Deanna's
"Tita Mafe!!!!" Napalingon ako sa dalawang batang lalaki na pumasok sa store namin. Dumeretso ang mga ito sa counter kung nasaan si Mafe.
"Anong ginagawa nyo dito?" Takang tanong ni Mafe sakanila.
"Hinatid po kami ni Mama, sabi nya hintayin ka na daw namin umuwi kasi papasok na sya sa trabaho." Sagot nung mas matangkad na batang lalaki.
"Ang aga pa ah?" Alas kwarto na kaya ng hapon? Anong maaga dun?
"Bilis na, tita Mafe! Walang kasama si Nanay sa bahay!!!" Sabi naman nung mas maliit na batang lalaki.
"Wait, lang. May isang oras pa ang duty ko. Umupo muna kayo roon," sabi ni Mafe. Tinuro nito ang bakanteng table sa dulo ng store.
"Tita, gutom na kami. Gusto namin ng chicken at spaghetti," sabi ulit nung mas maliit na bata at tinuro yung poster sa taas ng counter.
"Sa bahay nalang Jasper," sabi ni Mafe. Biglang lumungkot ang mukha ng mga bata sa panghihinayang.
"Dalawang C2?" Sabi ko. Napatingin sakin si Mafe. Lumapit ako sakanya at tumapat sa POS nito. Agad kong nilagay ang mga order ng mga bata at tinawag ito sa loob ng kitchen upang maihanda agad ang Order ko.
"Ma'am Deanna, wala po kaming pang bayad sa order ng mga bata." Sabi ni Mafe.
"Ako ng bahala," at nginitian sya.
Agad ko ring kinuha sa dispatcher ang mga order at inilagay ito sa tray."Saan nyo gustong umupo?" Tanong ko. Pero nakatingin lang sakin yung dalawang bata.
"Sige, na. Marcus at Jasper, sumama na kayo kay ma'am Deanna. Mabait sya," utos ni Mafe sakanila.
Tumango sila, tumakbo sa dulo ng store, umupo sa bakanteng pang apatang table. Nilapag ko roon ang inorder kong pagkain para sakanila.
"Thank you po ma'am Deanna," sabay nilang sabi. Ngumiti ako at magkasabay na ginulo ang buhok ng dalawang bata.
"Your welcome!" Nakangiti kong sabi. "Kambal ba kayo? Magkamukha kayo, eh." Tanong ko.
"Opo!" Sabay na sagot nila.
"Wow, ang cute nyo naman." Yung mata at ilong nila parang pamilyar. Bilogan ang mga mata nila at ang cute ng ilong, hehehe.
Parang ilong at mata ni Jema.
Haysss, miss ko na sya. Isang linggo ko na syang hindi nakikita. Simula nung naging morning shift ako hindi ko na sya nasisilip. Ayaw nya kasi akong magpakita sakanya simula nung carnival kami. Iniwasan na nya talaga ako, kaya sinisilip ko nalang sya.
At ngayon nga, kahit hibla ng buhok nya, hindi ko na masilayan. Magkaiba na kasi kami ng oras ng pasok sa trabaho.
"Mas cute ka po! Paglaki ko liligawan po kita." Nabalik ang ulirat ko sa sinabi nung mas matangkad na bata.
"Sorry ah? Hindi kasi tayo talo." Natatawa kong sabi. Pinat ko ang ulo nito.
"Ako po si Jasper at sya naman po si Marcus, 6 years old na po kami." Sabi nung mas maliit na bata.
"Hello, nice meeting you!" Nakangiting sabi ko. "Galing ba kayo sa school?" Naka-uniform kasi sila.
"Opo. Grade 1 na po kami," sabi ulit ni Jasper.
Hahaha, medyo madaldal sya ah?
Ngumiti ako nang malawak ang kucute nila, lalo na itong si Jasper. Halos sya lang nagsasalita, kung ano ano ang pinagkukwento nya. Tungkol sa tambay na dinampot ng tanod sa lugar nila dahil sobrang lasing na ito. Tungkol sa kaklase nyang natae sa salawan, hahaha. Tawa kami ng tawa ni Marcus, kasi halos tumatalsik na ang kinakain nya kakakwento. Sa sobrang daldal ng batang 'to. Hindi na namin namalayan ang oras, hindi na namin namalayang tapos na ang duty ni Mafe. Sa totoo lang ang sarap nila kausap, nangingillala sila ng sasamahan, base sa reaksyon nila sakin kanina. Pero mabilis lang silang mapalagay kapag alam nilang mabait ka sakanila, at hindi ko rin alam bakit sobrang gaan ng loob ko sakanila.
"Salamat po, ma'am Deanna, ah?" Sabi ni Mafe. Nakaready na sya para umuwi.
"Naku wala yun. Naalala ko kasi sa kanila si Peter, eh." Yung kapatid kong may down syndrome. 10 years na sya pero parang baby parin ang pag iisip nito. Abnormal kung tawagin ng iba.
Magsasalita pa sana si Mafe, kaya lang tinawag na ako ni Carly. Napangiti ako ang talim kasi ng tingin nya sakin. Nakipag apir muna ako sa kambal bago sila tuluyang lumabas ng store kasama si Mafe. Hinatid ko sila ng tingin hanggang mawala na ang mga ito sa paningin ko.
"Deanna Wong for Three!"
"Bannnnnggggg!"
Sabi ng mga kumag kong kacrew, napa-iling ako. Lagi nalang nila akong inaasar kay Mafe, feeling daw kasi nila may gusto 'yon sakin. Kaya napag iinitan ni Carly, eh.
Pero mabait naman si Mafe, hindi nya pinapansin ang pang aalaska ng mga crew namin, sa amin. Sobrang haba rin ng patient nya kay Carly kapag sakanya nabubuntong ang inis nito lalo na kapag inaasar kami ng mga kumag.
Hahaha, pero napapaisip talaga ako kung nakita ko na sya noon? Sobrang pamilyar nya kasi sakin.
-----
Jema's
Pagkasundo ko sa kambal sa school hinatid ko sila sa Fast Food na pinagtatrabahuan ni Mafe.Bigla kasing tumawag si Mother, yung manager ng Club. Dadating daw ang si boss at ichecheck daw kaming mga callgirl. Mukhang magtatanggalan daw kaya kailangan kong galingan.
Maaga palang pumunta na kami sa club para magpractice, para paghandaan ang performance namin sa pagdating ng pinaka boss ng bar. Sa tagal ko na dito sa club hindi ko pa nakikita ang boss namin at kahit sino sa mga katrabaho ko wala pang nakakakita sakanya.
"Hoyyyy, bakla!!! Jemalyn!! Himala hindi ko nakikita yung cutie girl na manliligaw mo." Sabi ni Kyla at umupo sa tabi ko sa harap ng salamin nagmemake-up na kasi kami ngayon.
"Mabuti nga't walang nangungulit," sagot ko.
"Sus, hindi mo namimiss? Hahaha," tumawa pa ng malakas ang gaga.
"Bakit ko naman sya mamimiss aber?" Taas kilay kong tanong kay Kyla. Buti nga't isang linggo na syang hindi nagpapakita. Wala ng makulit na nakakairita. After ng pagpunta namin sa theme park, hindi ko narin nakita amg babaeng 'yon. I mean, nakikita ko syang patagong sumisilip sa bar pero hindi na sya humaharap sakin. Medyo matigas talaga ang ulo ng babaeng yun, sinabi na ngang wag ng pumunya dito, balik parin ng balik. Pero in fairness naman sakanya, sinunod nya yung sinabi kong wag na kong guluhin. Pumupunta man sya hindi naman ito nagpapakita.
Pero lately, hindi na talaga sya pumupunta. Wala ng babaeng sumisilip sa bar tapos tatakbo kapag palabas na kami. Sa totoo lang lihim akong napapangiti sa inaasal nya...... I mean, pabor talaga sakin na hindi na sya pumupunta. At least sumuko na sya at hindi na ko naaabala..... Ayoko talagang nakaka abala ng iba.
"Sabagay. Wala ka namang mapapala dun, bukod sa hindi ka mapapasaya sa kama, kasi mag aapir lang kayo, hahaha. Eh, katulad mo ring isang kahig at isang tuka." Loka. Pero tama naman sya. "Pero, teka.matagal naring nanliligaw si Cy diba? Bakit hindi mo parin sinasagot?"
"Gusto nya ako lang. Hindi kasama ang mga anak ko, si Mafe at si nanay. Alam mo, kung gaano kahalaga sakin ang pamilya ko. Yayaman nga ako pero maiiwan ko naman ang pamilya ko. Magiging masaya ba ako? Eh, sila nga ang dahilan bakit ko pinasok ang letseng trabaho na to. Tapos iiwan ko lang sila dahil lang sa gusto kong makatakas dito? Hinding hindi ko yun gagawin. Kung may magmamahal at tatanggap man sakin dapat tanggap din nya ang mga anak ko." Napatango si Kyla. "Saka, hindi ko naman sya magustuhan, ano? Nangliligaw lang sya sa kama. Nakukuha naman nya ko. Kaya siguro, kuntento na sya dun."
Napa buntong hininga ako. Lahat naman ng nagsasabing gusto nila ako sa kama lang ako nililigawan. Wala pa atang nageeffort na pasayahin ako ng totoo. Yung ituturing akong prinsesa, yung tunay na babae na hindi pang kama lang.
Teka, meron na palang gumawa nun sakin.
Si Deanna!
Handa pa syang mag-bayad ng malaki makasama lang ako ng walang ibang intensyon kundi maging masaya lang ako. Sya lang ang nagparamdam sakin na babae ako na dapat nirerespeto
Yumuko ako. Sana may ganung lalaking katulad ni Deanna. Kasi tama naman si Kyla, eh. Parehas kaming babae at hindi rin ako makaka-ahon sa letseng buhay na 'to. Kung sya lang ang pipiliin ko.
BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!