Chapter 36

3.8K 175 71
                                    

Jema's

"Dada!!!! Dada!!!!!" Nagmulat ako ng mga mata ko sa pagkalampag at pagtawag ng isang bata sa labas ng Kwarto ni Deanna

Teka? Kwarto ni Deanna bakit nandito ako?

Napahawak ako sa noo ko nung maalala ko yong nangyari kagabi

Agad ko syang niyugyog upang magising ito dahil pagtuloy parin sa pagkalampag at pagtawag si Jasper

"Deans!!!!!" Tawag ko sakanya

"Hmmmmm?" Sagot nyang nakapikit parin ang mga mata

"Kumakatok si Jasper" saad kong niyuyugyog parin ito

"Pabuksan mo nalang" nakapikit parin sya

"Sira nakahubad ako!!!" At kinurot ko sya sa tagiliran nito

Napangiti pa ang loko kaya lalo ko syang kinurot ng pino

"Aray naman b" reklamo pa nya sabay haplos sa kinurot ko

"Tumayo ka na kasi dyan" dumilat na sya at tumango

"Deannna!!!!!" Napa-upo kami pareho nang Mama nya na ang tumatawag sa labas ng kwarto nito

"Wait lang Ma," tarantang nitong sagot at pinulot ang t-shirt nyang nakakalat sa sahig at agad itong sinuot

Halos madama pa ito sa pagmamadali bago nabuksan ang pinto ng kwarto nya

"Dada!!!! Si Mama!!! Hindi umuwi kagabi!!! Hanapin natin sya Dada" umaatungal na saad ni Jasper

Naistatwa lang si Deanna sa kinaroroonan nya

"Dada halika na!!! Bilisan mo!!!" Humihigbing saad naman ni Marcus

Lumuhod si Deanna para pumantay sa mga bata

"Shhhhh tahan na nandito lang si Mama, hindi sya nawawala" sabay punas sa mga luha nito

"Ano ibig mong sabihin anak?" Tanong ni Nanay

Madilim ata sa gawi ko kaya hindi nila ako nakikita

Kumamot ng ulo si Deanna at binuksan ng maluwag ang pinto at tumama sakin ang liwanag

Napatakip ako sa mata ko gamit ang kanang braso ko dahil yong kabila ay pinanghahawak ko sa kumot para matakpan ang hubad kong katawan

"Mama!!!" Sabay na sigaw ng kambal at tumakbo palapit sakin

Agad ko silang niyakap umiiyak parin kasi ang mga ito

"Anong ibig sabihin nito Deanna?" Napalunok ako sa tanong na yon ng Mama nya

"Ma, magpapaliwanag ako" nanginginig ang boses na saad ni Deanna

"Sumunod ka sakin" sabi ng Mama nya, tinignan muna ako neto ng nakakatunaw ng tingin bago lumabas ng kwarto ni Deanna

"Nay, sorry po" baling ni Deanna kay Nanay

"Sige na anak mag-usap muna kayo ng Mama mo" malumanay na saad ni Nanay sakanya

Lumapit samin si Deanna at hinalikan ako sa noo bago tuluyang lumabas

Siguro way nya yon para sabihing magiging ok din ang lahat

"Tawagan mo ang kapatid mo nag-aalala na yon akala nya nawawala ka talaga" hirap na saad ni Nanay dahil sa pag-ubo nito

"Opo Nay"  nahihiya kong tugon sakanya

"Mama bakit ka nakahubad?"

"Saka bakit dito ka natulog sa kwarto ni Dada?"

Magkasunod na tanong ng kambal ko

CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon