Deanna's
"Ano???? Morning shift na naman ako? Bakit biglaan? Kulang pa tulog ko, eh!" Reklamo ko kay Carly.
Halos kakatulog ko lang din tapos nagising ako sa tawag nya.
Lalo pa akong nagising nung sabihin nyang may duty akong ngayong umaga.
Samantalang, halos kakauwi ko lang din galing sa night shift ko.
"Kumalma ka!!! Mag-aassist ka lang ng mga trainees ngayon! Sandali ka lang naman!"
"Okay! Maliligo na! Papunta na!!" Sagot ko habang kamot ang ulo ko.
"Sorry na bebe ko! Naistorbo ka pa, kiss nalang kita pag-dating dito." Natawa ako ng mahina.
Letse talaga 'tong si Carly, eh.
Kung hindi lang ako inlove kay Jema, baka pinatulan ko na sya.
Kaso ayoko naman maging unfair sakanya o kahit kanino.
Gusto ko kapag pumasok ako isang relasyon, yung buo ako.
Walang dahilan para maka-sakit ako ng iba, kahit pa. Hindi ko sinasadya....
Mabilis lang ako nakarating sa fast food na pinag-tatrabahuan ko.
Sinalubong agad ako ni Carly, napangiti agad ako sakanya.
"Bebe ko!" Sabi nya, sabay akap sakin.
"Good morning ma'am Carly!" Natatawa kong bati sakanya.
"Hinahanap ka na ni ma'am Jia, dumeretso ka na dun." Sabay turo nito kung nasaan si ma'am Jia at mga bagong crew namin.
Agad naman akong tumungo dun, napansin kong sobra atang madaming training crew ngayon?
Magtatanggalan ba kami?
"Good morning ma'am Jia," nakangiting bati ko sakanya.
Nilingon naman nya ako.
"Good morning too, ma'am Deanna." Seryosong bati nya sakin.
"Okay, guys. Ito si Deanna, ang TL nyo. Sya ang magtetraining sainyo lalo na sa cashier. So, maiwan ko muna kayo sakanya. Pero ingat kayo dito, pafall 'to. Hahaha," sabi ni Ma'am Jia. Tinapik pa nya ang balikat ko.
Napangiti naman ang mga bagong crew sa tinuran nya
"Ma'am Ji, talaga." Napanguso kong sabi.
Tumawa lang si Ma'am Jia, bago tuluyang nag-paalam samin.
Tinignan ko ang mga bagong applikante.
Inisa-isa ko sila, may apat na lalaki at limang babae.
Medjo napatagal ang pag-titig ko sa isang babae, tila ba nakita ko na sya dati.
Hindi ko lang matanda kung saan.
"Ehem! Baka matunaw na yan," pumitlag ako sa boses ni Carly.
Nasa tabi ko na pala sya. Napakamot tuloy ako sa ulo ko.
"Ahm... so guys. I'm Deanna Wong, 21 years old. So ,Team Leader ako dito sa branch na 'to. Pero, 'wag kayong mailang sakin ah? Mabait naman ako, hahaha. Kapag may kailangan kayo, may gusyo kayong malaman. Wag mahihiyang mag-tanong," natawa sila.
Kasi kinanta ko pa yung last na sinabi ko na parang theme song ng commercial ng gamot.
"Pero, tungkol lang sa trabaho ah? Wag tungkol sa lovelife ko, hahaha."
"Taken na sya. Wag na kayong magp-cute pa," sabi ni Carly.
Putek nasa tabi ko pa pala 'to, hahaha.
Nagsign naman ako sa kanila na hindi yun totoo, sabay ngiti ko.
"Ma'am Deanna, Crush ka ba ni ma'am Carly?" Tanong ng isang applicant na babae, pagkalayo palang ni Carly.
"Lesbian ka? Sayang naman!" Sabi naman nung isang lalaki.
"Hindi ako sayang, basta hindi ako sayo mapupunta. Hahaha, joke lang."
Nagtawanan naman sila at napakamot nalang sya ng ulo.
Tinuro ko muna sakanila yung mga dapat nilang tandaan.
Lalo na yung standard na ginagawa para maging safe ang customer.
Yung history ng store, at syempre. Yung safety nila sa trabaho.
Yun ang pinaka mahalaga.
Nagpakilala din sila din sakin isa-isa.
Pero agad ko rin nakakalimot yung pangalan nung iba.
Pero yong Mafe Galanza, tumatak na sya agad sakin.
Sobrang pamilyar nya talaga, parang nakita ko na sya. Hindi ko lang talaga matandaan kung saan.
Pinag-exam ko muna sila habang nag-lalunch ako.
"Magduty ka pa ba mamaya?" Tanong ni Luigi co-Team Leader ko.
Sa service naman sya naglelead, tapos meron din sa kitchen. Bali, tatlo kaming Team Leader sa Branch na 'to.
"Sabi ni ma'am Carly, morning duty na daw ako simula ngayon."
"Sana all, malakas sa manager. Hahaha," inilingan ko sya.
"Sira! Mamaya may makarinig sayo, maniwala pa sila." Sabi ko bago isubo yung kaning kinakain ko.
"Hahaha, bakit ba ayaw mo kay ma'am Carly? Sya na ngang napapacute sayo eh, Lugi ka pa? Sa dami ng nagpapantasya dyan, tapos ikaw lang ang gusto?" Natawa ako.
Sobrang bitter ng pag-kakasabi nya nun.
"Ano magagawa ko? Sa hindi ko sya gusto."
"Sino gusto mo? Yung pokpok dun sa cabaret? Yung pinupuntahan natin?" Tinignan ko sya na masama.
"Alam mo kung wala kang magandang masabi, tumahimik ka nalang." Padabog ko syang iniwan sa lamesa.
After lunch pinuntahan ko ulit yung trainees.
"So, requirments nalang ang kulang. Kung sino ang unang makakapag-bigay nang kumpletong requirments. Mag-start na agad. So, ayan na muna sa ngayon. See you soon, hahaha. Sana makatrabaho ko agad kayo."
Niligpit naman nila ang mga gamit nila at nagpaalam sakin.
"Ahmm Mafe," tawag ko sakanya bago ito makalayo.
"Ano po yun?"
Tila na-urong ang dila ko, may gusto akong sabihin. Pero ayaw lumabas sa bibig ko.
"Eh ano! Kasi ano," syet naman bakit kailangan mautal?
Natawa sya, napakamot naman ako.
"Ahmmm, sige. Ingat?"
Ngumiti sya. "Thank you po, Ma'am." sabi nya at kumaway pa bago tuluyang lumabas ng store namin.
"Yiiiiieeeee," napalingon ako sa mga kumag kong kacrew.
"Iba talaga si Deanna Wong, mabilis!" Sabi ni Joseph.
Nakita ko naman ang matalim na tingin sakin ni Carly.
Nagkibit balikat nalang ako at tumungo nalang sa crew room ng store namin.
BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!