Chapter 43

54 0 0
                                    


FELIZ POV

Medyo lumalalim na rin ang gabi ngayon. Halos hindi ko na napansin na dilim na pala sa labas dahil sa ginagawa kong pagbabawas sa banyo at paglilibot sa Resto bar.

"Nay, a-ano po" lumapit sa akin si Mcdo at nahihiya pang umupo sa tabihan ko.

"Ano, Mcdo? Kaya mo 'yan"

"Uuwi na po sana ako, kailangan ko lang pong paghandaan ang birthday ni ano bukas" hindi pa rin siya makatingin.

Iniangat ko ang baba niya para makatingin siya sa akin ng diretso. Hoy wala akong gagawing ka-manyakan ha. Hindi ako napatol sa bata myghad.

"Hindi ka dapat nahihiya. Maging proud ka para maramdaman niyang mahalaga siya sa'yo" nginitian ko naman niya at nagulat ako dahil ngumiti din siya sa akin. OA na kung OA pero shet lang! Nakalimutan ko yatang sinabi kong hindi ako papatol sa bata.

Punyemas, ang gwapo ho. Ano ba namang hindi magustuhan dito ni Jubilee at si KFC pa ang mas trip.

"Puro na lang kasi KFC 'nay" malungkot na sabi niya.

"Ganoon talaga, magkaribal kayo lagi kahit saang aspeto. First honor siya, Second ka naman, natural threatened 'yun sa'yo kahit sabihin mong kaibigan ka niya. Isa pa, sporty din siya katulad mo, musically inclined, basta lahat na lang. Forte niyo parehas. Isa lang talaga ang pinagkaiba niyong dalawa" nagtaka naman ang kausap kong binatilyo. Hehe mamaya kana umuwi pogi usap pa tayo. RAWR.

"Ano naman po 'yun?"

"Mas confident si Jollibee pagdating sa pakikisalamuha niya sa iba. Wala siyang pinipiling kausap. Napaka-taklesa ng babaeng 'yan at na-ikwento na ang buhay niya kahit siguro sa isang estranghero pero hindi mo naman kailangan siyang tularan. May unique rin naman sa'yo. Ngumiti ka, ang gwapo mo kaya" hindi ko alam pero kahit ako ay napangiwi sa huli kong nabanggit.

Ipapaalala ko lang sa sarili ko na working student pa lang sila. Tama na please. Paaalisin ko na nga. Nakaka-distract ang mukha niya eh, parang gusto kong magpalahi. Char.

Huminga siya ng malalim at tumingin sa relo niya. Actually, naisip ko nga na baka bagay sa kanya mag-contact lense. Aguy! Ma-suggest nga.

"Sige po, I'll try my best" nagpaalam naman siya at tinanggal ko naman ang salamin niya. Inayos ng kaunti ang buhok para ma-boost ang confidence niya.

"Bagay sa'yo ganyan! Try mo ring magpagupit at tanggalin ang eye glasses mo. Mukha ka namang hot kapag may salamin pero iba ang dating kapag naka-contact lense eh" mga ateng, gusto kong magwala kasi ngumiti na naman ang anak ko. Ack! My heart T_T

"Nay naman, baka ikaw na ang magkagusto niyan sa akin at hindi na si ano" biro niya. Pwede naman para hindi kana mahihirapang magconvince. Chos lang talaga.

"Ikaw naman 'nak, alam mo namang kaya kong maging single mother para sa inyo. Wala naman talaga kayong tatay eh. Nagsariling sikap ako. Asexual Reproduction ika nga" naningkit naman ang mata niya dahil sa naisip niya. Ma-berde rin kasi ang utak niya. Actually, lahat naman kami rito. Except lang kay Daze. Napaka-dark ng pagka-berde ng isip niya. Sa amin kasi light-green pa lang. Medyo-medyo lang.

"Kinaya mong mag-isa? Paano kami nabuo? Puro egg cell lang?" sunod-sunod niyang tanong.

Nawalan ako ng sasabihin kaya nagsalita ulit siya "Ayaw mo pang aminin 'Nay, Kailangan talaga ng sperm ni—"

"Oh, tigil. Wala nga sabing tatay, tita niyo 'yon, TITA okay? Progesterone at estrogen ang nagpo-produce sa kanyang katawan imbis na progesterone maniwala kayo sa'kin" pagmamayabang ko.

"Ah nakita mo na po pala ang sandata. Okay. Suko na ako. Alis na po talaga ako" nagtatakbo na siya. Maduga, hindi pa ako nakakadepensa sa sagot niya.

Known Secrets of FELIZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon