Chapter 23

52 1 0
                                    


FELIZ POV

Ano pa bang bago? Nakakainis dahil nag-expect pa ako. Nakakabwisit ang umagang ito pero somehow, I'll get used to it. I'm tired of chasing people who really don't care about me. Nakakapagod pala talaga. In the end, I'm always the one who suffers the most so I give up. Alam ko sa pagiging marupok ko, pwedeng mag-iba ang takbo ng isip ko basta ngayon, I won't care about him for once. Deserve ko naman siguro 'no?

"Sino 'yan?" tanong ng kasama ko.

"Ah, pang-pabwisit ng araw ko. Haha" I barely laugh to what I just said.

"Tss. Is it about him?" umupo siya at humarap sa akin without breaking his eye contact to me. Great.

"Yes. As always" pinili kong mag-iwas ng tingin dahil sa pinag-uusapan namin.

"Then don't mind him. Nasaan ba siya? Siya ba ang kausap at nasa harapan mo ngayon?" curious niyang tanong.

"That's why I'm scared. Nasa Singapore siya" nagbago ang ekspresiyon ng mukha niya na para bang masaya siya para sa akin.

"Then that's good! Finally, makikita mo na siya-"

"But she's there because of Anon" and that shut him up.

"Magiging okay ka lang ba kung makita natin siya roon? I'm pretty sure na aattend siya ng launchiing, considering he is a manager of this Resto Bar" nag-aalala siya dahil baka sumabog ako anytime. Kahit ako, curious kung paano ako sobrang magalit. I just can't imagine myself being a monster to someone.

"Siguro. Hindi naman ako pupunta ng Singapore para sa kanya. Pupunta ako para magperform" inup-lift ko na lang ang sarili ko dahil totoo naman ang purpose ko.

"Tama 'yan, kasama mo rin naman ako" nakaramdam ako ng kamay sa ulo ko. Ah, I know that voice. It was Deinz, katatapos lang niyang magperform.

"Hindi kana nagpakita kanina ah"

"Aba, buti nga concerned pa ako sa Resto Bar mo. Hmmp" inirapan naman niya ako matapos niyang sabihin 'yan.

At least, kahit patong-patong ang mga problemang nadating sa akin, kaya kong isubo lahat 'yon dahil tao ako. Parang pagkain lang 'yan, kahit gaano kalaki, kayang ngatngatin ng ngipin. Sa una lang mahirap, kapag alam mo na ang sakit, effortless na lang.

Alam ko mahirap ang kakalabanin ko pagdating ko sa Singapore. Kailangan kong ihanda ang sarili ko sa mga makikita, matutuklasan at mangyayari sa akin. Hindi magiging madali ang lahat pero kakayanin ko dahil may mga taong nasuporta pa sa akin.

After 2 months....

"Oi, ano pang hinihintay mo? Don't tell me hindi pa rin ayos ang maleta mo?" inis na sabi ni Quiel.

"Gago, kagabi ko pa ito inihanda. Iniisip ko lang, baka kasi may nakalimutan pa ako." Sabay hawak ko sa baba ko.
"Heto condom ko, nakalimutan mo" sabay inihagi niya at hindi ko alam kung bakit automatic na sumahod ang kamay ko. Idiot! Bakit gumagalaw ng mag-isa 'to? DEINZ!

"Yuck! Sana man lang inilagay mo sa maleta mo! Do you think ay gagamitin ko 'yan?" angal ko.

"Malay mo naman, baka lalaki ka pala talaga sa sobrang brutal mo" at pinaghahampas ko siya.

"Ang sama mo, bwisit!" inihagis ko sa mukha niya ang condom kanina at wala na akong pakialam kung hindi niya 'yun pulutin o maiwan namin siya. Pakisabit sa amin ni Quiel, kainis! Moment namin 'to epal siya!

"Hoy! Bumalik ka rito!" hindi na ako lumingon dahil napansin ko naman ang isa ko pang kasama. Hindi na siya nagsalita at nakapagtataka dahil nakakunot ang kilay niya.

Tumigil naman ako saglit para paghiwalayin ang kilay niya. Imaginin niyo na lang. Basta ganun, gamit ang mga daliri ko.

"Galit na galit na naman 'yang mga kilay mo. Baka kailangan mo 'to?" inilabas ko mula sa sling bag ko ang napkin na lagi kong dala-dala kung sakaling alam niyo na, doon ako abutin.

"Ulul. Gusto mo ipaglagay pa kita niyan?" aba! Akala ko si Deinz lang ang kasama kong manyak, bakit parang naging times two? Hindi 'to pwede! Nanganganib ang hymen ko!

"Sabi ko nga, ako pala ang gagamit. HAHA" napangiwi ako. Dapat pala hindi na ako nagsalita dahil talo ako. Hays.

Naging mahaba ang biyahe papunta sa Airport. Akala ko may romantic na mangyayari man kang sa amin ni Quiel pero Shiz! Pa-epal pa rin 'tong si Deinz!

Seriously? Pinag-awayan pa nila kung saan ako uupo bago sumakay ng taxi!

"Ako ang tatabi kay Felita, natulo laway niyan kapag napasarap ng tulog" unang banggit ni Quiel. Go sis! Bet ko iyang sinasabi mo! Ayokong mahipuan ng wala sa oras.

"Ako dapat ang tatabi sa kanya, akala mo kung sino kang best friend ha, tsatsansing ka lang din naman. Baka nakakalimutan mo, lalaki rin ako pare, alam ko 'yang mga galawan mo" mayabang na sabi naman ni Deinz.

"At ano sa tingin mo ang ikabubuti na tatabi ka sa kanya? Ang hahalay ng mga tingin mo, unang kita ko pa lang sa'yo Alhambra." Depensa pa ni Quiel. Lavarn!

"Mas alam ko lang na komportablee na sa akin si ate Feliz. Eh ikaw? Muntik mo na siyang saktan sa ospital! Kung hindi ko pa nabalitaan!" oh. Shems. I need to do something...

"At least humingi na ako ng dispensa. Pwede ba, huwag mo akong kalabanin kung alam mo nang simula pa lang, talo kana" woah. taray naman ni bebe quiel.

"Overconfident ka masyado, bakit hindi na lang siya ang tanungin natin para mas maganda?" at nilingon ako ng dalawang siraulo. Ayan. Sa wakas! Buti naman at naisip nila! -_-

"Seriously? Nakalimutan niyo na bang may upuan pa sa unahan katabi ng driver?" natauhan naman sila sa nasabi ko. Mas nagmemake sense pa yata ang mga sinasabi ko kaysa sa kanila eh.

"Ngayong informed na kayo na 'meron palang' upuan sa unahan, alam niyo na siguro kung saan ako uupo? Tabi kayo!" hinila ko na ang maleta ko at inupuan naman 'yon ni Deinz kaya napatigil ako. Bastos talaga! Kaya pala bumigat ang bag ko. Grrrr!

"Paano kung manyakin ka ng driver? Mas mabilis ang kamay 'nun kaysa sa akin kahit nasa likod ako!" sabi kaagad ng umupo sa maleta ko. So may balak talaga siyang hipuan slash halayin ako? Ang kapaaaaaaaal.

"Kaya nga, may punto siya" ang kaninang nakikipag-away na si Quiel ay sumang-ayon sa sinabi ng kalaban niya. So ano ito? Ako naman ang pinupuntiirya niyo?

"Kaya nga kasama ko kayo hindi ba? Edi mataan niyong dalawa mula sa likod 'yung driver! Easy! Unless...badeng talaga kayong dalawa at hahayaan niyo akong mahalay sa unahan, matuloy lang ang milagrong naudlot sa inyo" namula naman silang dalawa kaya naman sinamantala ko nang hilahin muli ang maleta ko at nauna na para makapara ng taxi.

Napakaraming proseso ang nangyari bago pa kami nakasakay sa eroplano.

Hanggang sa eroplano nga, pinag-awayan pa nila kung saan ako uupo. I actually ended up sitting beside someone else.

"I'm really sorry po kung dito pa ako pumwesto, hindi ko lang po talaga kayang tumagal sa dalawang kasama ko. Parang mga asong ulol na nagtatahulan." Napatawa naman ang matandang katabi ko na katabi ang mister niyang matanda na rin. Namiss ko tuloy sina Nanay Puring at Icer. Nangako akong papasalubungan ko sila pagdating ko.

At hindi ako papayag na uuwi ako ng Pinas na wala pa ring alam tungkol sa nangyayari sa akin at kung bakit ginagago pa rin ako ni Daze hanggang ngayon.

Singapore. Here I come! I hope everything will be worthwhile!

Known Secrets of FELIZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon