Chapter 29

3.4K 151 30
                                    

Deanna's

"Sir Gio?" Gulat kong saad pagkakita sakanya

Kalalabas ko lang din ng crew room namin at pauwi na sana

Pero heto nga nakita ko si sir Gio bago pa ako makalabas ng store

"Deans, nakita ko na sila" nakangiti nyang bungad sakin

Napakunot ang noo ko, hindi ko magets kung ano ang ibig nyang sabihin

Tila nagets naman nya ang pagkakunot ng noo ko

"Yong mag-inang ko, nahanap ko na sila" napangiti naman ako

"Talaga sir? Mabuti naman po at makakabawi ka na sakanila"

"Salamat! Pero ikaw talaga ang sadya ko ngayon"

"Po? Bakit naman po? Anong kinalaman ko dun?" Naguguluhang tanong ko sakanya

"Malaki Deanna" napakunot muli ang noo ko

"Kilala mo si Jessica at ang kambal ko, kilalang kilala mo sila" natulala ako

Si Jema at ang kambal? Sila ang pamilya ni sir Gio, na hinahanap nya?

Tama ba ang pagkaka-intindi ko?

"Deans, kailangan ko ng tulong mo, kailangan ko sila maka-usap lalo na si Jessica" saad ulit ni sir

Napakurap pa ako ng ilang beses bago nagsalita

"Sir? Sure ba kayo? I mean isang beses nyo lang naman nakita yong kambal? Paano kayo nakasigurado na sila ang hinahanap nyo?"

"Nakita ko kayong nakasakay sa mini carousel" napatango ako

Yon din yong araw na nakita nya kami sa arcade

"Kahit matagal na ang panahon hindi ako pwede magkamali na si Jessica ang kasama mong babae. Hindi ako pwede magkamali na sya ang Ina ng mga anak ko" ngumiti sya ng malawak

"Kahit malaki na ang pinag-bago nya dahil pumuti na sya at lalo syang gumanda. Hindi ko parin ipagkakaila na sya parin ang unang babaeng minahal ko"

Pumuti? Ibig bang sabihin nun morena si Jema noon?

Tila yon lang ata ang naintindihan ko sa lahat ng sinabi ni sir

"Matutulungan mo ba ako Deanna? Kahit sabihin mo lang kung saan ko sila makikita"

"Ano kasi sir" napakamot ako sa kilay ko

"Sa bagay na yan kailangan ko munang tanungin si Jema" agad naman kumunot ang noo nya

"Jema?" Naguguluhang tanong nya sakin

"Si Jessica po, Jema kasi ang gamit nyang pangalan sa pinag-tatrabahuan nyang....." napahinto ako dapat ko bang sabihin?

"Ah ganun ba? Jema na pala ang nickname nya ngayon" sabi ni sir Gio nang hindi ko na talaga nasundan ang sasabihin ko dapat

Tumango nalang ako bilang tugon sakanya

Bigla naman syang napatingin sa relo nito

"Kailangan ko na pala mauna, may client pa pala akong imemeet" paalam nya sakin

Ahente nga pala ng condo si sir Gio at sure akong prospective buyer ang imemeet nya

"Pero Deans, sabihan mo ako agad kapag nakausap mo na si Jessica ah? Bigyan mo pala ako ng number mo" tumango ako at binigay ang phone ko sakanya

Nagpalitan kami ng number ng isa't isa

Napahikab naman ako agad 24 hrs na palang akong gising dahil dumaretso ako ng duty

CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon