FELIZ POV
Hey, I'm the great Feliz Christine Nevada, 28 years old and still taking care of my son, Giorgio Nevada.
Nandito ako ngayon sa kasal nila. I smiled at them and couldn't help but to cry. Imagine, nahihirapan akong humanap ng babaeng tatanggap sa kanya and luckily, dinala naman ako sa department nila.
"Congratulations, Mr. and Mrs. Alhambra!" bungad ko at nagulat sila pareho sa akin. Ipinakilala ko ang anak ko at nagkausap kami matapos ang event.
"Hindi ko inaasahan na ngayon ka pa dadating," nakangiting sabi ni Daze. He must be really happy now that Agent Sven is with him.
"Well, care to thank me for being the cupid?" maloko kong sabi at tinawanan lang nila ako. Naiinggit ako, kasi magkasama na sila.
"You deserve someone else. I bet you have one," ani ni Agent Sven. She's really pretty.
"Here's my gift, I hope you don't mind but we need to go," paalam ko. I need to visit someone and avoid their questions. I guess it's too much for me.
"Here's the mini notebook," iniabot sa akin mismo ni Daze which made me tremble by the thought of seeing it again.
"Known Secrets, eh?" pinilit kong ikalma ang sarili ko. I wish I could stay here.
Kinakabahan na ako sa patutunguhan ko.
"Mama, aren't we going to visit him?" tanong ni Gio at mukhang sabik na sabik na siya. Damn it, kumalma ka anak!
"Yes, anak. Magpapaalam lang tayo sa kanila," sambit ko sa anak ko at kumaway na sa kanilang dalawa.
"Thank you very much, Agent. I owe you big time," sobrang higpit ng yakap ko sa kanya. Sa oras na ito, I am definitely gathering my confidence to face him, AGAIN.
"No, sobrang salamat sa'yo! I am this happy because of you, God bless your heart and same goes for your son." balik na pamamaalam niya.
"Salamat, Feliz. You know I loved you right? I'm still here, ready to help you," dagdag naman ni Daze.
Nagawa ko na ang hinahangad kong makita. Masaya na sila. I glanced at my son then we walked silently...
--
"Nandito na tayo, anak," hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil baka manghina na naman ako. Hindi ko pa kaya pero kailangan para kay Gio.
"Siya na po ba ang sinasabi mo, Mama?" naguguluhan niyang tanong.
Hindi kaagad ako nakasagot dahil sa takot, kinakabahan ako sa sasabihin ng taong kaharap namin ngayon.
"You must be happy, nandito na ako sa kulungan," bungad ng lalaking matagal kong tinaguan matapos ang ilang taon.
"Huwag mong awayin ang Mama ko," pagtatanggol sa akin ng anak ko. Hindi talaga ako mapakali.
"I'm not. In fact, I love her so much," napapikit ako sa sinabi niya.
"Now tell me, what brings you here?" galit na tanong niya sa akin. Buti naman at hindi siya nagalit sa bata.
Hindi pa ako nakapagsalita.
"Naaawa ka sa'kin? I don't need your pity right now. Hah! Oo nga pala, nalaman ko na hindi pala ikaw ang humuli sa akin at mas pinili mong magtago. Ganoon ka ba ka-duwag?" puno ng pait at kirot ang mga hinanakit niya. Parang gusto ko na lang umalis. Pwede na bang maglaho na kami rito?
"Tama na po, tito..." niyakap ako ng anak ko. I feel so weak in front of him.
"Hindi ko tatantanan ang Mama mo, lalo na ngayon..." hinawakan niya ang baba ko kahit may posas siya kaya napatingin ako sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Known Secrets of FELIZ
RomanceFeliz Nevada, isang manager sa kanyang sariling Restobar ay mahuhumaling sa kanyang co-manager na si Daze Alhambra? Magawa kaya niyang kayanin ang tindi ng bagsik ng kanyang katrabaho at maisautak ang lahat ng sikretong dapat niyang ibunyag? **** Cr...