Deanna's
Isang linggo na akong lutang mula ng gabing nakita ko ulit si Jessica
Nakabalik narin ako sa work pero mukhang hindi pa ata handa ang utak ko magtrabaho
Sobra akong ginugulo ng mga tanong sa utak ko na hindi naman dapat
"Babe!!!!!" Napakurap ako sa pagsigaw nito sa harapan ko
"Kumain ka na, ang lalim na naman ng iniisip mo dyan" saad nitong muli habang inaayos ang lunch ko sa harapan namin
Napaangat ang tingin ko sakanya nang tumayo ito at niligpit ang pinag-kainan nya
Syet tapos na syang kumain?
"Mauna na ako sayo, marami pa akong ichecheck sa ofiice. Kumain ka na dyan!" Saad nito bago umalis sa harapan ko
Napahawak ako sa noo ko "anong ginagawa mo Deanna?"
Isang linggo na akong ganito na biglang nawawala sa sarili ko
Isang linggo narin akong iniintindi ni Carly, alam ko alam nito ang dahilan kung ano ang gumugulo sa utak ko
Pero wala syang sinasabi o tinatanong manlang sakin
Napaka-understanding ng girlfriend ko tapos ako naguguluhan ngayon?
Ano naman kung totoong wala na si Jessica at sir Gio?
Wala naman magbabago sa katotohanang wala na kami
Nakaraan ko nalang sya na dapat ng hindi balikan dahil meron na akong kasalukuyan
"Hoyyyyy" napitlag ako sa paggulat sakin ni Edward
"Ano tititigan mo lang yang pagkain mo? Sakin nalang sayang naman" saad nito ulit
Agad ko naman itong binigay sakanya wala talaga akong ganang kumain
"Yon ang bait talaga ni mam Deanna hahaha" sabi nito sabay lantak ng friend chicken
Sayang naman talaga yong pagkain lalo na kung hindi mo kakainin tapos inutang mo lang sa store hahaha
"Hindi ka ba gutom? Saka bakit tulala ka dyan?" Tanong ni Edward
"Naiinis ako sa sarili ko bro" napatigil ito sa pagsubo at hinarap ako
"Ginugulo ako ng utak ko" sabi ko ulit
Tinanguan nya ko na parang sinasabing ituloy ko lang
"Last time kasi nung pumunta kami ni Carly sa kasal ng kaibigan nya" lumapit ako dito
"Nakita namin si Jessica" bulong ko sa tenga nya
Agad itong napalayo sakin "anong sabi ni mam Carly?"
Nagkibit balikat ako "parang walang nangyari, yong tipong parang hindi naman nakita yong ex ko! Hindi rin naman sya nagbago sakin, ganun parin sya"
"Baka iniipon nya lang tapos kapag sumabog yari ka hahaha" sinamaan ko ito ng tingin
"Hahaha pero utak mo lang ba talaga gumugulo sayo? Hindi ka pa ba nakaka-move on? 2 months nalang anniversary nyo na ni Carly, Deans. Ayusin mo yang buhay mo"
"Marami lang akong tanong na gusto ko lang masagot" kumunot agad ang noo nito
"Para saan pa? May magbabago ba na wala na kayo at may Carly ka na?" Diin nitong saad sakin
Napahinga ako ng malalim at napayuko nalang
"Pero madalas sila ditong kumakain tapos lagi kang hinahanap ng mga bata" napaangat muli ang ulo ko
BINABASA MO ANG
Carousel
Fiksi Penggemar"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!