Jema's
Hanggang makauwi kami ni Deanna hindi ako nito pinapansin
Ano bang problema ng babaeng ito?
Agad syang dumapa sa kama pagkapasok namin ng kwarto
"Matutulog ka talagang hindi manlang ako kinakausap kung ano ba yang minamaktol mo?" Asik ko dito
Hindi parin ito kumibo kaya lalo lang akong nainis
Kinuha ko ang unan at hinampas ito sakanya
"Ano ba?" Pabalikwas nya akong hinarap
"Maaga pa duty ko mamaya!!!" Inis na saad nito sakin
"Kasalanan ko? Bakit kasi sinundo mo pa ako tapos aarte-arte ka lang naman ng ganyan" inis na tugon ko rin dito
Bumuntong hininga ito bago nagsalita " matulog nalang muna tayo" mahinahon na nitong saad
Umupo ako sa tabi nya " matutulog na lang ba talaga tayo ng hindi mo sinasabi kung ano bang problema?"
"Wala naman problema"
"Wala? Eh bat ganyan ka? Galit ka sakin? May nagawa ba ako?" Kunot noo kong tanong
"Hindi ako galit! Walang problema sayo" yumuko ito
"Ako yong may problema"
Hinawakan ko ang mga pisngi nito at hinarap sakin
Sobrang lungkot ng mga mata ni Deanna para bang ang daming nitong dinadala
"Pwede mo naman sabihin sakin diba? Kung ano yang problema mo? Partner tayo, kung may gumugulo sa utak mo at nahihirapan ka ng dalhin. Nandito ako Deanna, handa kitang tulungan, handa akong makinig, please wag mo naman sarilihin yan. Kasama mo ko baby, mag-kasama natin dapat pagdaanan yan"
Hindi ito sumagot nakatingin lang ito sakin
"Dea...-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang sakupin na ng labi nito ang labi ko
Agad kong nilayo ang sarili ko dito, hindi na naman kami makakapag-usap
Tatakasan na naman nya ang problema imbis na pag-usapan
Kaya lang nasakop na naman nito ang labi ko at hinalikan ako ng mapusok
Wala na akong nagawa kundi tugunin ang bawat pag-galaw ng labi nya sakin
"Ohhhh shiiit" napitlag ako sa pagdampi ng palad nito sa kaliwang dibdib ko
Ano nga ulit pinag-uusapan namin kanina? Letse hindi ko na ma-alala
---
Nagising akong wala na sa tabi ko si Deanna baka pumasok na
Dahan dahan akong umupo sa kama at pinalibot sa hubad kong katawan ang kumot namin
Pumunta ako sa tukador at kumuha ng damit at towel at yon ang pinalit kong pangbalot sa katawan ko
"Go.good morning Je.Jess.sica" napakunot ang noo ko nang si Gio ang nabungaran kong nakaupo sa sofa bed sa sala
"Anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong ko sakanya
"Ano kasi.... ah eh" anong problema nito at hindi makapagsalita?
Tina-asan ko sya mg kilay " ano?" Mataray ko ulit na tanong
Napakamot naman sya sa ulo nya at ilang beses pang lumunok
"Jessica, magbihis ka nga muna, bago mo kausapin yang bisita mo!" Napatingin ako sa nanay kong kalalabas lang ng kusina at may dalang tasa ng kape
"Maliligo na ako Nay" baliwala kong saad dito
"Naliligo pa ang mga bata, dahil ipapasyal daw nitong Papa nila" saad nya at nilapag ang kape sa harap ni Gio
"Bakit hindi ka manlang tumawag? Para napag-usapan muna namin ni Deanna?" Inis na tanong ko dito
"Nag-pa.paalam na ako sakanya at sabi nya ikaw daw a.ang ma.mag-dedesisyon" napairap ako dito at bumalik sa kwarto
Nagbihis nalang ako ng t-shirt na maluwag at cycling ni Deanna bago bumalik sa sala
Saktong paglabas ko nakalabas narin ang mga bata sa banyo at pinupunasan na sila ni Nanay
"Mama, pupunta daw po tayo ng Theme park" saad ni Jasper
"Kayo lang, hindi ako sasama" malumanay kong sagot
"Hala Jessica, isa lang ako dalawa sila?" Tinignan ko sya ng masama
Ngayon tuwid ka ng magsalita?
"Ako nga mula nung baby sila mag-isa ko lang silang inalagaan hindi naman ako nag-reklamo" bara ko dito
Napayuko nalang ito, napahiya siguro ano? Tsk
"Sige na Mama, sumama ka na po, hindi naman kami sasama kay Papa kung hindi ka po sasama eh" saad ni Marcus na sinang-ayunan lang naman ni Jasper
"Tatawagan ko muna si Dada nyo, kapag hindi sya pumayag sa susunod nalang ah?" Lumungkot naman ang mga mukha nila
Napahinga nalang ako ng malalim at kinuha ang phone sa kwarto
Padala to ni Gio sa mga bata kaya lang ako muna gumagamit kasi bawal pa mag-cp ang mga bata at pinag-aawayan lang nila to
Ilang beses kong tinawagan si Deanna pero ring lang ng ring ang phone nito
Baka naka-duty pa at hindi pa nag-bebreak
"Hayaan mo na anak, samahan muna ang mga bata, ako na mag-sasabi kay Deanna" saad ni Nanay
Wala na akong nagawa kundi maligo at magbihis nalang
Ayoko naman magtampo ang mga bata sakin
Minsan lang naman ito, saka next week pasukan na naman nila tapos na kasi ang summer
Ako naman 2 months ng nag-aaral sa ALS hindi narin ako nakapag-cater kasi nga nag-aaral na ako
Kaya naman todo kayod si Deanna halos nag-oovertime na naman ito
Sobra na akong na-aawa sakanya kasi parang ang dami nyang bigat na dala-dala?
Kapag tinatanong ko naman hindi nag-sasalita kapag pinilit ko naman na-uuwi lang kami sa mainit na tagpo
Hanggang hindi na namin ulit napag-uusapan
"Mama, Papa carousel una nating sakyan" saad ni Marcus pagkababa namin ng kotse ni Gio
"Tamang tama, kakilala ko yong operator nun, makakasingit agad tayo" sagot naman nito
"Yehey!!!!" Sabay talon ng kambal
Hinawakan ko ang kamay ni Marcus kay Gio naman si Jasper
At sya din ang kasama nito sa isang kabayo ng carousel at sakin parin si Marcus
Tawa sila ng tawa kaya natatawa rin ako, nakakahawa kasi ang pagka-bungisngis ng mga ito
Dati lang pangarap namin makasakay dito na magkakasama na parang isang pamilya
At ngayon nga natupad na yon kaibahan lang hindi si Deanna ang kasama namin kundi ang totoo nilang Papa
"Yehey!!!!!!!!!!" Sabay-sabay na sigaw namin
Sobrang saya ko ngayon kasi nakikita ko kung gaano kasaya ang mga bata
"Papa ako naman po tabi mo!!!" Sigaw ni Marcus at pilit na kumakawala sakin
"Mahulog ka" saway ko rito
Mabagal na tumayo si Gio at maingat na kinarga si Marcus
Nilipat nya ito sa kabayo kung nasaan si Jasper
"Pwede naman kayong dalawa dyan hahaha, tayo nalang si Papa tapos yakap ko nalang kayo" saad nya at niyakap ang mga ito
Mga hagikgik nalang ang maririnig mo sa kambal
Napangiti nalang ako sa kasayahang natatamo ng mga anak ko ngayon
Tinignan ako ni Gio habang naka-akap parin sa mga anak nya sabay kindat sakin
Inilingan ko nalang ito ng nakangiti
BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!