Jema's
"Mama, tawagan natin ulit si Papa" saad ni Jasper
"Kaso wala pa si Dada, kaya hindi pa natin sya matatawagan" saad naman ni Marcus
"Pauwi narin yon, kaya gawin nyo na ang mga home work nyo para makausap nyo agad papa nyo" saad ko sakanila
Agad naman silang dumapa sa kama namin ni Deanna
At binuklat ang mga notebook nila
Halos buwan narin nung pumayag kami ng Dada nila na bigyan sila ng chance makilala ang Papa nila
Pero sa cellphone lang muna sila nagkikita at nag-uusap dahil nasa ibang lugar si Gio
At pinangakuan ang mga anak nito na dadalawin agad pagka-uwi nya at ipapasyal ang mga ito
Nung una ayoko pero pina-intindi sakin ni Deanna na may karapatan ang mga bata na makilala ang tunay nilang Ama
Kahit na hindi na daw para kay Gio kundi para talaga sa mga bata
Tama naman sya eh, kitang kita ko ang pananabik ng mga anak ko sa isang Ama at yong saya na naidulot nun sakanila nung makilala nila ito
Sino ba naman kasing anak ang hindi sabik sa Ama o Ina diba? Lalo pa kung hindi mo ito kinagisnan
Tulad namin ni Deanna, sabik kami sa aruga at pagmamahal ng Ama
Ako dahil nawala na ito, nung mga panahon kailangan ko ng masasandalan nung nahihirapan ako palakihin ang mga bata
Pero ako din naman ang dahilan bakit tuluyan itong nawala
Si Deanna naman sabik sya sa Papa nya dahil nakakulong nga ito
Minsan naisama narin nya ako sa pagdalaw dito at tulad ni Mama sobrang supportive lang din nito kay Deanna
At ganun lang din ako nito kadali natanggap
"Ang tagal naman ni Dada" reklamo ni Jasper
Napatingin ako sakanila ni Marcus nag-susulat parin naman sila
"Tapusin nyo na yan, padating narin yon" eksaktong pagkasabi ko nun bumakas ang pinto ng kwarto at niluwa ang Dada nila
"Dada!!!!" Sabay na sigaw ng kambal at patakbong sinalubong si Deanna
"Da, pahiram kami ng phone mo, tatawagan namin si Papa" bungad sakanya ni Marcus
Matamlay naman ngumiti si Deanna at inabot ang phone nya sa kambal
"Thank you Dada" sabay akap nila sa bewang nito
Tumango lang si Deanna at naglakad papunta sa kama sabay upo roon para tagalin ang sapatos nito
"Mama tara na tawagan na natin si Papa" excited na aya sakin ni Jasper
"Wait lang limpitin nyo muna mga kalat nyo sa kama" utos ko sakanila
"Ako na dito, pagbigyan mo na mga anak mo" seryosong saad ni Deanna
"Thank you Dada" sabay na saad ng kambal
Napahinga nalang ako ng malalim
"Saglit lang ako, babalik din agad ako" paalam ko sakanya
"Ok lang kahit matagal" kinunotan ko naman sya ng noo
Ngumiti lang ito ng bahagya sakin kaya napa-iling nalang ako
Lumabas kami ng mga bata sa kwarto at dinial ko ang number ni Gio
Nung nag-ring iyon binigay ko agad kay Marcus
Pinag-masdan ko sila habang masayang nakikipag-usap sa Ama nila
BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!