Chapter 13

3.2K 153 124
                                        

Deanna's

Nakatungo lang ako dito sa harap ng hapag kainan

Halos hindi ko magalaw yong kinakain ko

Tinignan ko yong babaeng katapat ko napatiim bagang ako ng ma-alala na ito yong babaeng sinamahan ni Jema

Lahat ng takot ko ng gabi na yon bumabalik ngayon

At nadagdagan pa ng sakit

Yumuko ako kinuyom ko ang mga palad kong nasa hita ko

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang luhang nais kumawala sa mga mata ko

Ano nga bang laban ko sa babaeng ito?

Maganda sya mas matangkad sakin higit sa lahat mayaman sya

Kaya nyang ibigay ang lahat ng kailangan ni Jema at ng pamilyang nito

Baka ibili pa nya ng isang buong carnival ang kambal

Napangiti ako, di ba dapat masaya ako? Dahil na-alis na sa putik si Jema?

Hindi na nya kailangan ibenta ang katawan nito kung kani-kaninong lalaki para lang mabuhay ang pamilya nya

Kasi mabibigay na lahat yon ng babaeng nasa harapan ko

Ang Girlfriend nya!

Halos mabingi ako at hindi nakapag-salita nung sinabi nya ito sa harapan namin

Kung paano nya sinabing Girlfriend nya si Jema

Sa harap nila nanay at Mafe lalo na sa harap ng mga bata

Gaya ng ini-asahan ng lahat ay nagtanong ang mga ito

Pero pinigilan ni Jema at inaya kaming lahat na kumain

At heto nga magkakaharap na kaming lahat sa hapag-kainan

Katabi ko si Mafe, katabi naman nya si Jasper tapos nasa gitna si Nanay

Sumunod si Marcus na katabi ni Jema at katabi nya itong katapat kong babae

Ano ba ulit pangalan nito? Bea!

Ang babaeng may ari na ng babaeng minamahal ko

Wala na talagang pag-asa Deanna

Bitaw na!

"Ok ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Mafe

"Dina, anak kain na, akala ba'y masarap itong niluto ko? Pero parang hindi mo naman ata nagustuhan" napa-tingila ako at hinarap si nanay

Agad din bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan

Kitang kita ko ang pag-aalala nilang lahat sakin

"Kailangan ko na po umuwi, nag text po si mama eh, si Peter daw po...... si Peter daw po" hindi ko maituloy ang sasabihin ko

Hindi ko kayang mag-sinungaling pero kailangan kong gawin

"Sige na iha, baka emergency yan" tumango ako at tumayo sa kina-uupuan ko

"Aalis na po ako" paalam ko sabay talikod sakanila

"Tita Dina" napahinto ako at nilingon sila

Patakbo silang lumapit sakin

"Babalik ka ah?" Lalo akong na-iyak sa sinabi ni Marcus

"Mamasyal pa tayo, nangako ka di ba" sabi naman ni Jasper

Lumuhod ako at niyakap sila

Hindi ko na alam kung makakabalik pa ba ako

CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon