Jema's
"Mama! Mama! Mama!" Nagising ako sa kalampag at pagsigaw nang kung sino sa labas ng kwarto ko
"Ano ba yon?" Umiiyak na si Jasper ang tumabad sakin pagbukas ko ng pinto
"Kinukuha na nila ang mga gamit natin mama!" Sumbong nya habang tinuturo ang paglalabas ng gamit namin ng tatlong lalaki
"Teka lang mga kuya anong ginagawa nyo? Bakit nyo nilalabas ang mga gamit namin?"takang tanong ko sakanila
Napatingin naman sila sakin I mean sa dibdib ko ata? Napalunok pa nga ang mga ito
Pinag-ekis ko naman agad ang mga kamay ko para itago ang malulusog kong dibdib
Wala pala akong bra tapos naka-white t-shir na maluwag lang ako
Kaya sa hita ko naman sila nakatingin ngayon
"Anak pinapakuha daw ni Miss Mendoza, bayad daw sa upa at binibigyan lang daw tayo ng isang araw para umalis sa bahay na ito" si Nanay ang sumagot na umuubo pa
"Teka lang naman, isang buwan palang naman tayong hindi nakakabayad? Bakit naman agad-agad ang pagpapa-alis satin?"
Wala pang isang linggo na wala kami ni Bea ganto na agad nang-yayari samin
Ngayong ko na talaga unting unti nararamdaman ang pagkawala ng paging-ging prinsesa ko sa loob ng 2 buwan
Sa piling ng maling tao
"Ate ano na gagawin natin? Babalik ba tayo sa eskinita?" Tanong ni Mafe
Napahinga ako ng malalim
"Wala na tayong magagawa, mag-impake na kayo" sabi ko at pumasok sa kwarto para magbihis at iligpit na ang mga gamit namin ng kambal
Biglang umagos ang mga luha sa pisngi ko
Ang sakit pa ng katawan ko dahil sa mahabang oras na pagtatrabaho
Hindi sanay ang katawan ko pero pinipilit kong magbago
Pero bakit naman kailangan maging ganito? Bakit parang lalo akong nilulubog sa kumunoy ng kahirapan?
"Mama ayoko na sa iskinita, ayoko na sa mga taong mapanghusga doon Mama" umiiyak na saad ni Marcus
"Aawayin lang tayo dun Mama, ayoko na dun" humihigbing saad naman ni Jasper
Agad ko silang niyakap
Kahit naman ako ayoko narin bumalik doon, yong masikip at mainit na tinitirahan namin doon
Yong mga taong akala mo perfect sila sa wagas na panlalait nila
Yong maingay na gabi na kahit anong oras na pwedin pasukin ang bahay nyo at hindi mo alam kung bubuhay pa kayo ng mga taong halang ang bituka roon
Pero wala na akong magagawa dahil ito na talaga ang kapalaran namin
Hindi ko na hihintayin na pagtabuyan pa kami ng land lady ng bahay
Kusa na kaming aalis at iniwan nalang ang susi sa loob nun
Isang buwan lang kaming hindi nakabayad pinapaalis na agad kami?
Tapos yong kinuha nyang gamit namin pang limang buwan ang halaga nun
Pero ayoko na makipag-talo sakanya dahil tingin ko may kinalaman din si Bea dito
Sya din kasi ang dahilan bakit kami nalipat sa subdivision na ito
Nagbubulungang mga kapitbahay ang tumambad samin paglabas namin ng bahay
BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!