Jema's
"Surprise" nagulat ako ng pagbukas ko ng pinto, si Bea ang bumungad sakin
Agad nya akong niyakap at hinalikan sa labi ko
Agad ko din syang tinulak kaya nabigla sya
"Sorry, baka kasi makita tayo ng mga bata" sabi ko
"It's ok" sabi nya at pumasok sa loob ng bahay namin
"Saan ang room mo? Gusto ko muna mag-pahinga. Pagod ako sa biyahe" sabi nya
"Wait lang, palalabasin ko lang ang mga bata sa kwarto" sabi ko at agad na tumungo sa kwarto ko
"Marcus, Jasper labas muna kayo" utos ko sa mga ito
"Bakit po mama?" Tanong ni Jasper
"Basta, wag na masyadong maraming tanong labas na muna"
Agad naman silang tumayo sa kama at pinag-pag ko ito
Paglabas ko, nakatingin lang ang mga bata kay Bea
"Si Marcus at si Jasper pala mga anak ko" tinignan lang sila ni Bea at tumungo ng kwarto ko
"Sino sya mama?" Napatingin ako kay Marcus
"Tita Bea, ang itatawag nyo sakanya kaibigan ko sya"
"Ayaw namin sakanya" sabi ni Jasper
"Jasper bad yan ah?" Tinalikuran naman nila ako at umupo sa sofa at dun nalang naglaro
Napa-iling nalang ako at pumunta nalang sa kusina kung nasaan si nanay
"Nay, paki-dagdagan ang tanghalian nandito si Bea" gulat naman syang lumingon sakin
"Teka anak? Di ba sosyal yon? Baka hindi nya magustuhan ang ulam natin? Mamalake na muna kaya ako" oo nga no? Baka hindi nya kainin mga pag-kain mahihirap lang
"Wait lang itatanong ko kung ano gusto nya kainin" buti nalang talaga magaling na si nanay kaya natutulungan nya na ako sa gantong bagay
Pagpasok ko sa kwarto nakatingin lang si Bea sa kama ko
"Ano bang trip mong kainin?" Napatingin sya sakin
"Matutulog lang ako saglit pero aalis din tayo agad, kaya wag na kayong mag-abala pa"
"Gusto mo ba palitan ko muna ang Bed sheet?" Tanong ko mukha kasing nag-aalangan syang humiga eh
"Wag na dudumihan din naman natin yan" sabi nya sabay lapit sakin at siil ng halik sa labi ko
Nagpa-ubaya nalang ako at sinagot nalang ang mga halik nya sakin
---
Deanna's
"Pwede ba akong makisali sa inyo?" Gulat silang napalingon sakin
"Tita Dina" sabay nilang saad at patakbong lumapit sakin
Lumuhod ako para pumantay sakanila at niyakap ang mga ito
"Buti dumating ka tita, alis tayo pwede? Ayaw namin dito may bisita si mama na babae mukhang syang masungit ayaw namin sakanya" sabi ni Jasper
Bisitang babae?
"Mag-paalam muna tayo para hindi tayo hanapin, mamaya sabihin nila kinidnap ko kayo makulong pa ako" sabay tap sa mga ulo nila
"Pero nasa kwarto lang sila kanina pa, hindi sila lumalabas" sabi naman ni Marcus
Magkasama sila sa kwarto? Pero parehas naman silang babae
Pwera nalang kung may malisya sakanilang dalawa
Eh tyak may milagro nga silang ginagawa
Pero baka wala naman, sana nga wala
BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!