Chapter 5

80 3 0
                                    

FELIZ POV

Natulog ako, I mean KAMI pala sa may bahay nina Nanay Puring. Sa hindi ko malamang dahilan, nakisabit si Deinz.

Umaga na ngayon at nasisinagan na ako ng araw mula sa bintana. Kailangan ko pang pumunta sa Resto.

"Oh, oh. Matulog kana muna ulit. Nasabihan ko na si kuya, sinabi ko na masama ang pakiramdam mo kaya hindi ka makakapasok" tinulak niya ulit ako pahiga ng kama. Hoy wag kayo! Tinulak lang! walang susunod na mangyayari kaloka.

"Sino ba matanda sa ating dalawa ha? Makapagsalita ka diyan" tamang ayos lang ng maners para naman tumino -_-

Napatawa siya sa sinabi ko at may binunot sa buhok ko. LANGHIYA. bumunot ng puting buhok ampotek.

"ANO? BAKA NAMAN PATI PUTING BUHOK KO MANYAKIN MO!" giit ko sa kanya.

"Hey, hindi ako ganoon ka-silly. Ipapalaminate ko lang para remembrance. Sabihin ko rare na item, galing sa pubic hair ng babae" dahil sa narinig ko ay sinakal ko siya para matigok na. Siyempre biro lang.

"At fyi, kasing edad mo lang ako, kung tutuusin, mas matanda pa nga ako sa'yo by month!"

"Lul. Sinong niloko mo?"

"Aba. Totoo nga! After ipanganak si kuya, sinipag agad si Daddy at Mommy kaya boom! I was born after 10 months! January 2 si kuya, tapos November ako, while here you are, a December baby" nashock ako dahil sa sinabi niya. Wait, so I was treating him like he's freakin teenager tapos 26 na rin siya at mas matanda pa?

"Whatever. Nasaan si--"

"They already left. Inihatid ko pa nga si Icer. Si Nanay Puring naman, sabi niya kaya na niya ang sarili niya at pumunta na sa bakery shop mo. Well, dahil makulit ako, sinundan ko pa rin si lola at nagmotor, just to make sure na walang mangyayari" ang hilig talagang I cut lahat ng sasabihin ko. Ganoon ba ako ka-bilis mabasa?

"Ano bang ginagawa mo rito in the first place?" tanong ko. Hindi na ako inaantok. Nawalan na ako ng will to sleep.

"Uhm, to kill time?"

"Unemployed ka?"

"Nope, I'm still studying"

"And yet, you said you were older than me?"

"Magdodoctor ako eh." Ah kaya. Bakit ba ako interesado? Manyak naman siya.

"Future obstetrician-gynecologist, oks na ang bachelor's degree at medical degree, residency na lang ang kulang. Heck. Another 4 years." natatawa niyang sambit.

Ngayon ko lang napansin na habang chinichika niya ako ay tinitiklop at inaayos niya ang kumot at mga unan na ginamit ko. wow naman.

"So 30 ka pa pala makakapag-establish ng pangalan. Kawawang bata." napailing na lang ako dahil sa tagal pa ng iintayin niya.

"Baka ikaw. Mas mukha ka pang bata sa akin. Look at your height! Pwedeng-pwede kang makisit-in sa klase ni Icer."

"Blah, blah. Where's my Quiel?"

"Ayon. Siya talaga ang pakay"

"Gago, answer me"

"Inutusan ko sa 711. Ubos na condom ko eh" heto na naman siya!

"Ew. Kalimutan mo nang nagtanong ako"

"Joke lang. Bumibili siya ng napkin, I called him earlier."

"For whom? For him?" Kaloka.

"For you of course! Sino bang may pa-blessing ng malansang dugo rito buwan-buwan? Isn't it you?"

"Bubu. Wala ako ngayon."

"Eh anong tawag mo rito? Ketchup?"

Napatingin ako sa may likuran ko at tama nga siya! HUHU nakakahiya kay Nanay Puring!

"Matagal pa ba si Quiel? Shet! Ang lakas kasi :( " natataranta na ako. Parang binuksang gripo eh.

"May diaper dito, nakita ko sa drawer. Gusto mong i-try?"

"Akin na! Jusko kung ganito ang lagay ko, kahit lampin pa 'yan papatusin ko na" tumawa naman siya ng bahagya at sinundan ako ng tingin pagkapasok sa loob ng CR.

*TOK TOK TOK

"Heto na ang napkin mo ma'am. Long yan!" pagmamalaki pa niya.

Tuwang-tuwa na sana ako pero nakarinig ako ng dagasang pagbukas ng pinto.

"NASAAN SI FELIZ? DAMN! I NEED HER!" utang na loob, ayokong mag-init ng ulo pero mukhang sa halip na uminit lang ay baka sumabog pa ako. Really, Daze?

"Kuya naman, pagpahingahin mo muna--"

"ANG SABI KO, ILABAS MO SIYA!" hanep. Umalingaw ang boses niya kaya naman napapikit ako sa takot. Walang lock ang CR nina Nanay Puring at de-pako lang ito. Lagot na.

"Kuya! Please! Nandoon naman si Ate A--"

"KAYA NGA! KAYA NANDITO AKO! SHE'S BLEEDING! GIVE ME A DAMN PAD RIGHT NOW FELIZ! ALAM KONG MERON KA!"

"Kuya, ibibili ko na lang si ate sa tindahan, please! Umalis ka muna!"

"HUWAG KANG MANGIALAM DEINZ!"
Narinig ko na ang mga paa niyang papalapit sa lugar ko. Hindi pa rin ako makakilos dahil ayokong makita na naman niya akong ganito.

*BLAG!

"AKIN NA 'YAN! ANG BAGAL-BAGAL MO! NARINIG MO NA'T LAHAT ANG SINGHAL KO, PRENTE KA PA RING NAKAUPO DIYAN!" punong-puno na ng talsik na laway ang mukha ko kahit nakatungo ako dahil sa sigaw niya. Buti na lang at hindi pa ako naghuhubo. Pakiramdam ko, para akong binababoy.

"Lintik, kuya! Mayroon din--"

"ISA PANG TALAK MO, TIGIL ANG PAG-AARAL MO. KNOW YOUR PLACE!" narinig kong bumagsak sa sahig si Deinz dahil siguro sa ginawa ng kuya niya.

Hindi ko na kaya. Nasasaktan ako. Una, bata. Tapos ngayon, kapatid? What's next? His own parents?

Wala man lang akong nagawa, hinang-hina na naman ako at umiyak na naman. Dito lang naman ako magaling eh. Sa pag-atungal.

Dahil kinuha lahat ni Daze ang isang balot ng napkin, nagtiyaga na lang ako sa diaper. Shet! Small pa ang size! Hindi man lang nagfit kahit sobrang payat ko na!

Lumabas ako ng CR at nakitang hawak-hawak ni Deinz ang tiyan niya at kita ang dugo sa gilid ng labi niya. Malaki ang pangangatawan ni Deinz pero bakit hindi siya lumaban? Martyr?

"Pasensiya kana, last na 'yun. Wala na raw stock." dahan-dahan siyang tumayo at paika-ikang naglakad papunta sa akin.

"Halika, kumain kana. Alam kong masakit" kahit may dugo sa gilid ng labi niya ay ngumiti pa rin siya sa akin. Tanga ba siya?

Napaisip rin ako sa sinabi niya. Takte. Double meaning gosh...o ako lang talaga ang nag-isip 'nun?

"Ako na ang bahalang bumili ng napkin. Pakisabi na lang kay Quiel, salamat."

*TOOT TOOT!

Napatingin siya sa cellphone niya na nagtext.

"Sabi ni kuya, pumunta kana raw mamayang gabi sa unit niya. May kailangan siyang sabihin" walang gana niyang ibiabot sa akin ang phone niya. Pati ba naman sa text...rinig na rinig ko ang boses niya! NAKA-ALL CAPS PA ANG TEXT.

"Bakit parang walang IQ 'yang kuya mo? Hindi man lang niya naisip na bumili sa tindahan at dito pa talaga dumeretso?"
g na g kong angal sa kasama ko.

"Huwag ako ang tanungin mo, ako ba si Daze ha?" iritado niyang sabi. Baklang 'to!

"Maligo kana! Gusto ni kuya, laging fresh"

"Rephrase! Gusto ni Quiel, laging fresh" pagtatama ko.

"Quiel na naman? Kaya nagagalit sa'yo si kuya eh"

"Alam mo sorry ha, pero gustong-gusto ko nang sakalin 'yang kuya mo. Sabihin mo magbigti na siya ng wala ng sumisigaw sa akin. Nakakarindi, kung alam mo lang."

*TOOT TOOT

Napatingin naman ako sa tumunog na cellphone.

"Change of plans. Pumunta ka na raw sa unit. Kaaalis lang ni..."

"Nino? Ng kuya mo?" tagal eh. Sana siya 'yung umalis para solo ko ang unit.

Huminga muna siya ng malalim at nagsalita " ni Ate Anon" hindi niya makuhang tumingin sa akin at mukhang malungkot siya. Teka, crush ba niya 'yun?

"TYPE MO?" pang-aasar ko.

"Hindi ah! K-kaunti lang..." Kaya pala! TSK TSK. So hindi pala siya bakla...Bisexual pala siya! AAAAACK.

Taray. Ang haba naman ng hair ni Anon.

*TOK TOK TOK!

"Pagbuksan mo muna. Ang sakit pa rin ng suntok ni kuya. Shit!" inda niya.

Sunod-sunod ang pagkatok ng pintuan at nagulat ako sa iniluwa nito.

"Where's Deinz? Ayos lang ba siya?" gulat na gulat ako ng nakita ko na naman ang mukha ni Anon.

"N-Nasa loob, mag-usap muna kayo" nginitian ko siya.

"Deinz! Anong nangyari sa'yo? Sinong may gawa nito sa'yo? Blah blah" sunod-sunod na tanong ni Anon sa lalaki at tumingin siya sa akin.

Kinindatan ko siya at sumenyas na paalis. Nakalimutan kong sabihin na may spare clothes ako kaya pagkatapos kong magdiaper ay nagpalit na rin ako ng Damit.

On the way to the demon's unit. Jusko wag naman po sana. Meron ako ngayon baka makasapak ako.

Pagkabukas ng unit ay kitang-kita ko ang mga nagkalat na pagkain, alak, at damit sa may dining area. Nakalupagi si Daze sa sahig, pugto ang mata, napatingin sa akin at may tumulong luha sa kanya noong makita niya ako.

Fudge! Anong nangyari noong wala ako? Bakit siya nagkakaganito?

Pinipigilan kong maawa sa lagay niya at iniiwas ang tingin ko. Kakaiyak ko lang kanina tapoa bubugso na naman ngayon? Peste! Nakakahawa ang luha ni Daze!

Dumeresto na ako sa kusina at muntik nang matisod dahil niyakap niya ako mula sa likuran.

"I'M SORRY. I'M REALLY SORRY." hindi siya galit pero lumalakas ang boses niya dahil sa mga hikbi niya sa likuran ko. This is the first time na nakita ko siyang mahina, malambot, at nagawa pa niya akong hawakan ng banayad. Walang halong gigil at hindi ako nakaramdam ng takot.

Please wake me up. I don't believe this! Pasampal ako! Sige na naman...

Known Secrets of FELIZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon