FELIZ POV
"Ibinili ko lang ng groceries si Mama. Kumusta?" kahit kailan talaga, ang gwapo pa rin niya. Well, it runs in the blood sabi niya sa akin before.
"I'm...almost there. Ikaw na ang bahala" ginulo naman niya ang buhok ko. Hindi pa ito ang oras. I need to be careful.
"Yes, as you wish." nagmamadali siyang umalis. Sana ayos lang siya.
Buti na lang, umalis kaagad siya. Ayaw kong makita siya ni Daze dahil mas lalomg gugulo ang sitwasiyon. Kaunti na lang naman...kaunti na lang.
Sumalubong sa akin ang nakasandal na pigura ni Daze. Mukhang hinihintay niya ako.
Blanko lang ang mukha niya. Mukhang wala naman siyang nakita.
"May gusto ka bang puntahan?" kaswal kong tanong. Hindi ko na kasi keri kapag nagkita talaga sila. Malilintikan ako.
"Wala naman, umuwi na tayo" tumalikod siya at inilabas ang susi ng kotse. Nagdala pala siya.
--
Buong biyahe kaming tahimik kang. Walang nagsasalita at mas lalo akong kinabahan. May kasalanan ba ako sa kanya?
"Hindi ko type si Deilan, okay? Stop sulking." hindi ko na kasi kayang tingnan siya na ganun. Nakakaawa, legit. Parang gusto kong sunggaban ng halik at yakap. Luh, ano?
"I'm not. You're over thinking," ngumisi naman siya. Ano bang pag-uugali yan, Daze? Hindi ko na magets.
"Fine. Ayaw mong hindi ako nagsasalita tapos ngayon kapag ikaw, okay lang? Gumaganti ka ba, Daze? Wala akong ginagawang mali! In fact, I stayed with you until now dahil mahal kita! Ano pa bang gusto mong ipakita sa'yo para maniwala ka?" Hindi ako makapaniwalang lumabas yan sa bibig ko. Buti na lang at nakatigil ang sasakyan dahil red ang kulay ng ilaw.
"You stayed kasi naawa ka, ganoon 'yun di ba? You are making me feel this way para akalain kong mahal mo ako."
"No! Mali ang iniisip mo! Daze naman, kung hindi kita mahal, matagal na sana akong sumama kay Quiel, pinilit ko sana si Deinz o kaya sana, sineduce ko na nang tuluyan si Jonaf! Ano pa ba, ha? Ano pang gusto mong ibigay ko?" napatingin ako sa may bintana para pigilan ang sarili long umiyak. Luha na naman, walang kasawa-sawa.
Nanahimik siya at napahampas sa manibela. Hawak-hawak niya ang ulo niya. Damn those drugs! It's still killing him!
"Daze, clear your mind for now. Huwag mong hayaang kainin ka ng droga please, I'm begging you," naramdaman kong para siyang nanlalambot at mainit na naman ang pakiramdam niya.
Mabuti na lang at nandito na pala kami ulit sa unit niya. Nagpatulong akong buhatin siya dahil daig pa niya ang lasing sa bigat niya. Magpapagewang-gewang siya kung wala kaming naka-suporta sa kanya.
--
Nakahiga na siya sa kama at kukuha sana ako ng thermometer para tingnan kung may lagnat ba siya o ano.
"Huwag kang umalis. Wala akong sakit," sabi niya pero mainit talaga siya.
"Walang masakit sa'yo? Tell me, para madala kita sa hospital." mahinahon kong tanong pero natataranta na ako.
"Shhh. I'm fine. It's because of that effin drug. Naranasan ko na ito noon at nakayanan ko namang malampasan" pagkakalma niya sa akin.
Nakaupo ako ngayon sa baba ng kama at hawak-hawak ang kamay ni Daze.
"Are you sure? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa'yo." sabi ko at nagbabadya na naman ang mga luha ko.
"Saktan mo na lang ako, sigawan o kahit ano okay lang! Just please, huwag kang mawawala. I've endured this far, Daze. Huwag mo naman akong iwan sa ere." dagdag ko pa at hinalikhalikan ko ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Known Secrets of FELIZ
RomanceFeliz Nevada, isang manager sa kanyang sariling Restobar ay mahuhumaling sa kanyang co-manager na si Daze Alhambra? Magawa kaya niyang kayanin ang tindi ng bagsik ng kanyang katrabaho at maisautak ang lahat ng sikretong dapat niyang ibunyag? **** Cr...