Deanna's
Mahigit isang buwan na pala kami ni Jessica pero hindi manlang kami nakapag-celebrate
Kahit yong pinlano kong ilalabas ko sila ng mga bata sa theme park hindi ko na natuloy
Sobrang busy ko kasi dahil ang daming gastos sa bahay
Halos sa store na ata ako nakatira dahil kaka-overtime ko
"Bago pa naman phone mo bro, bakit kailangan mo pang bumili ulit?" Tanong ni Edward habang naka-akbay sakin
Nandito kami ngayon sa shop ng mga gadget at tumitingin ng cellphone
"Para to kay Jessica" tugon ko
"Wow swerte talaga ng jowa mo sayo" saad nyang muli
"Nag-hihintay pa kasi ang kambal na maka-uwi ako para maka-usap ang Papa nila. Kaya eto bibilhan ko sila ng cellphone para matawagan nila ang Papa nila kahit anong oras" ngumiti ako ng bahagya dito
"Ikaw na talaga! Deanna Wong ang dakilang martyr" inilingan ko sya
"Hindi naman sa pagiging martyr, pero gusto ko lang suportahan kung saan masaya yong mga bata at kung ang pakikipag-usap sa Papa nila ang mag-papasaya sakanila. Magiging masaya narin ako" seryosong tugon ko
"So handa ka narin bang iwan ka nila? Oras na maparamdam sakanila ng tunay nilang Ama yong mga pagkukulang sa buhay nila? At handa ka narin bang mawala ang babaeng mahal mo ngayon dahil mas pinili nya ang kasayahan ng mga anak nya? Sa pamamagitan ng pagbuo sa pamilya nila?" Napatingin kami kay Luigi
Ngumiti ako ng mapait sakanya "matagal ko ng hinanda ang sarili ko, simula nung bumalik si sir Gio. Alam kong dadating ang oras na yon, na iiwan nila ako"
Hinawakan ko yong Cellphone na nasa harapan ko
"Kaya heto sinusulit ko nalang yong mga panahon at oras na nasa piling ko pa sila"
Kinuha ko yong napili kong phone at dinala sa cashier
"Tyak matutuwa ang kambal sa bagong cellphone ng Mama nila" nakangiti kong saad habang palabas na kami ng shop
"Sana all may Deanna Wong hahaha" biro ni Edward
"Mukhang malapit na kitang iwelcome sa company ko" saad ni Luigi at inakbayan ako
"Ganun talaga mag-bestfriend tayo eh" at nginitian ko sya
"Yon nagkasundo rin kayong mag-bestfriend" saad ni Edward
"Ano kaen muna tayo?" Alok naman ni Luigi
"Kayo nalang, sa bahay nalang ako kakaen hahaha nagtitipid eh" kamot ulo kong tanggi
"Ganun ba? Hirap talaga kapag pamilyado na di na makagimmick hahaha" asar ni Edward
"Ayaw mo talaga? Libre ko nalang?" Umiling ako sa tanong ni Luigi na yon
Tumango naman sya at tinap ang balikat ko
Ganun din si Edward at lumakad na sila palayo sakin
Napangiti ako habang tinitignan ang phone na binili ko sa loob ng paper bag
Excited akong umuwi hindi ata mabura ang ngiti ko sa mga labi ko
Mula sa sakayan ng jeep hanggang makarating ako sa bahay
Isang malakas na hagikgik ang naririnig ko mula sa dalawang bata pagbukas ko ng pinto
Nakatutok ang kambal sa cellphone kausap ang Papa nila
Teka kaninong cellphone yan? Iphone 7+ pa? Natago ko tuloy yong phone na nabili ko sa likod ko
Pumasok ako sa kwarto na hindi ako napansin ng kambal
BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfic"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!