CHAPTER 14

74 1 0
                                    

FELIZ POV

"Ano bang sinasabi mo Pom? Hindi ko alam 'yan!" giit ko sa kanya.

"Aish! Hindi na ipipilit okay? Pero let me tell you that...I guess you have an Amnesia."

Magugulat ba ako? No. I sensed it as well. Something's going on with me.

"Hindi ka ba magugulat? Any violent reaction?"

"Hindi. May kutob na ako eh, ayoko lang ipahalata sa kanila. Kung alam mo lang, nagmumukha na akong tanga. Puro na lang ang daming tanong sa utak ko. Puro butas-butas! Maski mga taong makakaalam ng storya ko, hindi na matutuwa dahil puro kulang. Nakakasawa nang mangapa sa dilim"

"I see, basta relax ka lang, I have something on my mind pero hindi muna kita bibiglain, I hope maintindihan mo ako, gusto ko puro katotohanan ang masabi ko sa'yo para hindi kita paulit-ulit masaktan sa sasabihin ko. Besides, kahit ako, naguguluhan na rin pero gusto kong malaman kung bakit ka nagka-amnesia. Maayos ka naman noong umalis ako." pagkatapos nito ay niyakap niya ako.

"Okay, I trust you. Ano ba 'yung alam mo? Pwede bang kahit clue lang?" Hindi ko talaga mapigilang macurious sa sinabi niya.

"Wag nang makulit okay? Baka mas lalo lang magkagulo kapag nalaman mo." tsk. Fine.

"I'll be back. Hahanapin ko lang si Deinz. Kita mo, ni hindi mo man lang napansin na wala na siya sa kwarto mo dahil lang magkausap kayo ni Anon kanina. Isa pa 'yon. May tumawag lang, hindi na rin bumalik." napa-iling na lang siya sa at tumayo na.

"Hindi mo ba nagets 'yung point? Kaya nga sila nawala, kasi silang dalawa ang magkasama" pabiro kong sabi sa kanya bago siya umalis.

"Oo na, huwag nang istressin ang sarili, I need to reserve my powers. Sasampalin ko pa si Daze"

"Kahit sa harapan ko, na asawa niya?"

"Oo! Kahit sa harapan pa ni Anon!" then isinarado na niya ang pinto.

Inilibot ko na naman ang mga mata ko sa loob ng kwarto. Puro puti. Nakakapanibago.
Napatingin rin ako sa wall clock. 5 pm na pala. Ang bilis ng oras ah? Oh sadyang kanina pa ako tulog?

Napatingin naman ako sa ibaba at nakakita ng bond paper. Baka naiwan ni Pom.

Tumayo ako at hinawakan ang stand ng dextrose, since nagulamong naman ito, hindi na ako nahirapang maglakad para makuha ang papel. Ang hirap pala. Kailangan ko pang yumuko :v

Nakafold ang papel at saktong bumukas ang pinto. Isang nurse na lalaki ang pumasok.

"Ms. Feliz po?" Pwede po bang bumalik po muna kayo sa higaan?

tumango naman ako at inalalayan niyang makabalik sa higaan. Sayang naman, baka papi ang lalaking ito, nakamask nga lang at may taklob sa ulo.

Napatingin siya saglit sa papel na hawak ko. Alam na niya siguro ang tungkol rito. Siya yata ang naka assign na nurse sakin eh.

Let's see...

NEVADA, FELIZ ARCADIA

26 years old

Female

Bakit ito ang record ko? Bakit hindi pa Alhambra kung kasal na ako? Hays. Napakunot na ang kilay ko

Naramdaman kong may itinuturok sa dextrose ko ang nurse kaya napatingin ako sa kanya.

"Sabi po ni Dr. Bonanza, ito raw po ang antibiotic na kailangan niyo." nginitian ko naman siya, kinabahan ako. Mamaya eh magka-HIV ako ng wala sa oras. Aba naman, mahirap na. Uso na kaya ngayon.

Ibinalik ko ang tingin sa papel na hawak ko. Binilisan ko na lang ang pag-scan dahil puro naman personal data about sa akin.

Sa hinaba-haba ng pagbabasa ko, napako ang tingin ko sa hindi makatarungang mga letra. Sa mga salitang nasa papel na nababasa ko ngayon.

Nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa aking mga bibig. Gusto kong sumigaw, gusto kong sakalin si kuyang nurse pero mukhang busy siya kakainject.

Napansin ko na lamang na napatakan ko ng luha ang papel. Eto ba ang ayaw sa akin ipaalam ni Pomelle?

Nabitawan ko ang papel sa kahihikbi. Pinunasan ko ang akong mukha kahit na nandito pa si kuyang nurse. Ang tagal nama niyang umalis, gusto ko nang makita sina Pom at magwala.

"Ayos lang po ba kayo?" mukha ba akong ayod sa estadong ito?

HINDING-HINDI KO MAPAPATAWAD ANG GUMAGAWA NITO SA'KIN!

Umalis na ang nurse at napansin kong nalaglag na naman ang papel sa sahig.

Bakit kailangan akong gagugin? Paglaruan? Hindi ba sapat na malaman ko na lang lahat ng katotohanan?

GUSTONG-GUSTO KONG ISA-ISAHIN SILANG LAHAT! ANG MGA TAONG NASA PALIGID KO! LAHAT SILA POSIBLENG MGA TRAYDOR!

Nasisikmura nilang ganituhin ako? Siguro gustong-gusto talaga nila akong mawala. Ano bamg mapapala nila kapag nasaktan ako? Namatay? HINDI NAMAN AKO MAYAMAN PARA PATAYIN NILA AT MAJUJA ANG MANA NILA.

Shit. Tumibok bigla ang ulo ko. Ang sakit! Napahawak ako at gusto kong kumawala sa dextrose. Pinapahirapan na naman ako! Please! Tulungan niyo ako!

Nasaan na ba sila? Bakit ang tagal? Kanina pa akong nag-iisa rito gusto ko nang sabihin na alam ko na ang nangyayari sa akin. Damn. Bakit ganito?

Naliliyo na ako. Gusto kong labanan ang antok. Kusa nang napikit ang mga mata ko. Itinaas ko ang mga kamay ko para manatiling gising pero parang wala na akong lakas. Sinubukan kong sumigaw, pero nabuka lang ang bibig ko at walang lumalabas na boses. LINTIK!

Hindi ko na kaya. Bahala na...sana dumating kana...kahit ikaw lang...gusto ko nang marinig ang sigaw mo kapag nalaman mo ang nalaman ko...Daze...please....

Known Secrets of FELIZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon