Deanna's
Nakatingin lang ako kay Jema at Kat na walang sawang nagkukwentuhan sa harapan ng kina-uupuan ko
Yong mga bata naman nag-lalaro lang ng arcade sa di kalayuan
Dapat pala sumama nalang ako sa kanila kesa nakikinig sa pinag-uusapan ng dalawang ito
Puro lalaking naging customer lang naman nila pinag-uusapan sa harapan ko
Umismid ako at ininom nalang ang milk tea na hawak ko
"Kamusta pala kayo nung mayaman mong Jowa?" Tanong ni Kat kay Jema na agad na napatingin sakin
"Ok naman, ikaw ba? Nagbibigay naman ng sustento yang mga ama ng mga anak mo?" Sagot at tanong ni Jema
Bakit hindi nya sinagot kung ok ba sila or masaya sila ng jowa nya?
Dahil nandito ako?
Baka iniisip nyang masasaktan ako kung sasagutin nya
Tumayo ako sa kina-uupuan ko napatingin naman sila sakin
"Puntahan ko lang yong mga bata" paalam ko
"Sama mo na tong si Aeron" sabi ni Kat at inabot sakin ang anak nya
Agad ko naman yon kinuha mula sa bisig nya at lumakad palayo sakanila
Siguro sa mga bata nalang dapat talaga ako sumama
Para naman makapag-usap sila ng maayos at hindi mailang si Jema sakin
Alam ko naman kung gaano sya kasaya sa piling ng mayamang babae na yon
"Dada!" Sabay na salubong ng kambal pagkakita nila sakin
"Bakit Dada tawag nyo kay tita Dina? Babae sya at hindi nyo naman sya tatay o lolo tulad ng Dada ko" sabi ni Giselle sakanila
"Dahil parang Tatay na talaga namin si Dada Dina, dahil pinapasyal at nakikipag-laro sya samin tulad ng isang tatay" sagot naman ni Marcus
"Pinapasyal nya din kami at nakikipag-laro din sya samin, ibig sabihin ba nun Dada narin namin sya ni Aeron?" Inosenteng tanong ni Giselle
"Hindi, dahil kami lang ang may Dada sakanya, di ba may Dada ka na? Yong Lolo mo" sagot naman ni Jasper kay Giselle
Parang lumungkot naman ang mukha ng batang babae
"Dada" napatingin kami kay Aeron na karga ko
"Gusto din ni Aeron na maging Dada si Tita Dina" masigla ng saad ni Giselle
"Hindi pwede samin lang sya" sabay na saad at sabay na yakap ng kambal sakin
"Gusto ko rin sya maging Dada" sabi naman ni Giselle at yumakap din sakin
Bali nasa kabilang gilid ko ang kambal tapos nasa gitna naman si Giselle
Naku po dumami na ang mga instant anak ko
"Pwede nyo naman akong maging Dada lahat kaya wag na kayo mag-away ah?" Malambing kong saad sakanila
"We love you, Dada Dina" sabay-sabay nilang saad na nakayakap parin sakin
"Dada" natawa naman ako sa pag-salita ulit ni Aeron
Hahaha instant Dada na talaga ako
"Oyyyy Deans" napatingin ako sa lalaking tumawag sakin
"Sir Gio?" Agad ko syang kinamayan
Dati ko syang store manager pero OJT lang sya nung mga panahon na yon
BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!