FELIZ POV
"Ano? Iiwan mo na naman akong bitin?" dismayadong sabi ni Lemuel. Narinig niya ang usapan namin ng magaling kong kuya.
Nanahimik ako at napakurap sa mukhang nasa harapan ko. Hindi ko napigilang mapatawa at nahampas ko ang balikat niya dahil sa facial expression niya.
"Bukas pa raw, pakasaya ka muna sa nakikita mo," ani ko at hinaplos ang ilong niyang pinapawisan.
Tinanggal niya ang kamay ko at ipinagpatuloy namin ang naudlot. Grabehan naman kasi, parang aalis ako at hindi na babalik kung makahawak siya sa akin.
Natapos kami at naubos ang enerhiya ko kaya naman kumain ako ng pangmalakasan.
"Kumusta si Gio?" tanong niya habang pinanonood niya akong kumain.
"Ayos lang, kaso nasa tatay niya siya ngayon," sana naman huwag niyang i-brainwash ang bata. Natatakot ako, baka kasi kunin niya ang custody ng anak ko.
"Hindi naman sila bagay mag-ama. Kamukha mo naman si Gio e," kinuha niya ang kanin sa may buhok ko at itinapon iyon sa may lababo.
"So anong gusto mong iparating? Na kayo ang bagay na mag-ama?" I tried to tease him the way he always do to me. Masyado siyang praning kapag usapang Gio. Akala niya siguro, babalikan ko pa ang ama nito.
Kahit ibalandra pa sa akin ni kuya ang katawan niya araw-araw ay araw-araw ko din siyang tatanggihan.
Tumaas ang kilay niya at ngumiti nang nakakaloko, "Why not? I'll father your child if you'll let me in to your life," suhestiyon niya pero hindi niya ako madadaan sa ganyan. Napakakulit niya talaga.
I just stucked out my tongue and smiled at him. Alam niyang iyon lang ang kaya kong isagot sa kanya.
"Your tongue says that it wants to have a battle with mine. Are you ready?"
Halos mabulunan ako sa sinabi niya dahil wala pa rin siyang kupas. Hayok na hayok as ever.
"Pagpahingahin mo naman ang body ko, nanghihina na dahil sa pagka-hyper mo e," isinandal ko ang sarili ko sa upuan. Katatapos ko lang kumain, siya na naman ang pagkain? Give me a freakin' break!
"Okay fine, tulog ka muna," umupo siya sa sofa at binuksan ang TV upang libangin ang kanyang sarili.
Mabilis na natapos ang araw at umalis na si Lemuel sa lungga ko. Nakatitig lang ako sa closet ko habang namimili kung ano ang isusuot ko.
Ayaw ko ng revealing, baka sabihin ay nilalandi ko siya.
Ayaw ko naman ng sobrang simple, baka sabihin ay ang losyang ko na at loser tingnan. No fucking way!
I need to be elegant in his eyes to prove him that he's not worth the wait.
Nagliwanag ang mga mata ko nang makita ko ang perfect outfit. Makalaglag panga 'to. Proven and tested, Haha! Effective kay Lemuel e.
Next, I need to have a proper sleep dahil puputaktihin ako ng kamalasan bukas, for sure.
Alarm clock, isinet ko na. Maraming alarm yun dahil kilala ko ang sarili ko.
Humiga na ako. Time to sleep!
Kumurap-kurap ang mga mata ko at napatanga sa naalala ko...
[FLASHBACK; KUNG PAANO NABUO SI GIO]
"Felix, ikaw na ang bahala sa kapatid mo ha. Hindi namin masasabi kung kailan ang balik namin ng tatay mo, iniintay na kami ng pamilya nina Quiel at Shannon," narinig kong sabi ni Mama.
Lihim akong napangiti dahil aalis na sila. Magagawa ko na ang balak ko at gusto ko nang makalabas sa bahay na ito na parang hurno.
"Opo, ingat kayo," walang gana niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Known Secrets of FELIZ
RomanceFeliz Nevada, isang manager sa kanyang sariling Restobar ay mahuhumaling sa kanyang co-manager na si Daze Alhambra? Magawa kaya niyang kayanin ang tindi ng bagsik ng kanyang katrabaho at maisautak ang lahat ng sikretong dapat niyang ibunyag? **** Cr...