Chapter 10

3.6K 161 117
                                    


Jema's

"Ate, ilalabas ko lang ang mga bata ah?" Sabi ni Mafe paglabas nito ng kwarto. Aba, ang bruha kong kapatid naka pang-diinang pormahan. Nakafloral dress pa ang gaga. Teka, dress ko 'yan ah? Yung binili sakin ni Bea. "Hehehe, pahiram muna nito ah?" Sabi nito ulit nang mapansin nyang nakatitig ako sa suot nya.

"Naku, okay lang! Suotin mo lahat ng damit ko, kung gusto. Pwede naman. Kaso, ang sabi mo. Iilalabas mo ang mga bata. Tapos parang makikipag date ka sa beach ang awrahan mo?"

"Wala akong makitang babagay na outfit na pang theme park, eh." Palusot nito.

"Gaga, pwede namang t-shirt at short lang. Gusto mo lang talaga umawra dyan sa manliligaw mo."

"Sana nga nangliligaw," parang nagpaparinig na sabi nito. Natawa ako.

"Hindi pa ba panliligaw yung ginagawa nya? Sinasamahan kang ipasyal ang mga bata? Nakikipaglapit sa mga pamangkin mo para magood shot sayo."

"Naku, ate. Mahilig lang talaga 'yonsa bata. Sila ang dahilan kung bakit nya ko sinasamahan at hindi ako. Pero sana nga ate no?" Naku, mukhang pinapaasa lang ng babaeng 'yon ang kapatid ko ah? "Teka. Nasaan ba 'yong mga bata? Nakabihis na ba?"

"Nasa labas daw, kalaro yung mam Dina mo."

"Ate, Dean...." hindi natuloy ni Mafe ang sasabihin nito dahil tumunog ang phone nya. Bigla naman kumunot ang noo nya, pagtingin nya dun.

"Bakit?" Takang tanong ko. Hindi na kasi maipinta ang mukha nito.

"May biglaang exam daw kami," maktol na saad ni Mafe. Natawa ako, hahaha. Sobrang excited pa naman nito kanina, hahaha. Inis na inis si Mafe, sa itsura nya ngayon parang gusto na nyang magwala.

"Ako nalang sasama sa mga bata," tinignan nya ko ng nakanguso.

"Ayoko nga."

"At bakit? Matagal narin akong hindi nakakapunta ng carnival kaya gusto ko rin mamasyal no?"

"Nakapunta ka na sa theme park? Kelan? sino kasama mo? Di ba hindi ka pa nakakapunta dun kahit gustong gusto mo? Dahil pangarap mong sumakay ng carousel dahil feeling mo parang kang prinsesa kung sakaling makakasakay ka dun? So paano ka nakapunta?" Ang dami na po nyang sinabi. Kelan nga  ba yung una't huli kong punta dun? 3 months ago ata? Yung dinala ako dun ni Deanna at hindi na ulit pa.

Aaminin ko sobrang saya ko nung gabing 'yun. At sobrang pasasalamat ko kay Deanna dahil nakarating ako sa isa mga pangarap kong puntahan. Oo. Sobrang babaw lang pero masisisi mo ba ako kung simple lang ang pangarap ko? Kasi never pa kaming dinala ng parents namin dun dahil sa hirap ng buhay. Nung lumaki naman ako natuon lahat ng atensyon ko sa pagtatrabaho at sa pag aalaga sa mga anak ko. Kahit sila ang tanging pangarap din ng mga ito ay makapunta sa malaking theme park. Lagi kasing sa mall ko lang sila nadadala. Bukod kasi sa walang akong time, lahat ng kinikita ko nakalaan lang sa gastos sa bahay. Kaya hindi ko talaga sila naipapasyal.

Si Mafe palang ata ang nakakapunta sa theme park sa pamilya namin. Pinapasama ko kasi ito sa field trip, sa field trip na hindi ko naranasan.

"Tita Mafe! Aalis na ba tayo? Kanina pa naghihintay si tita Dina sa labas." Sabi ni Jasper nang pumasok ito sa loob ng bahay. Tinignan namin sya ni Mafe. Mukhang excited ang mga anak ko ah?

Naalala ko nung iniwan ko sila kay Mafe sa mall dahil ipapacheck-up ko si nanay. Sobrang saya nila nung umuwi kinagabihan. Halos ayaw ng matulog dahil kwento ng kwento tungkol sa pag-sakay nila sa carousel. At sobrang bidang bida 'yong Dina na team leader ni Mafe. Yung Dina na crush ng kapatid ko. Mukhang kuhang kuha nito ang loob ng mga bata. Sobrang lapit ng mga anak ko sakanya. Ang bilis nahulog ang loob ng mga anak ko sa babaeng 'yon.

CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon