Chapter 9

3.1K 143 73
                                    



Deanna's


"Hoy, ikaw!!" Napalingon at napatayo ako sa kina-uupuan ko sa pagtawag sakin ng isang babae.

"Si Jema?" Tanong ko dito. Halos nakalabas na kasi lahat ng callgirl sa club pero hindi ko sya nakitang lumabas.

"Hindi na dito nagtatrabaho 'yon," sagot nung manager nila.

"Talaga? Saan po lumipat?" Gulat na tanong ko. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa.

"Hindi ko alam. At kung alam ko man, hindi ko rin sasabihin sayo. Kaya umalis kana," sabi nito at tinalikuran ako. Wala na si Jema dito? Hindi na dito nagtatrabaho? Nasaan sya Kailangan ko bang suyurin ang lahat ng club, bar at beer house sa buong pilipinas para lang makita si Jema?

Arrrrrrrgggghhh, ang daya naman. Silip na nga lang ang ginagawa ko para makita sya, tapos ngayon wala na? Paano ko pa sya makikita?

Napabuntong hininga ako.

Mukhang tadhana na ang gumagawa ng paraan para hindi na kami magkita. Baka ito na yung sign na hindi talaga kami para sa isa't isa.

Laglag balikat akong lumayo sa lugar na 'yun, sa lugar kung saan una't huli kong nakita si Jema. Sa lugar kung saan pinangarap kong makita ang babaeng gusto kong maging masaya.

Siguro, kailangan ko na talagang tanggapin na hindi talaga kami para sa isa't isa ni Jema. Pinagtagpo pero hindi tinadhana. Bullshit!

Tama. Sumuko kana Deanna, wala karin naman laban, eh. Hindi ka naman nya gusto. Hinding hindi ka nya magugustuhan.

It's time to move on.

Kung ayaw nya sayo! Marami namang babae dyan nagkakadarapa mapansin mo lang!!!!

Pero, sya lang 'yong gusto ko! Si Jema lang ang gusto ko. Nakakainis!!!!

Biglang tumunog at nagvibrate ang cellphone ko dahilan para mapapitlag ako. Tinignan ko 'yun. Si Mafe tumatawag. Luh? 2 am palang ng madaling araw, gising na sya?

"Hello Mafe?"

"Ahm, Deans. Sorry, na istorbo ko ba ang pagtulog mo?"

"Hindi naman. Hindi parin naman ako natutulog, eh. Hehehe."

"Luh? Bakit naman?"

"Nasa labas pa kasi ako, pero pauwi narin. Ahm, ano pala satin? I mean bakit ka napatawag?"

"Ano, kasi, off mo mamaya diba?" Oo. Kaya nga sinilip ko si Jema, eh. Kasi one week na pala simula nung huli ko syang makita, one week na simula nung sumama sya sa babaeng 'yon.

Gusto ko sanang masilayan si Jema, kahit saglit lang, kahit sa malayo lang. Kaso wala na pala sya at wala ng chance na makita ko ulit sya. Sabi ko na, eh! Tama yung kutob ko na tuluyan na syang mawawala kapag sumama sa babaeng 'yon. Sabi ko na, mawawala na talaga sya sakin ng tuluyan. Napangiti ako nang mapait. Hindi naman pala sya sakin.

Teka. Baka naman dun na sya nagtatrabaho sa babaeng 'yon? Saan kayang club? Mukhang sosyal din yung babae kaya malamang sa mamahaling club nito dinala si Jema. Saan lupalop ko kayang beer house hahanapin si Jema?

"Hello, Deans? Nandyan ka pa ba?" Ay may kausap pala ako sa kabilang linya, hahaha.

"Yes. Nandito pa ako, hindi pa ako makasakay, eh. Hahaha, joke lang. And yes, off ko ngayon. Bakit?"

"Ano, kasi. Off ko rin at wala akong klase. Gusto ko rin sanang ipasyal 'yong mga bata kaso, isa lang ako, dalawa sila? Diba? Alam mo na?" Natawa ako, palusot.com, hahaha.

CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon