Jema's
"Dito mo isusulat lahat ng mabebenta natin" saad ng Mama ni Deanna habang pinapakita sakin ang isang notebook na puno ng sulat ng paninda ata to
May sari-sari store pala sila Deanna malaki ito kumpara sa sari-sari store na nasa bahay lang
Mas marami kasi silang tinda at nakapwesto sa kanto ng subdivision katabi rin ng marami pang tindahan
"Para alam ko kung ano ang naubos sa paninda at para makapag-padeliver na. Inventory ang tawag dyan" saad nyang muli
Ang sabi sakin ni Deanna kabubukas lang daw nila nito mga ilang buwan lang nakaka-raan nag-loan daw sila sa isang koop na tinatawag
Para sa puhunan sa tindihan nila
Dati din daw talaga silang may tindahan bago makulong ang papa nya kaya lang na-lubog sila sa utang kaya naisara nila ito
Kaya ngayon palang daw ulit sila babawi para pang-dagdag din daw sa tuition ni Josh, gastos sa bahay at pambili ng gamot ni Peter
Atleast ngayon may dagdag na talagang silang income at makakapag-ipon na sya para sa pag-aaral nya kapag nabayaran na nila itong inutang nila pang-puhunan sa tindahan nila
"Nakikinig ka ba Jema?" Napa-tango ako kahit hindi ko naman talaga naiin-tindihan
"Hay naku! Basta mag-ingat ka lang sa mga manlolokong mamimili, baka masalisihan tayo. Naiintindihan mo ba?" Napatango nalang ulit ako
"Saka umuwi ka na nga lang muna, magpalit ka ng damit hindi pupwede iyang suot mo at mababastos ka rito" utos nya sakin
Tinignan ko naman ang sarili ko naka-short short lang pala ako at manipis na sando blouse na lagi ko naman suot
"Ako sana ang uuwi para makapag-luto ng tanghalian natin kaya lang wala naman si Emmy para mag-bantay dito, kaya ikaw nalang muna kung ano nalang kaya mong lutuin yon nalang kainin natin" saad ulit nito
"Nag-luluto naman po si Nanay sa bahay tyak po may nailuto na yon" nahihiyang saad ko
"Naku may sakit ang Nanay mo! Dapat hindi mo na sya pinagagalaw sa bahay. Sabihin mo sakanya magpahinga nalang sya" tumango nalang ulit ako at nagpaalam na uuwi na muna
Hindi ako sanay sa gawaing bahay dahil tulog lang naman mag-hapon
Kaya hindi ko rin alam kung paano magluto o mag-saing manlang
Si Nanay kasi talaga ang gumagawa samin kahit na may sakit pa ito
Gumiginhawa naman kasi sya kapag nakakabili ako ng gamot kaya nakaka-galaw pa sya sa bahay namin noon pero tinutulungan naman sya ni Mafe kapag wala itong pasok
Gumaling lang talaga si Nanay nung nasa puder ako ni Bea
Kasi nabibili at nakakainom sya on time ng gamot at regular pa ang check up
Pero ngayon mukhang mas lumala na ang sakit nya dahil hindi na talaga sya nakaka-inom ng gamot
"Nay? Ano ba yang ginagawa mo? Magpahinga ka na nga lang" nag-aalalang saad ko dito
Nag-lalaba kasi ito at mukhang tapos narin sya magluto at maglinis ng bahay
"Ok na ako anak, binilhan ako ng gamot ni Deanna kanina" tugon nito sakin
"Naku naman Nanay, ang tigas ng ulo! Hindi porket nakainom kana ng gamot ok kana" saad ko at pinatigil na ito sa ginagawa nya
"Ako na bahala dyan pagbalik ko" saad kong muli
"Hindi ka naman marunong mag-laba anak"
"Basta Nay, ako na bahala dyan wag ka ng makulit" sabi ko nalang
BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!