Chapter 11

67 1 0
                                    


FELIZ POV

Naglakad kami at hindi ko alam kung saan ba talaga niya ako dadalhin. Home raw. Ang alam ko lang naman na inuuwian namin ay ang Condo unit niya. 'yun lang talaga.

"Saang home ba ang sinasabi mo? Bubugbugin mo na ba ako?" napatingin naman siya sa akin ng masama pero hindi na katulad ng dati na malma ang tingin niya. Improving.

Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad. May hinahanap 'yata siya, ang kulit ng ulo eh. Pawasi-wasiwas.

"Si Anon ba 'yun?" kahit bulong lang ay narinig ko naman ang sinabi niya. Hindi ko talaga siya magets.

"Ah, uuwian mo na si Anon? Kasi siya 'yung home mo?" nilaksan ko pa ang boses ko para lang sagutin o kausapin niya ako pero ni isang salita ay wala akong nakuha mula sa kanya.

Tumigil siya sa tapat ng isang bahay na parang napakapamilyar. Kahit napakarami kong tanong ay nanatili akong tahimik. Ayoko nang magsigawan ulit kami. Nakakapagod pala.

Napabuntong hininga siya bago buksan ang pinto at tiningnan lang ako na para bang pinapauna niya akong pumasok. So ano kami ngayon? Ako lang magsasayang ng laway habang siya, todo galaw lang at kailangan mabasa ko ang sinasabi ng mga mata niya? Layasan ko kaya siya?

"Bahay natin 'to" tipid na sabi niya. Ah. Anong gusto niyang maramdaman ko? Matuwa?

"Ah, okay" matamlay kong sinabi at dumeretso sa sofa.

"Bakit ba ganyan ka sumagot? Hindi ka ba masaya?"

"Ineexpect mo akong magiging masaya matapos mong itago sa akin na ako pala ang asawa mo? All this time? Unbelievable" kalmado kong sagot sa kanya.

"Fine. Hindi muna kita kukulitin. Magpahinga kana" napataas ang kilay ko sa sinabi niya. He said what?

Ipapaulit ko sana ang sinabi niya pero nakaalis na pala siya sa harapan ko. Marahil ay napagod. Buti nga.

Naglakad ako papunta ng kwarto at nakitang bukas ang CR. Minabuti kong intayin siya para matahimik na ako.

"Isang tanong, isang sagot" nabigla naman siya dahil siguro nakaabang na ako sa may pintuan. Gosh. Wala siyang suot na damit pang-itaas. Huwag mo naman akong i-temp Daze! Seryoso ang itatanong sa kanya eh.

"Spill it"

"Ano kayo ni Shanon?" napatigil siya sa saglit at iniiwas ang tingin sa akin.

"We're friends."

Umalis siya sa tapat ng CR at naglakad papunta sa isang kwarto.

Hinarangan ko siya sa may pintuan at nakipageye-eye contact sa kanya. Is he avoiding me?
"I'll be asking you again, what going on between you and her?"

"I already told you, we're friends! Ano bang hindi malinaw sa sinabi ko? Are you dumb?" akala ko ba mabait siya? Bakit niya ako pinagsasalitaan ng ganito? Wala ba akong karapatan?

"No. But I am your wife"

"I'm tired okay? Let me sleep" iniba niya ang usapan at hinawakan sa balikat para tumabi ako. Akala ko manggigigil na naman siya noong hawakan niya ako. This day is full of surprises!

I give up. Mukhang wala naman akong mapapala kay Daze. Ano bang role ko sa buhay niya? Masabi lang sigurong asawa para may taga-gawa ng gawaing bahay dito sa bahay niya.

Ang tagal ko pang pinag-isipan kung tatabi ba ako sa kanya dahil maliit lang ang sofa hindi katulad ng nasa unit niya na kaya ko pang mag-stretch. Pero dahil sabi niya, i-consider ko raw siya sa mgadesisyon ko, oh edi sige! Sa sofa ako matutulog. Ikinonsidera ko naman kung gaano siya kalaki—i mean kung gaano siya katangkad kaya hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko.

Pagkagising ko, HAHA. Akala ko pa naman, mangyayari sa'kin 'yung may kumot ako at unan o kaya mararamdaman ko na lang na nasa kama na pala ako. Kaso tumambad sa akin ang napakaraming damit na nasa basket.

"Bakit nandito ang mga labahin?" ang ganda namang bungad nito.

"Hi sis" napakurap naman ako dahil si Deinz na pala ang nasa harapan ko.

"Ano? Gagawin mo naman akong labandera this time?" kinamot ko ang ulo ko na para bang may kuto. Pwede nang dapuan ng mga ibon sa sobrang buhaghag.

"Aba, sumusunod lang ako sa utos ni kuya. Bilin niya sa akin, labhan mo raw 'yan lahat" kain lang siya ng kain ng junk food sa harap ko at prenteng naka-upo sa silya. Sarap buhay ah. Bahay niya, bahay niya?

"Bakit andaming brief diyan? Lagi bang nagpapalit 'yung kuya mo kada isang oras? Ni hindi ko nga siya nakikitang pumupunta sa restroom ng resto bar" angal ko.

"Tingnan mo muna kasing mabuti" kumuha siya ng dalawang piraso at iniharap sa akin. Aba bastos!

"Kita mo? Mas malaki ang size ng isa, meaning hindi lang sa kanya"

"So kanino 'yan? Alangan namang akin?"

"Of course, sa akin!" bumunghalit naman siya ng tawa. Anong nakakatawa roon? PESTE.

"Anong sa'yo? Kadiri ka inilapit mo talaga sa akin!"

"You're making an observation. The nearer, the better. At saka, ang arte mo! Ang bango kaya ng brief ko, amoy baby!"
Yuck. OHO OHO OHO napapaubo ako sa katangahan niya. Ew.

"Hayop ka, pakainin mo muna ako." Pinagpapalo ko siya sa dibdib niya. Tapos nakita ko 'yung pwet niya ahaha mapagdiskitahan nga.

"ARAY! BAKIT MO HINAMPAS ANG PWET KO?" singhal niya. Grabe talaga. Mas malakas pa talaga ang sigaw niya sa asawa ko. HAHAHAHAH

"NAKAKAGIGIL KA KASE! PARAANIN MO AKO AT KAKAIN NA AKO!" pinanlakihan ko siya ng mata dahil kanina pa siya nakaharang.

"Ano pang hinihintay mo? Tutuklawin kana ng pagkain mo" tawang-tawa pa rin siya. Letche, wala ba siyang jowa? Nasaan na ba si Anon?

"Uutuin mo pa ako! Alis!"

"I'm not kidding! Kainin mo na ang nasa harapan mo!" bwisit talaga. He's pertaining to himself. MANYAK!

Nagbukas ang pinto at kinabahan ako. Taena may multo ba rito sa bahay na ito? Huhu.

"DEINZ!"

"Ano kuya? Tone down naman" iritadong sagot ng kuya niya sa kanya.

Nagulat ako sa sumunod na nangyari.

HE.PUNCHED.HIS.BROTHER.

"Ano bang problema mo na naman kuya? Ako na lang lagi ang kaaway mo!" napalakas ang boses ni Deinz dahil sa inasta ng kuya niya. Hindi pa rito nagtatapos ang ginawa ng kanyang kapatid dahil kinuwelyuhan niya ito.

"SAAN MO DINALA SI ANON HA? SAAN? SUMAGOT KA, KUNG HINDI PAPATAYIN KITA!" balik na naman siya sa dati niyang gawi. May nainom ba siya nitong mga nakaraan?

Lumapit ako sa kanilang dalawa at pinilit silang awatin. Wala na yatang scenario na kasama ako na hindi sila nag-aaway!

"Wala akong alam sa sinasabi mo kuya! Siya ang huli mong kasama dati hindi ba?" maingat at parang inosenteng sagot ni Deinz. Ang hirap namang lumugar. Hindi ko pwedeng sabihin dahil nakiusap sa akin ang kapatid niya.

"Umagang-umaga naman, please! Huwag na kayong mag-away!" nanlalambot kong sambit sa kanila dahil hindi pa ako nakakakain. Ang hirap talaga kapag gutom ka. Idagdag mo pa ang sakit ng ulo ko.

"DEINZ! KUYA MO AKO! BAKIT KA BA SA AKIN NAGTATAGO!" inalis ni Daze ang pagkakahawak niya sa kwelyo ni Deinz at itinulak nya. Nagkataon namang tumama siya sa basket na puno ng mga labahin. Pigilan niyo ako! Tatamaan na talaga sila sa akin!

"Hindi ko alam kuya! Bakit ba sa tingin mo ay sa akin siya tatakbo?" angal ng kapatid habang hinihimas ang parteng natamaan noong bumagsak siya.

"MALAMANG! SINO BANG LAGING NANUNULOT? HINDI BA IKAW?" kumulo ng biglaan ang dugo ko sa narinig ko.

"Daze! Tigilan mo na ang kapatid mo! Hindi ba dapat ay magtiwala ka lang sa kanya? KA-DUGO MO 'YAN!" unti-unti kong itinaas ang boses ko sa asawa kong hindi ko alam kung saan ipinglihi. Mayroon bang ipinaglihi sa isang sakit?

"LINTIK KUYA! KAILAN KO NANULOT? KAILAN? LAGI AKONG NAGPAPARAYA PARA SA'YO!" giit naman pabalik ng nasaktang kapatid. This time, si Deinz na ang lumapit sa kuya niya at pinandilatan. Nakakatakot silang dalawa. Hindi ko na alam kung sino ang katatakutan ko.

"ANO NA BANG NAIAMBAG MO SA PAMILYA NATIN? NI HINDI KA PA NGA DOKTOR! KALANDIAN PA ANG INAATUPAG MO!" naririndi na ako at unti-unting nasakit ang ulo ko. Huwag ngayon please...baka may malaman akong katotohanan!

"HUWAG MO SA AKIN ISUMBAT ANG DAPAT GINAWA MO KUYA! IKAW DAPAT ANG DOKTOR SA ATING DALAWA PERO ANO? DAHIL SINUNOD MO ANG GUSTO MO AY HINDI MO NA AKO INISIP KUNG GUSTO KO! NAPAKASELFISH MO!" nararamdaman ko na ang nagbabadyang luha sa mga mata ni Deinz pero pinipigilan niya. Hindi ko na kayang tumunganga na lang. Bahala na!

"PWEDE BA TUMIGIL NA KAYONG DALAWA! MAGKAPATID KAYO AT HINDI MAN LANG KAYO NAHIYA SA AKIN NA BABAE? NASAAN ANG RESPETO NIYO? ANO BA AKO RITO? PUNYETA! TAGA-NOOD LANG SA BUGBUGAN NIYO? SIGE MAGPATAYAN KAYO!" isinigaw ko na lahat ng boses at lakas na inipon ko habang pinapakinggan ang away nila. Ubos na ubos na ako. Napakahina ko talaga.

"TANGINA TUMIGIL KA! HINDI KA SI ANON KAYA MANAHIMIK KA!"

There. He said it.

ANON. ANON. ANON. PURO NA LANG ANON!

Kanina pa akong nagtitimpi pero alam niyo 'yung masakit? Kasi ayos lang kung si Deinz ang nagsabi 'nun dahil maiintindihan ko pa siya. Kaya lang...bakit kailangang isali si ANON? at bakit parang wala lang ako sa pamilyang ito?

Take note...galing pa mismo sa bibig ng asawa ko.

Damn it. I am so done. May mga luha na naman!

Known Secrets of FELIZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon