Jema's
"Ano na naman kailangan ng babae na yon sayo? At Dada talaga tawag ng mga anak mo sakanya? Bakit sya ba ang girlfriend mo at hinahayaan mong tawagin sya ng ganun ng mga anak mo?" Pigil ang boses nyang sita sakin
Huminga muna ako ng malalim at umupo sa kama bago ako nagsalita
"Di ba sabi nya? Dinaan nya lang yong bulaklak para kay Mafe? At hindi ko din alam kung bakit tinatawag nila ng ganun si Deanna, sobrang lapit lang siguro nila dun sa tao"
Tinignan nya ko na tila ba hindi naniniwala
"Bahala ka kung ayaw mo maniwala" at humiga ako patalikod sa kanya
Naramdaman ko naman ang pagyakap nya sakin mula sa likuran ko
"Ok naniniwala ako sayo, nagseselos lang talaga ko sakanya, sorry na kung pinag-duduhan na naman kita" saad nya malapit sa tenga ko
Tumango lang ako bilang tugon sakanya
"Alis na muna ako, my family dinner kami" at tumayo na sya
"Tawagan nalang kita ah?" Lumipat sya sa harapan ko
"I love you" sabay halik sa labi ko
"I love you too" pilit na sagot ko
Ngumiti sya at lumabas na ng kwarto namin
Napabuntong hininga ako
Hanggang kelan ba ako sa ganitong sitwasyon?
Agad akong lumabas ng kwarto at pumasok naman sa kwarto nila Mafe
Nung ma-alala ko yong paper roses na ginawa ni Deanna para sakin
Dahan dahan akong pumasok sa kwarto, sinilip ko muna kung nandito si Mafe
Nung na-sure ko nang wala tao hinanap ko na yong bulaklak
Nakita ko ito na nakapatong sa tukador ni Mafe
Agad akong napangiti at kinuha iyon
"Bakit mo kinukuha yan? Eh sakin yan" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Mafe sa likod ko
"Akin kaya to" sabi ko at niyakap yong bouquet ng paper roses
"Paanong naging sayo? Eh sakin binigay" tinaasan nya na ako ng kilay
"Bigay nga sakin to ni Deanna! Ginawa nya to para sakin, hindi ko lang tinanggap dahil nandito si Bea. Kaya ayon binigay nya sayo para daw hindi masayang effort nya" napangisi naman ang bruha kong kapatid
"So kung wala si ate Bea tinanggap mo sana?"
Hindi ko naman alam isasagot ko
"Syempre! Pinag-hirapan kaya nya to! Saka yong isipin mong nag-effort sya para gawin to di ba? Para sakin, sobrang...." napahinto ako
"Nakakakilig?" May himig pang-aasar na saad ni Mafe
Hindi naman ako nakapagsalita
"Smooth lang magpakilig si Deanna ano? Napaka-simple pero tagos sa puso. Sa totoo lang kinilig nga ako kasi akala ko sakin talaga nya binigay hahaha" inismiran ko naman sya
"Sus selos ka naman agad" sabi nya ulit
"Hindi no?" Medyo tumaas ang boses ko
"Hahaha depensive, pero halata naman talaga na para sayo yan, kaya sige kunin mo na" napangiti naman ako
"Ay sus kinilig na talaga sya" asar nya sakin
"Gaga" hindi ko na pigilan ang sarili ko hinampas ko na sya ng dalawang beses sa braso nya
"Uy bawal mamangka sa dalawang ilog" sabi nya
"Hindi naman porket kinilig ako eh gusto ko na sya" depensa ko sa sarili ko
"Ay sus idenial talaga ang ate ko, pero kung hindi mo pa talaga alam yang feelings mo para sakanya, eh di alamin mo" pinanglakihan ko naman sya ng mata
"Iba yang iniisip mo ate hahaha, ibig ko lang sabihin. Na-overwhelmed ka sa mga pinakita sayo ni ate Bea kaya akala mo mahal mo sya. Baka na-ooverwhelmed ka lang din sa kabaitan ni Deanna, kaya dapat alamin mo kung ano yan" sabi nya ulit
"Para saan pa? Wala din naman mangyayari? Nakatali na ako kay Bea at hindi ko alam kung kelan ako makaka-alis sakanya" malungkot na saad ko
"Hindi ka pa naman sure kung ano sya sayo di ba? Aalamin mo lang wala ka naman gagawin? Pwera nalang kung ano yan iniisip mo eh gagawin mo hahaha" sinimaan ko sya ng tingin
"Kaibiganin mo lang kasi muna ate, siguro naman hindi maghihinala si ate bei kung kaibigan mo lang sya dahil sa mga bata di ba?" Napabuntong hininga naman ako
"Paano kung gusto ko nga si Deanna? Ano ng manyayari" naguguluhang saad ko
"Eh di push mo na te! Kung ina-alala mo si nanay ako na bahala sakanya, ang dapat mo lang alalahanin ang sarili mo at ang mga bata. Mahal naman ni Deanna yong kambal so bunos na yon di ba?"
Hindi ko na alam sasabihin ko basta niyakap ko nalang si Mafe
"Tama anak, wag nyo na ako alalahanin" napatingin kami kay nanay na kakapasok lang ng kwarto
"Buong buhay mo dinadala mo na kami ni Mafe, kaya oras naman para maging masaya ka na ng totoo anak, mabait si Deanna alam kong aalagaan ka nya at ang kambal kaya sundin mo na ito" sabay turo sa kaliwang dibdib ko kung nasaan ang puso ko
"Tutal naman malapit na akong mahimlay kaya wag na kayo mag-alala sakin" tinignan namin sya ng masama ni Mafe
"Ano ba yang sinasabi mo nanay?" Inis na saad ko sakanya
"Ano bang kinagagalit nyo? Eh totoo naman mahihimlay na ako dahil inaantok na ako? To talagang mga batang ito. Himlay ang kahulugan ay mahiga at matulog, naku talagang mga bata kayo" sabi nya at humiga na nga sa kama nila ni Mafe
Napakunot ang noo ko samantalang si Mafe tumawa ng napaka-lakas
Naisahan na naman kami ng nanay namin
---
Naglalakad kami ng kambal papuntang mini carnival dito sa mall
Dinaanan din namin si Deanna sa store nila
Kaso sabi nung kacrew nya nag-out na daw saka may sumundo daw na babaeng may dala na mga anak
Sino naman kaya yon? Hilig talaga ni Deanna sa mga may sabit
Pagpasok namin sa mini carnival napako agad ang mata ko sa carousel
Sa dalawang babaeng pamilyar na nagtatawanan
Si Deanna kasama yong ex nyang si Kat
Tig-isa sila ng batang hawak na kay Deanna yong batang lalaki
Sobrang saya nilang pagmasdan para silang isang buong pamilya
Napaismid nalang ako
"Umuwi nalang tayo" aya ko sa kambal
"Sakay muna tayo sa carousel mama" pigil naman ni Marcus
"Teka si Dada Dina yon di ba?" Sabi naman ni Jasper na nakaturo sa carousel
"Oo nga tara puntahan natin" sang-ayon ni Marcus at hinila na ang kakambal nya papunta sa Dada nila
Wala na ako nagawa kundi sundan nalang sila
BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!