Jema's
Napangiti ako nang makita ko ang kambal ko at si Deanna na naglalaro sa labas ng bakuran namin
Naglalaro sila ng basketball na gawa sa pinagsama-samang papel na binilog at pinaloob sa plastic
Pilit nila itong pinapasok sa ring na gawa sa lata ng gatas na nakadikit sa pader ng bahay namin
Natawa ako malamang si Deanna ang may gawa niyan
Matagal narin umuungot ang kambal ng isang set ng basketball
Hindi naman ako makabili dahil hindi naman ako marunong pumili ng ganun baka mabilis lang masira ang mabili ko at masayang lang ang pera
"Mama, tignan mo oh? Ginawa ni Dada tong basketball at ring" sigaw ni Jasper nang mapansin nya akong nanonood sakanila
Pinag-ekis ko ang mga braso ko at sumandal sa hamba ng pinto
"Galing talaga ni manang" saad ko habang nakangiti sakanila
"Ibibili din daw nya kami ng isang set ng basketball Mama" sabi naman ni Marcus
"Ako nalang ang bibili, magpapasama nalang tayo sakanya" saad ko
"Talaga?" Parang hindi makapaniwalang saad ni Deanna
Tumango naman ako bilang tugon sakanya
"Yehey!!!!" Sabay na sigaw ng kambal at nagtatalon pa
"Tara dito Mama, laro tayo nila Dada" sabi ni Jasper na tinaas ang kamay na pinapunta ako sakanila
"Hindi naman ako marunong sa bola" tanggi ko
"Madali lang to, tuturuan kita" saad naman ni Deanna
"Tara na Mama" patakbong lumapit sakin si Marcus at hinila ako pabalik sa Dada nya at sa kambal nito
"Paano ba yan?" Nakangiti kong tanong sakanila
"Madali lang, dahil hindi naman tumatalbog itong paper ball ishoshoot nalang natin sya ng direkta sa ginawa kong latang ring" sabi ni Deanna sabay hagis ng bola at pumasok sa ring na lata
Nagtatalon naman ang kambal dahil sa tuwa
Kinuha ni Deanna ang bola at inabot sakin
Ilang beses ko naman sinubukan ipasok ang bola pero hindi manlang ito umaabot sa ring
Kapag umabot naman bumabaldog lang ito
Tawa naman ng tawa ang kambal pati si Deanna
"Ganto kasi yan" nilapit ni Deanna ang sarili nya sakin
Tila kinabahan ako dahil bumilis ang tibok ng puso ko
Wala na ata ako marinig kundi ang malakas na kabog ng dibdib ko
Nakalapat na ang mga palad ni Deanna sa mga kamay ko
Habang itinuturo nya kung paano ko ba mashoshoot ang bola sa ring
"Relax lang Jema" bulong nya sa tenga ko, agad naman akong napalunok
Narinig ko ang mahina nyang pagtawa
Inangat niya ang kamay ko at hinagis ang bolang nasa mga palad ko
"Yehey!!!!" Sigaw ng kambal nang pumasok ito
"Galing naman ng baby ko" saad ni Deanna
Napatingin ako sakanya pero bigla din akong natigilan
Nakalimutan kong magkadikit nga pala kami
Kaya eto sobrang lapit ng mukha nya sakin
Parang lalo ata akong kinabahan? Ano ba tong pakiramdam na to?
BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!