FELIZ POV
Tulala lang akong nakaupo sa usual spot na sinasabi ni kuya. Nandito ako sa may computer shop na napakasikip.
Player kasi si kuya dati at palaging tambay dito. Pawis na pawis siya lagi at ako ang ginagawa niyang pamahid niya. Kadiri.
"Ma..." sumulpot sa may pintuan ang anak ko kaya dali-dali siyang pumunta sa akin at nagmano.
Sinamaan ko ng tingin si kuya bago tiningnan muli ang anak ko, "Sinaktan ka ba niya?" bulong ko at napatawa naman si Gio. Nakakatawa 'yon?
"Mama naman, tatay ko siya," napakamot na lang siya sa ulo niya at umupo sa tabihan ko.
"Sa labas lang kami mag-uusap ha, maglaro ka muna o tumambay kung gusto mo," ginulo ko ang buhok niyang malago at tumango lang siya sa sinabi ko. That's my boy.
Pagkaalis namin ni kuya ay binanatan ko na siya ng ratrat.
"Anong problema mo sa linya kahapon? Ang bastos mong kausap," walang galang kong sambit sa kanya dahil hindi nga naman kami magkapatid so what's the sense, right?
"Bastos naman palagi ako sa paningin mo, kapatid," lalong nag-init ang ulo ko dahil palagi niyang binabanggit ang salitang 'kapatid'
"Anong kailangan mo?" maang na tanong ko dahil wala akong panahon para tumagal sa tayo naming ito.
"You,"
I stared at him for a couple of minutes, naghihintay na magsabi siya na kalokohan lang iyon but he's freakin' serious about it.
"Please tell me if I should believe in you, nawawalan na ako ng pasensiya," iritado kong sagot dahil alam kong hindi naman iyon ang ipinunta niya rito.
"I want Gio to carry my surname,"
Napanganga ako sa binitawan niyang salita. Hindi ko palalampasin ito.
"No way,"
"I already figured this out. So here's my deal," nag-abot siya sa akin ng isang papel at binasa lo iyon.
Gustuhin ko mang punitin ang hawak ko ay wala rin naman akong magagawa dahil paniguradong may kopya pa siya.
"Ang kapal ng mukha mong gamitin ang kapangyarihan mo para sa anak ko. Hindi ka rin desperada, ano?" with my mocking voice, hindi man lang siya tinablan at parang desidido na siya.
"Oo, dahil karapatan ko 'yon, Feliz. No one can stop me," he said it with conviction. Damn it!
"Kung ikaw lang din naman ang masusunod, bakit kinausap mo pa ako?" this is going nowhere. May plano pala siyang ganito at ipapaalam niya lang sa akin ngayong plakado na ang lahat?
Ngumisi siya sa tanong ko at hinintay ko pa ang sinabi niya,
"To tease you, of course,"
Tangina mo, sagad!
"I love seeing your face when you are fuming mad, it makes my pet alive,"
That's it! Mababastos lang ako rito.
"Fine! Do whatever you want! Just make sure na hindi ka na mamumutakte ng buhay ng iba," ayos na kami ni Lemuel. I'm giving him the chance at ayokong sisingit pa siya. Hindi ko na kaya.
"I can't promise that, I'm still in love with you,"
"Love is never an excuse to meddle with someone else's life, moron," hanggang sa paglabas ko ay nakasunod siya. Nakanang!
"Ma? Sumama ka po sa amin ni Dad, he said he's gonna buy me a new shoes," ngiting sabi ni Gio.
"Nak, marami kang sapatos hindi ba? Don't you think it's too much?" nilalason na yata ni kuya ang utak ng anak ko. Masyadong iniispoil!
BINABASA MO ANG
Known Secrets of FELIZ
RomanceFeliz Nevada, isang manager sa kanyang sariling Restobar ay mahuhumaling sa kanyang co-manager na si Daze Alhambra? Magawa kaya niyang kayanin ang tindi ng bagsik ng kanyang katrabaho at maisautak ang lahat ng sikretong dapat niyang ibunyag? **** Cr...