Chapter 64

29 1 2
                                    

AGENT SVEN POV

Codename lang naman namin ang itinatawag namin sa isa't isa para naprotektahan din ang mga identity namin kung sakali.

Makikita ko na ulit ang pamilya ko after so many years. Dati kasi kaming nakatira sa isang probinsiya, may malawak na lupain pero hindi amin yun. Hanggang ngayon, wala akong idea kung sino ang may ari nito.

"Inang, nandito na ang paborito mong apo!" umalingaw-ngaw ang boses ni Mama nang makita akobsa di kalayuan.

Pinaayos namin ni Lemuel ang bahay namin rito at hindi na kami naghanap pa ng iba. Siguro, kung kukunin ang lupain na ito at bibilhin na lang namin dahil may sapat na naman kaming pera.

Si Lemuel kasi, ayaw niyang tinatawag kong kuya dahil kambal naman daw kami pero fraternal. Hindi kami magkamukha. Malamang ako, maganda samantalang siya, mukhang tao lang Haha.

Chos lang, gwapo si kuya sa totoo lang.

"Ang lakas pa rin ng boses ni Mama 'no? Partida, kanina pa 'yang gutom kahihintay sa'yo," nag-alala naman ako sa sinabi ko at kinurot sa hita si Lem.

"Sira ka talaga, hinayaan mong malipasan ng gutom!"

"Kinulit ko kaya siya ng ilang beses! Ayaw namang sumunod kaya hinayaan ko na," komento niya at pumasok na kami sa loob.

Bungad na bungad ang picture namin ni Lemuel na graduate ng college. Sea man siya samantalang ako, graduate ng Accountancy pero itinigil ko rin kasi hindi ako nag-enjoy. Ipinasok ako sa EDJ at minahal ko ang trabaho ko dahil naging exciting ang lahat.

Hindi biro ang trabaho namin dahil kailangan naming pumayag sa kahit ano depende sa hinihingi ng sitwasiyon. Sa case ko, kailangan kong magsuot ng holographic image sa sarili ko. Medyo high tech kasi ang mga kagamitan sa EDJ. Nakaprogram sa contact lenses at relo ko ang image ni Feliz para magaya ko siya.

Sa mga memory naman, kinopya namin ang memory ni Nevada at inilagay sa isang microchip na hinulma para maging piercing. Nakalagay ito sa pusod ko para hindi kita at halata.

Ito ang dahilan kung bakit nasasagot ko ang katanungan ng mga kakilala ni Feliz at nakatulong para mapabilis ang proseso.

May pulang notebook na ibinigay sa akin ang kliyente na naglalaman ng lahat ng sikreto ng nasasakupan niya at kinailangan niya kami para mahuli sila at pagbayarin sa ginawa nila sa kanya.

Nandito ang detalye kung paano siya ni-rape ni Quiel, kung paano siya tratuhin ng mga magulang niya noon, kung paano siya ginago nina Deinz at Shanon, at lalo na ang pagpapalulong sa kanya ng droga.

"Naku po, pinakain mo na ba ang apo ko? Hindi pwedeng magutom 'yan!" sabi ni Mama. Mas mahal niya pa yata ang bata sa loob ko kaysa sa akin, pffft.

Nilapitan ko si Papa na nagluluto ng ulam sa may kusina. Mas masarap siyang magluto kay Mama e, kaya inaaway kami lagi ni Mama.

"Kumerengkeng ka na pala, wala ka man lang pasabi," malamig na sabi ni Papa. Aww, nagtatampo siya.

"Papa, alam niyo namang mahirap magbalita at baka mabisto po ako. Kaya nga nandito na po ako e." sabay sumawsaw ako gamit ang kutsara para tikman ang ginataang kalabasa at sitaw niya.

"Sino bang ama niyan? Baka naman ginayuma mo lang?" pabiro niyang sabi.

"Papa, 'yang anak niyo po e inakit lang ang bossing niya, asa namang may pumatol diyan," naibato ko kay Lemuel ang bawang na buo at natamaan siya sa mata. Tch, buti nga.

"Maniniwala po kayo sa sinabi ni kuya? Alam niyo namang ako lang ang maganda rito at ampon lang siya. Ang kapal talaga, Papa"

Hinimas-himas ni Lemuel ang mata niya at sinaktuhang hindi nakatingin si Papa para maitaas niya ang gitnang daliri niya sa akin.

Known Secrets of FELIZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon