FELIZ POV“Ano na Daze? Tapos na ba?” tanong ko. Kanina pa kami rito sa loob. Ang init-init na ng pakiramdam ko. Pinagpapawisan na ako dahil bukod sa nakasarado ang pinto ay natatae na rin ako. Naamoy ko na rin kasi. Parang tinatawag ng pwet ni Daze ang pwet ko para magbawas na rin. Gross.
Iniabot ko ang sabon sa kanya dahil tumango siya. Siyempre pati yung bidet. Nasa unit niya kami eh.
Katakot-takot na pagtaklob sa ilong ko ang ginawa ko at tumalikod sa kaniya.“Kadiri, inihawak mo sa braso ko ang kamay na ginamit mo pang-hugas” naramdaman ko kasing basa ang kamay niya.
Ngumisi naman siya at tumawa ng nakakaloko. Napansin kong nangangamoy na rin ang braso ko.
FUCK!!!“Kung wala ka lang talagang lagnat iniuntog na sana kita sa inidoro. Bwisit!” todo hugas ako ng braso kong pinagkapitan niya.
“Ano? Hintayin mo ako bakit bumitaw kana? Akala ko ba hindi mo pa kaya?” nakatalikod akong naghuhugas sa kanya at nasabi ko iyan dahil wala na akong nararamdaman na paghawak sa akin.
“Napipi pero nakakangisi naman kanina. Gaguhan tayo rito sir?” matapos kong sabihin ito ay nagulat ako sa katahimikan. Doon ko lang narealize na ako na lang pala mag-isa rito.
Ibig sabihin—“LETCHE KA SIR HUMANDA KA SAKIN KAPAG NAKALABAS AKO” All caps pero bulong ko lang ‘yan sa sarili ko.
Siyempre sinamantala ko na ang pagbabawas dahil naiwan na rin naman ako. Success grabe.
Napapahid ako ng pawis sa sarap sa pakiramdam. Nabawasan ang baho sa tiyan ko aguy.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Nasaan si Sir? Wala naman sa kama. Pumunta ako ng kusina, wala rin naman doon. Kagagaling ko rin lang ng CR at imposibleng nandoon siya. Tumingin din ako sa kisame at baka nagfi-feeling na siyang spiderman pero wala rin.
Bukas rin ang pinto ng unit. Literal na bukas.
Tinawagan ko ang babaeng nasa ibaba ng hotel at baka lumabas na ang may sakit kuno ng hindi ko alam. Lokong ‘yon, kaya naman paa ang sarili ay nagpasama pa sa CR! Siyempre ako si tanga, sumunod naman kasi may sakit nga raw. Ayoko namang mamatay ng maaga si gago kasi gusto ko magka-aids muna siya bago mangyari ‘yon. Joks. Kumatok naman ako after that.
“Miss? May nakita po ba kayong lumabas si Mr. Alhambra po?” tanong ko. Kinakabahan ako syet.
“Naku ma’am wala po” malungkot niyang sabi.
“Sige po, Salamat po” naputol na ang linya.
Sinilip ko naman ang ilalim ng kama. Baka naman nanti-trip lang siya. Ibang klase siya magkasakit. Ang lakas ng tama sa ulo. Kung barilin ko kaya siya -_-
Binuksan ko rin ang cabinet at baka may balak manggulat. Naniniguro lang.
Humiga ako sa kama. Parang gusto ko na lang itulog ang paghahanap sa kanya. Hindi naman siguro ‘yun mawawala. Malamang kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya. Hayop ‘yun eh. Kahit may sakit, mangangagat pa rin.Napansin kong muli ang pintong nakabukas. Napakunot ako dahil kung iisipin man niyang tumakas ay sana man lang, isinarado niya ang pinto. Na-iistress na ako may sakit pa naman ‘yon. Baka mang-trip lang sa labas kapag nagkataon.
Kahit bored ako at pinilit kong tumayo para isarado ang pinto. Grrr.
Akmang isasarado ko na pero parang nanlalaban ang pinto. Fota? May multo pa rito?Pili kong isinasara pero ayaw. Sa sobrang inis ko ay binitawan ko ang door knob at sinilip ang nasa likod. Ang walanghiya!
“KANINA PA KITA HINAHANAP SIR AKALA MO BA—”
I was stunned. Nanlaki ang mga mata ko dahil sinalubong ng maiinit niyang labi ang labi ko. SHIT!
Ramdam ko kung paano pumapasok sa sistema ko ang lahat. Parang nagsisilabasan na ang init sa katawan niya. Pota magkakasakit pa yata ako bukas.
BINABASA MO ANG
Known Secrets of FELIZ
RomanceFeliz Nevada, isang manager sa kanyang sariling Restobar ay mahuhumaling sa kanyang co-manager na si Daze Alhambra? Magawa kaya niyang kayanin ang tindi ng bagsik ng kanyang katrabaho at maisautak ang lahat ng sikretong dapat niyang ibunyag? **** Cr...