Chapter 38

34 0 0
                                    


FELIZ POV

Nakakaloka itong si Sir Daze. Nasobrahan yata sa Metyrapone. Nakalimutan na akong sagutin sa phone niya. Siraulo ba siya? Kanina pa akong naka-tengga at halos 30 minutes na ang nakalipas ay ongoing pa rin ang phone call. Ginagago na naman ba niya ako?

"Sir, baka gusto niyo pong sumagot" inis ko nang sabi.

"Ah shit—sorry, naiwan ko nga pala, hindi ako mapatae eh"

"Gago ka sir, kailangan akong tawagan kapag hindi ka mapatae? Ako ba ang i-ire para sa'yo? Assuming kang bakla ka" sunod-sunod kong ratrat. Buti pala hindi naka-speaker 'to. Nakakahiya amp.

"Nevermind, napatawag ako kasi gusto kong kumustahin ang Resto Bar, umuwi kana pala ng pinas hindi mo sinasabi sa'kin. Anong klase kang ka-trabaho?" gusto kong mapatawa pffft. Hindi siya sisigaw? Ready na sana ang ears ko gosh.

"Sorry naman, Sir! May kailangan lang po akong ayusin. Taena mo ka, makapagdemand ka naman, ikaw na nga ang may kasalanan sa akin. Hmmp!" ganti ko.

"Tss. Ano ngang balita?" akala ko ba nagbait na siya? Ba't ang sungit na naman? Heto na ba ang senyales na malapit na ulit pumutok ang Bulkang Daze? Shocks.

"May isang customer na napadaan dito. She told me na gusto niyang ganapin dito ang reception niya after 2 weeks. Tayo na ang bahala sa preparations"

"Pardon? Rapper ka ba? Bilis eh, langya" inis na sabi niya. Ang saya-saya ko lang kasi. Ikaw ba naman, ni wala sa plano mo na gawing venue ang bar na ipinundar mo ng reception 'di ba? Napaka-rare kaya kinagat ko na.

"Ag sabi ko, umuwi kana. Ang hirap magkwento kapag nasa Singapore ka pa, ang takaw sa load" nakakafrustrate ha.

"Anong sabi mo?" pag-uulit niya.

"Letche sabi ko ibaba mo na. Ang ganda mo talaga kausap. Painumin kita ng droga eh" umirap ako kahit nakikipag-usap ako mula sa cellphone ko. Asar talaga. Grrrrrr.

"Edi subukan mo"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa boses na narinig ko. OMFG! NANDITO NA ANG MAD MANAGER KO!

Hinampas ko naman siya noong nagsink-in na sa akin na nandito na nga siya. Ang lapit-lapit na naman ng mukha niya sa mukha ko. Gusto ba niyang makipagpalit ng mukha sa'kin?

"Ikaw, uuwi kana pala wala ka man lang pasabi Sir. Wala ka talagang kwenta" pabiro kong sabi.

"Hoy! Huwag kang gaya-gaya. Kung hindi pa ako tinext ni Deinz na uuwi na pala kayo ay hindi ko pa malalaman" bawi naman niya. Ang issue naman nito ni Sir, kailangan bawat galaw sasabihin?

Sir aalis na po ako, Sir tatae lang po ako, Sir kakain at iinom lang po ako, Sir mangungulangot po ako, Sir magpuputol lang po ako ng kuko, Sir magpapalit lang po ako ng napkin, Sir hihinga lang po ako. Ganun ba? Walangya.

"Uyy textmate sila ni Deinz" sinundot ko ang tagiliran niya kaya naman napatalon siya HAHA.

"Ulol. Utol ko 'di ba? Issue ka eh" inirapan niya ako. At least hindi na siya nagbubunganga hindi ba? Pwede na.

"Sabi ko kanina, kinontrata na ako ni Ms. Rodolfa Rendon na gagamitin ang Resto Bar na ito para sa reception sa kasal niya. 2 weeks after this week. Walang date na sinabi eh. As in wala siyang sinabi" umupo siya sa tabi ko dahil nandito pa rin naman ako sa may bar table. Nakatalikod ako sa may pinto kaya hindi ko namalayan na nandito na pala si Sir Daze.

"Oh. Interesting. Tell her she'll have an extraordinary wedding" ikinataas ito ng kilay ko.

"Actually she's here a while ago, hindi ko na alam kung nasaan siya, magkatabi lang kami rito sa bar table tapos nawala na siya" sambit ko.

Known Secrets of FELIZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon