Deanna's
"Dada ito po oh?" Bigay sakin ni Jasper ng iaassemble na ring
Umupo kami sa sofa nila medyo malaki rin itong bahay na inuupahan nila
Tumingin ako sa kusina kung nasaan nandun si Nanay at Jessica
Hinahanda na ata yong hapunan sa lamesa nila
"Deanna anak, mamaya na yan at maghapunan muna tayo" saad ni Nanay nung napatingin ito sakin
Nilapag ko sa lamesita yong set ng ring tapos tumayo na ako para tumungo ng kusina
Naging magaan naman ang hapunan sobrang daldal lang ng kambal
Talagang mapapatawa ka nalang sa mga kwento nila
Kahit pa naikwento na nila yon sakin kanina nung nasa mall kami
Pero para bang may kulang? Hindi ko kasi naririnig ang pagtawa ni Jessica
Tahimik lang itong kumakain hindi sya nagsasalita
Kahit naikwento na ni Nanay yong nangyari sakanila
Hindi manlang ito umimik hanggang matapos ang hapunan wala akong narinig mula sakanya
Tinapos ko agad yong ring ng mga bata at sinabing next time ko nalang ikakabit sa likod bahay nila dahil gabi narin
Hindi naman sila nagreklamo at nagpaalam na matutulog na
Basta daw babalik ako para ikabit yong ring nila
Nangako lang naman ako at pumasok na sila sa kwarto nila
"Nay, una na po ako, baka hinahanap na din po ako ni Mama" paalam ko rito habang naghuhugas ito ng plato
"Naku anak, gabi na dito ka nalang matulog, wala naman katabi si Jessica sa kwarto nya" napakamot nalang ako sa hirit ni Nanay
"Si Nanay talaga" nasabi ko nalang
"Heto naman batang to, biro lang, pwede naman kaming lumipat sa kwarto ni Jessica at dun ka sa kwarto namin ng mga bata. Pwede din naman si Jessica ang lumipat at dun ka sa kwarto nya pero pwede din naman na magtabi talaga kayo" ayaw talaga papigil ni Nanay hahaha
"Hindi na po Nay, uwi na po talaga ako. Balak ko rin po kasi dumaan sa girlfriend ko"
"Sige anak, mag ingat ka! Kung hindi ka talaga mapipigilan pero sana magpapigil ka parin" hahaha ano daw?
Loko talaga to si Nanay eh, nagpaalam nalang ulit ako dito at tumungo ng kwarto ni Jessica
Kinatok ko ito ng tatlong beses bago bumakas ang pinto
Seryosong mukha nya ang bumungad sakin
Napalunok nalang ako dahil naka loose na sando ito at parang walang panloob
Malaki yong hinaharap ni Jessica kaya halos lumawa na ito sa suot nya tapos bakat pa yong dapat bumakat
"Ano tititigan mo nalang yan? Este tititig ka lang ba dyan?" Basag nya sa imahinasyon ko
"Ah eh ano" syet hindi ko matuloy yong gusto kong sabihin
Napangiti ito, nagulat nalang ako nang hatakin ako neto sa kwarto
Sinandal nya ako sa likod ng pinto at nang laki nalang ang mga mata ko paglapat ng labi nito sakin
Hinawakan ko ang balikat nito para pigilan pero putya mas diin nya pa ang sarili nito sakin
Napakabilis ng halik nito hindi ako makasabay
Napapikit nalang ako at ninamnam ang halik nito sakin

BINABASA MO ANG
Carousel
Fiksi Penggemar"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!