Chapter 35

28 0 0
                                    


FELIZ POV

Pagkatapos akong yakapin ni Deinz ay minadali ko na ang pamimili ng mga pasalubong sa Duty Free.

Inalis ko muna sa isip ko kung ano ang naiwan ko sa Singapore dahil may gusto akong malaman.

"Ang dami naman 'yan. Buntis ka ba?" agad akong napamura sa nasambit ng lalaking kasama ko.

"Gago, kapag maraming chocolates, nagke-crave o buntis na agad? Sampalin kita diyan eh" giit ko.

"Eh kung bumili ako ng sandamak-mak na condom, ibig sabibin ba 'non ay ready ko mamg ibigay ang kabataan ng ilang beses?" dagdag ko pa

"Malamang. Ano pa bang gusto mong gawin sa condom? Gagawin mong lagayan ng ice candy?"

"Letche ka. Anong ice candy? Pwede naman kasing ipagbebenta 'di ba? Hindi lahat ng bagay ay iisa lang ang purpose ha. Itaga mo 'yan sa utak mo ng matandaan mo naman" inis na utas ko.

"Ayaw pa aminin, palibhasa virgin pa rin" pang-aasar niya.

"Bakit ba mas concern ka pa sa kipay ko? Gusto mo bang magkaroon ng sarili mong ganito? Tara samahan kita magpatanggal." alam kong lumalayo na kami sa argumento kanina pero dahil ayaw niyang tumigil kakaputak, sasakyan ko na lang ang mga talak niya.

Ang hirap talaga kapag may kasama kang manyak. Pati utak ko ay naabsorb na lahat ng kaberdehang meron siya. Ibang klase.

"Oh ikaw, wala ka bang pasalubong kay Shanon...ayy" ang tanga-tanga mo naman Feliz! Bakit mo binanggit si Shanon? ASDFGHJKL.

"Bakit ko naman siya pasasalubungan eh hindi naman siya bata." walang gana niyang sabi.

"Aww, edi 'yung anak mo na lang" sambit ko.

"Anak? Hindi pa ho ako kasal manang, baka nakakalimutan mo" depensa naman niya.

Nagulat naman ako sa ekspresiyon ng mukha niya. Paano kaya 'yon? Para siyang galit na galit sa sinabi ko.

"Hindi nga, pero kakaamin mo lang sa akin sa Singapore na hindi ka gumamit ng proteksyon noong may mangyari sa inyo ni Shanon mo" pag-uulit ko. Naipupu ko na nga kasi 'yung metyrapone kaya mabilis ba ako makatanda ng mga nangyari.

"I told her to take pills. Another method. Tss" iniabot niya ang bayad dahil nandito na pala kami sa counter. Geez. Hindi ko namalayan.

Galante ang lolo niyo, dami kong pinamili pero itinaboy lang ang iaabot ko sanang pera sa babaeng nasa counter.

Parang noong nasa jeep lang kami kasama...kasama si Icer.

Hindi na kami nagkausap pa ni Deinz dahil na-badtrip yata siya sa nabuklat kong topic.

Kahit mahirap, nakakuha naman ako ng isang hibla ng buhok niya dahil nanghiram siya ng suklay habang nasa biyahe.

Oras na para malaman ang resulta at harapin niya ang matagal na niyang responsibilidad. Sana lamang talaga ay panagutan niya ito sa kahit anong paraan.

Dumeretso na ako sa bakery at nakita kong nandoon na si Icer.

Nilapitan niya ako at yumakap sa akin.

"Ate Fe!!! Kumusta po kayo?" tanong niya. Grabe namiss ko ang cute na pototoy nito hihi. Aba, katulong ko si Nanay Puring noong bata pa siya eh. Ang saya kaya! Kase medyo grown up na siya. Nakakahiya. Ang pedo kong tingnan.

"Ayos lang si ate, uhmm may request nga pala ako" bungad ko.

"Sige po, basta kapalit po ng pasalubong ko" ngiting wagas na naman ang bata kaya naman mas lalong lumitaw ang hitsura niyang kamukhang-kamukha ng lalaing kasama ko lamang kanina.

Known Secrets of FELIZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon