Jema's
"Sarap ba?" Tanong ko kay Jasper at Marcus. Habang pinapanood silang kumain dito sa isang sikat na fast food.
"Masarap po, Mama." sagot ni Marcus.
"Pero mas masarap parin yung spaghetti at chicken dun kela tita Mafe dapat dun nalang tayo kaen, eh." sabi naman ni Jasper.
"Kumain na kayo dun? Nilibre kayo ni tita Mafe?" Tanong ko. Umiling silang dalawa.
"Yung cute na ma'am ni tita Mafe ang libre samin, mama." Sagot ni Jasper.
Ma'am ni Mafe? Baka manager? Pero ang alam ko nagtatawagan naman silang lahat dun ng ma'am at sir.
"Paglaki ko Mama, liligawan ko si ma'am Dina ba 'yon?" Sabi ni Marcus na tila nag-iisip pa.
"Pero sabi nya di daw kayo talo!" Sabi ni Jasper.
"Anong ibig sabihin nun Mama?" Sabay tanong nito sakin.
Napangiti nalang ako.
"Naku! Kayong mga bata kayo. Ang babata nyo pa para sa ganyang bagay. Ligaw-ligaw, aral muna ah?"
"Pero Mama, ang cute talaga nya, eh. Namumula pa nga si tita nung lumapit si ma'am Dina sakanya." Naku! Itong si Marcus may alam na sa pagbablush. Pero, teka. Nagbablush si Mafe? Baka sya yung sinasabi nyang crush nya na team leader ata nila. Mukhang gusto din sya nito ah? Kasi nagpapagood shot sa mga anak ko, eh. Alam ko na ang mga ganyang galawan. Ganyan rin ang mga manliligaw ko noon, sa umpisa lang sila mabait sa mga bata. Sa umpisa lang nila sasabihing gusto ko ang mga anak mo katulad ng pagkagusto ko sayo pero sa bandang huli, iiwan din sa ere. Mga lalaki talaga.
Pero, teka. Mabalik tayo kay Mafe. Naku, naku! makukurot ko sa ingit ang babaeng 'yan. Dami na palang ganap hindi manlang nagkukwento. Teka, ano ulit name? Dina ba? Baka naman Deanna? Naku, imposible 'yon. Baka Dina nga!
Bakit parang ayaw mo kung si Deanna nga? Cheee!!!
"Gusto nyo punta tayo dun sa Store nila tita? Para makapag-thank you na din ako sa nanglibre sa inyo?" Tanong ko sa kambal.
"Opo, Mama." Tuwang tuwang sagot nila sakin. Mukhang gustong gusto talaga nila 'yong babae na 'yon ah? Mapili sa pagkakatiwalaan ang kambal ko. Ilang sila sa tao dahil narin sa mga panghuhusga nila sakin. Pero oras na napalagay ang loob nila sayo, ibig sabihin may mabuting bahay silang nakita sayo. Kahit sa mga lalaking nanunuyo sakin, hindi sila ganito kaexcited kahit pa pinapakitaan sila ng maganda sa una. Malayo ang loob nila.
"Mama, bilisan mo!!!" Tumatakbong hila nila sakin.
"Wait, lang naman. Madadapa tayo, eh." Sobra naman ang mga batang 'to. Excited talagang makita ang manliligaw ng tita nila.
Hingal na hingal kaming nakarating sa store nila Mafe. Sa counter agad kami dumaretso nung makita ko agad si Mafe roon. Pinagtinginan pa kami ng mga taong nakapila dahil baka akala nila sumingit kami sa pila.
"Tita!!! Si ma'am Dina? Magtethank you daw si Mama, sakanya." Sabi ni Marcus paglapit namin sa tita nya.
"Naku, day off ate." Sagot ni Mafe na sakin.
"Ano yung Day off Mama?" Napatingin kami kay Jasper.
"Wait, lang ate. Madaming Customer!" Sabi ni Mafe. Hinila ko ang kambal sa gilid upang hindi kami makaabala sa tita nila.
"Wala pala sya ngayon. Ang ibig sabihin ng Day off, wala syang pasok ngayon." Paliwanag ko kay Jasper.
"Sayang naman," sabay nilang usal sakin.
BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!
