Deanna's
"Hoy Deans???" Napakurap ako sa paglakas ng boses ni Mafe
"Huh? May sinasabi ka?" Kinunatan nya ako ng noo
"Ang sabi ko pinapabalik ka sa store, lutang ka na naman dyan, sino bang naiisip mo kanina?" Napabuntong hininga ako
Masyado nga akong lutang dahil sa naiisip ko kanina, naimagine kong tinawag ako ng mga bata pero sa Mafe lang pala
"Wala Mafs, ano daw ang dahilan bakit kailangan kong bumalik?" Tanong ko dito
Nagkibit balikat sya "hindi ko din alam eh, basta ang sabi sakin kanina habulin daw kita at pabalikin sa store dahil pauwi narin naman ako" tugon nito
"Ah ganun ba? Sige ingat ka ah?" At tinapik ko ang balikat nya
"Deans, wag mong masyadong isipin sila ate, alam ko namimiss ka rin nila, pero sa ngayon wala kasing ibang choice eh. Basta tandaan mo 100% parin ang boto ko sayo, malay mo balang araw kayo parin talaga diba? Malalagpasan nyo rin to" saad nito
Ngumiti ako at niyakap ito bago muling bumalik sa store
Ano kayang dahilan at pinapabalik ako?
Baka wala na naman pumasok at pag-oovetime'min na naman ako
Pabor naman sakin dahil malulungkot lang naman ako sa bahay kung sakali
Dumeretso ako sa office kung nasaan ang bagong RM namin wala nadin kasi si Ate Jia
Nalipat din dun kung saan malilipat si Carly, sa pangasinan branch
Kumatok muna ako "ma'am may kailangan daw po kayo sakin"
Tumingin ito sakin "yes ma'am Deanna upo ka muna" sabay turo sa upuan katabi ng kina-uupuan nya
"Need kasi ng extra crew ni ma'am Jia, medjo kulang sila dun lalo na ng Leader" panimula nito
Mukhang kinakabahan ako ah?
"At gusto nya hiramin ka muna ng ilang buwan lang naman" sabi ko na nga ba eh!
Napakamot tuloy ako sa ulo
"Eh ma'am sino po mag-lilead ng Cashier dito?" Tanong ko
"Si Christine muna, ang papalit sayo habang nandun ka pa sa pangasinan" tugon nito
"Ah eh ma'am may choice po ba ako?" Alanganin tanong ko
Ngumiti si ma'am sabay iling sakin
Nakakainis naman, sinadya kaya to ni ate Jia?
Parehas nya kaming kinuha ni Carly para makasama nya dun
Agad ko syang tinawagan pagkalabas ko ulit ng store
"Ate Ji? Bakit pati ako dinamay mo? Walang kasama sila Mama dito" bungad ko sakanya pag-sagot palang nito ng tawag ko
"Sorry na Deans, ilang buwan lang naman eh. Wala lang talaga ako mapag-katiwalaan kundi ikaw" tugon nya
"Saka tingin ko kailangan mo rin ng break ngayon sa nararamdaman mo. Tingin ko kailangan mo munang maka-alis sainyo para mabilis kang maka-move on" sabi nito ulit
Sabagay tama naman sya, hindi ako makakawala sa alaala ni Jessica lalo pa't nandun lahat yon sa bahay namin
Pero ang hindi ko lang gusto ay yong idea na magkakasama na naman kami ni Carly
Kailangan nya din maka-move sakin, paano nya yon magagawa kung kasama parin ako nito?
"Hay naku ate Ji, sabi nga ni ma'am Lea wala akong choice" matamlay na saad ko
BINABASA MO ANG
Carousel
أدب الهواة"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!