Jema's
Ang sakit na ng paa ko, kakainis, nilalakad ko ba naman tong kahabaan ng subdivision na hindi ko alam saan ang palabas
Tinanggal ko din yong high heels na sapatos ko
Kaya nakapaa lang ako habang naglalakad
Masakit na din kasi sakong ko kaya inalis ko na yong bwisit na heels na to
Badtrip talaga na gabi na to, dapat hindi nalang ako sumama eh
Naiinis lang ako sa pag-lalandian ni Bea at nung Jho na yon
Sinama lang ba nya ko para pagselosin ang bwisit na babae na yon?
So nagwagi sya dahil nakuha na nya ang atensyon ng bestfriend nya sa boyfriend nun at kinalimutan ako
Bahala sya mag-hanap sakin, kung hahanapin nga nya ko bwisit talaga sya
Napahinto ako medyo sumakit nadin ang binti ko
Sobrang layo ko na pala sa pinang-dadausan ng party
Madalim narin sa parti ng subdivision na ito
Bigla naman akong kinabahan, nakakakilabot ang katahimikan
Tanging lagusgos lang ng hangin ang maririnig mo
Napayakap ako sa sarili ko ng lumakas ang hangin
Lalo akong kinabahan sa lamig nito na dumadampi sa balat ko
Bwisit ka Bea!!!!!
Kasalanan mo to bakit nandito ako!!!
Nangangatog akong humakbang at binaybay ang malawak na kalsada ng pabahay na ito
Napahinto muli ako ng umugoy ang malaking punong dinaanan ko dahil sa paghampas ng malakas ng hangin dito
"Ahhhhhh Nanay ko!!!!" Napahiyaw ako sa takot ko
Nakakainis!!!! Ano bang ginagawa ko dito?
Agad akong napitlag ng may busina sa likuran ko
Mabagal akong limingon sakanya
"Anong ginagawa mo dito?" Hindi ba obvious na naglalakad?
"Pauwi na" nanginginig na ang boses kong sagot sakanya
"Ah ganun ba? Sige ingat ka ah?" Letse to hindi ba nya ko aayain sumabay sakanya
Pinihit nya ang silinyador ng motor nya at mukha aalis na talaga
"Teka naman Deanna" pigil ko sakanya nung aalis na talaga sya
"Bakit?" Letse nag-tanong pa talaga hindi ba halatang makiki-sabay ako?
"Wala!!!" Inis na sagot ko
"Ah ganun ba? Sige una na ako ah? Ingat ka masyado ng madilim baka may masalubong kang alam mo na?" Madilim yong lugar pero kitang kita ko ang naka-ngisi nyang mukha
Buset to, natatakot na nga ako nanakot pa
"Leste!!!" Sagot ko sakanya pero ang gaga tumawa pa
"Sabihin mo lang kung gusto mo sumabay, isasabay naman kita eh" halata naman gusto ko sumabay di ba? Bruha to
"Sino naman nag-sabi gusto ko sumabay sayo?" Naiinis na ako eh
Kung kanina gusto ko sumabay sakanya ngayon hindi na
"Ok, sabi mo eh" sabi nya at sinuot na ang helmet nito
"Ingat Jema" at pinaharurot na ang motor nya
BINABASA MO ANG
Carousel
Fiksi Penggemar"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!