Deanna's
Pinipigilan ko naman kiligin pero hindi ko magawa hahaha
Ikaw ba naman nakayakap sayo yong babaeng matagal mo ng pangarap?
Makakapag-pigil ka ba?
Nung nakita ko sya palabas ng event nagmadali akong nagpaalam kay Gabo at hiniram itong motor nya
Pinayagan nadin naman nya ko hindi ko na tapusin ang duty ko
Kung ilang oras nalang daw ang tinrabaho ko yon lang daw babayaran sakin
Ok nadin atleast nakasama ko yong babaeng mahal ko tapos bonus pa na naka-yakap sya sakin hehehe
Sabi din sakin ni Gabo, grab ko na din daw yong pagkakataon nato para mas maging close kami
Hintayin ko daw mag-sasawa din daw yong mayaman na jowa ni Miss Carousel sakanya
Tapos dapat daw nasa tabi nya ko parang knight in shining armor nya sa mga madidilim na araw nya
Kaibiganin ko lang daw baka daw sa pag-kakataon na ganto mas mapalapit sya sakin
Kaya nga inasar ko sya kanina eh, para malaman ko kung mag-kiclick kami biglang mag-kaibigan
Kaya ayon inasar ko nga sya, dahil dun naman nag-uumpisa ang pag-kakaibigan sa asaran di ba?
Saka ang cute pala nya mapikon hahaha
Parang gusto ko na sya tuloy asarin araw-araw hehehe
Kaso kapag nalaman to ni Luigi babatukan na naman ako nun
Sasabihin nyang bakit ako matatyaga sa tira-tira ng iba?
Hay ewan, basta ang alam ko mahal ko ang babaeng ito
At wala na ako paki- alam sa sasabihin ng ibang tao
"Nandito na tayo miss carousel" sabi ko pag-hinto ko sa tapat ng bahay nila
Dahan dahan syang bumaba sa motor
"Miss carousel ka dyan" sabi nya at hinampas ako sa braso ko
"Ayaw mo ba nun? Gusto mo ba misis ko? Hahaha" sinamaan naman nya ko ng tingin
"Ewan ko sayo, sige na masyado ng gabi. Ingat ka"
Tinanggal ko ang helmet ko
"Wala ka man lang balak ayain ako sa loob? Pakapehin manlang?" Umiling-iling naman sya
"Grabe naman" sabi ko ulit at ngumuso nalang
Wala manlang syang awa sakin? Inaantok na kaya ako
Susuotin ko na sana ulit yong helmet pero hinawakan nya ang kamay ko para pigilan ang pagsuot ko nun
"Joke lang, ito naman gusto mo dito ka na matulog eh, basta wag lang sa tabi ko ah? Katabi ko kasi yong mga bata" sabi nya at medyo natawa pa
"Hindi na makikikape lang ako para pampa-alis lang ng antok" tumango sya
Pinarada ko ng maayos ang motor sa gilid ng bahay nila
Nauna syang pumasok at nakasunod lang ako hanggang sa kusina nila
"Ano bang klaseng kape ang gusto mo?" Tanong nya habang kumuha ng tasa
"Yong matapang! Para kaya akong ipaglaban" sagot ko
Natawa na naman sya ng mahina
"Ang baduy mo no?"
"Kapag tunay kang nag-mamahal nagiging baduy ka talaga" nailing naman sya
"Lagi ka bang nababasted at ganyan mga hugot mo?"
"Wala pang tumatanggi sakin no? Bukod sayo"
Bigla naman tumahimik ang paligid parang wala ng gusto mag-salita
Pinag-mamasdan ko nalang sya habang hinahalo ang tinitimplang kape nito
"Bakit ba kasi ako?" Basag nya sa katahimikan namin at inabot ang tasa ng kape sakin
"Bakit naman hindi ikaw?" Patanong na sagot ko at kinuha sa kamay nya ang tasa ng kape
Biglang kumabog ang puso ko ng dumampi ang palad ko sa kamay nyang nasa tasa
Nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa tila walang gusto umiwas
Napalunok ako at hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay nya
"Ehem" napitlag kami sa pekeng umubo
Muntik pa mahulog yong tasa ng kape buti nalang nahawakan ko agad
"Ok lang ituloy nyo lang yan, kunwari hindi ko nakita ah? Kukuha lang ako ng tubig tapos babalik din agad ako sa kwarto kaya sige tuloy nyo lang ah?" Sabi ni Mafe habang nagsasalin ng tubig sa baso
Napa-inom agad ako sa kape ko, muntik ko pa maibuga mainit pala
Letse
Kaya natawa agad yong mag-kapatid sa ginawa ko
"Relax kasi hahaha" sabi ulit ni Mafe at umalis na sa harapan namin
Natatawang humarap sakin si Jema
"Silipin ko muna yong mga bata" tumango nalang ako
Tangina nakakahiya, labas pa ata dila ko sobrang init ng kape napaso talaga to
Yan katangahan Wong
Naglakad ako papunta sa sala at umupo sa sofa doon
Binaba ko ang tasa ng kape sa lamesita at tinaas ang mga kamay ko
Para magunat-unat
Napahikab naman ako bigla
"Dito ka na kaya matulog?" Sabi ni Jema na kalalabas lang ng kwarto nito
Naka-white loose shirt nalang ito
Agad ko binaba ang ang kamay ko at sinara ang bibig ko
Mabilis ko rin iniwas ang tingin ko sakanya
Bagat kasi yong dapat bumakat
"Hi..hindi na u..uwi na di...din ako" syet bakit kailangan mautal?
"Anong arte yan? Kinakabahan at hindi makatingin?" Mataray nyang saad sakin
"Bakit kasi wala kang bra?" Hindi parin ako makatingin sakanya
"Eh ano naman? Ang arte mo parehas naman tayong babae"
"Babae nga ako Jema, pero iba yong pakiramdam at nararamdaman ko sa kapwa ko babae. Dapat isipin mo rin yon" tumingin ako saglit sakanya at binalik din ang tingin ko sa tasa ng kape
"Sus nakita mo na nga to ng walang takip nung sumasayaw ako sa club" napatingin na ako sakanya
"Jema, babae ka dapat nirerespeto mo parin ang sarili mo"
"Ang arte mo! Ang dami na nga naka-kita nito eh! Mahihiya pa ba ako? Libre tingin na nga ayaw mo pa" napabuntong hininga nalang ako
"Sige na, uuwi na ako" hindi ko na sya kinakaya
Tumayo ako at naglakad patungo sa pinto palabas ng bahay nila
Agad naman nya ko pinigil sa palapulsuan ko
"Ok, sorry na po manang" tinignan ko sya ng nakakunot ang noo ko
"Sobrang conservative mo kasi, kaya bagay sayo ang tawag na manang hahaha" lalo ko syang tinignan ng masama
"Sorry na, dito ka na matulog mag-uumaga narin baka mahilo ka pa sa daan, wag ka ng tumanggi" binitawan nya na ako
"Kukuha lang ako ng unan at kumot, saka mag-babra na din po ako manang hehehe" sabi nya sabay peace sign sakin
Napa-iling nalang ako habang pinag-mamasdan syang pumasok sa kwarto nila
BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!
