Chapter 22

3.5K 166 116
                                    

Jema's

Hindi maalis ang ngiti sa aking labi habang pinag-mamasdan masayang nakasakay sa carousel ang mga anak ko

Gusto ko rin sanang sumakay pero parang may pumipigil sakin

Tila may gusto akong kasama sumakay dyan kasama ang mga anak ko

Yong taong nag-paramdam sakin ng totoong saya at respeto

Yong mga matang nyang puno ng kinang habang pinag-mamasdan akong nakasakay sa bagay na yan

Wala na atang ibang titingin sakin ng kung paano nya ko tignan

Tingin na puno ng pagmamahal at kahit hindi pa nya ako lubos na kilala

Sana sya nalang ang pinili ko at sinunod nalang ang dinidikta nito

Hinawakan ko ang kaliwang dibdib ko kung saan nakatapat ang puso ko

Alam ko nagustuhan ko na si Deanna pagkatapos ng gabi na iyon

Dahil sya lang ang nagparamdam sakin ng sobrang sayang hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko

Oo sobrang simple lang yong paraan nito kung paano magpasaya

Pero yong pakiramdam na sobrang sincere sya sa ginawa nyang pagpapasaya sakin

Yun yong sobrang nakaka-kilig na pagkatao ni Deanna

Sobrang bait at marespeto nyang tao na nakilala ko sa buong buhay ko

Pero hindi ko kayang ibalik sakanya yong pagmamahal na binibigay nya sakin

Hindi dahil hindi ko sya gusto, kundi, hindi ako nararapat sa isang katulad nya

Agad kong pinunasan ang luhang umaagos sa pisngi ko

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako

"Ayaw mo ba talagang sumakay?" Napitlag ako sa pagdikit nya sa balat ko

Pakiramdam ko nangingilabot ako sa tuwing lalapit sya sakin

Umiling lang ako sakanya na hindi ko manlang tinatapunan ng kahit konting paningin

"Galit ka pa ba?" Hindi ba halata?

Kahit bumawi sya ngayon at nirentahan itong carnival para maging masaya ang mga anak ko

Hindi ko parin makalimutan ang pagtapak nya sa pagakatao ko

Simula ng gabing iyon tinanggap ko nalang sa sarili ko na bayarang babae nya lang ako

Lahat nalang ng mamamagitan samin ay parti nalang ng trabaho ko

Ginagamit nya ako at kumikita ako sakanya

Yun nalang ang pader na nilagay ko sa pagitan namin upang hindi na ako masaktan sa oras na ibalik nya ako sa putik na pinanggalingan ko

"Babe, sorry na" nangatog ang mga tuhod ko nang yakapin nya ako mula sa likuran ko

"Wala na yon, kalimutan mo na yon" nanginginig ang boses ko

"Jema, alam ko sobrang laki ng nagawa kong kasalanan sayo. Please patawarin mo naman na ako"

"Tapos na yon, nakalimutan ko na, napatawad na kita" pinilit kong pasiglahin ang boses ko

Huminga sya ng malalim bago nagsalita

"Sorry na talaga babe, promise hindi ko na yon uulitin" tumango nalang ako

Wala na talaga akong amor sa sinasabi nya kaya sang-ayunan ko nalang kahit labag sa loob ko

CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon