issues. I can give her the acceptance and the forgiveness that she wants, but I can't forget all of that" ang hirap namang palambutin nitong kupal na 'to.

"Isipin mo na lang, paano kung ganyanin ka rin ni Feliz? Na ayaw ka niyang patawarin pero pursigido ka pa ring maibalik ang trust na nasira niya"

"Magkaiba sila Quiel. Alam mo 'yan. Besides, I'm planning to give her time to heal as well. Alam ko namang nasaktan ko rin siya dahil nga manhid din naman ako. Hindi ko muna siya kakaharapin dahil hindi pa ako handa. Hindi ako plastic. Hindi ko kayang lunukin agad ang pride ko dahil lang kawawa siya at nabiktima ko. In the first place, choice niya rin 'to at kasalanan rin niya."

"Alam naman niyang posibleng humantong sa ganito kapag ipinilit niya ang lahat ng bagay pero sige pa rin siya. Then let her take consequences...well, same goes for me. For sure deep inside, hindi pa ako napapatawad ni Feliz so quits lang kami ni Shanon" kung hindi lang talaga 'to pasyente ay nasuntok ko na siya eh.

"Ewan ko sa'yo, basta huwag kang iiyak at lalapit sa'kin kapag nagsawa sa'yo si Shanon. Mapapagod din 'yun kasusuyo sa'yo. Bahala ka, wala kang ka-love team"

"Lakas mo ah, agawin ko sa'yo si Feliz eh"

"May sinasabi ka?" kapag ako talaga hindi nakapagpigil. Papatulan ko 'tong kausap ko.

I mean, bubugbugin. -_- Baka kung ano kasing isipin niyo.

"Wala, lumayas kana nga. Pasalubong mo lang naman ng habol ko"

"Sus. Baka presensiya ko lang talaga ang habol mo" pang-aasar ko.

"Peste. Anong sabi mo?" ibinato niya sa akin ang peras na binili ko sa kanya. Walang utang na loob. Buti nakailag ako. Mas malala pa siya kay Feliz. Swear. Miss ko na ang bubwit na 'yon.

Bumukas na naman ang pinto at iniluwa ang kaninang umalis sa kwartong ito. Hindi talaga matitiis ni Shanon ang kumag na ito.

"Maiwan ko na kayong dalawa. Sorry sa abala, he's all yours" nakangiti kong sabi sa kanya. This is to boost her confidence. Alam kong nakapalaking courage ang kailangan niya para mapaamo ang halimaw na nasa higaan. I just hope na maging maayos na ang lahat.

Known Secrets of FELIZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon