Jema's
"Aling Judin ganda talaga nitong bagong tindera mo? Saka parang pamilyar talaga sya sakin" sabi nung lalaking customer ni Mama sakanya
"Ilang beses ko na sinabi sayong wag mong papaki-alam yan" may diin tugon dito ni Mama
"Bakit naman? Nagagandahan lang ako eh! Saka may magagalit ba?" Saad nitong muli habang pinapasadahan ng tingin ang buong katawan ko
Agad naman ako umiwas ng tingin dito
Ilang beses na nitong ginagawa yan lalo na kapag wala si Mama
"Asawa yan ng anak ko, kaya ako ang magagalit kapag pinake-alaman mo yan" tugon ulit ni Mama, napatingin agad ako sakanya
"Asawa ng anak mo? May asawa na pala si Josh? Bata pa yon ah? Sabagay mapupusok na ang mga kabataan ngayon" saad muli nung lalaki
"Kay Deanna po" ako na ang sumagot
Napatingin sila sakin lalo na yong lalaki na nanglalaki ang mga mata
"Totoo aling Judin?" Baling nito kay Mama na tumango lang naman dito
Ngumisi ito "suportado mo talaga kalokohan ng anak mo ano? Nakikipag-live na sya sa kapwa nito babae tapos may anak pa? At bali-balitang pokpok?"
"Alam mo Jerry kung wala kang matinong masabi at hindi ka naman bibili lumayas ka na nga dito!!!" Inis na usal ni ate Emmy
Tumawa muna ito ng malakas at tinignan ako ng nakakalusaw na parang bang may pag-nanasa bago umalis sa tindahan namin
"Masanay kana, sa mga ganyang tao hindi talaga nauubos yan, madalas dumadami pa" tumango lang ako kay Mama
Sa halos isang linggo ko na dito nababastos parin naman ako dahil nga kalat dito na dati akong callgirl
Yong iba kasing mga kalalakihan dito customer ng night club
Yong ilan naging customer ko, kaya hindi talaga ako magtataka kung bakit kalat sa lugar nato o sa ibang lugar na pokpok ako
Sobrang sikat nung night club na pinag-tatrabahuan ko dati kaya halos lahat ng babaeng nagtatrabaho dun kilala din
Kahit nga sa mga event ng catering nakikilala parin ako nung mga mayayamang kong customer
Kapag ini-extra ako ni Gabo, ginawa na kasi nya akong waitress kaya na-eexposed na ko sa mga tao
One time may nag-offer sakin na ilabas ako, todo tanggi ako pero pinipilit ako nito
Buti nalang dumating si Gabo kaya natulungan ako
Hiniling ko rin sakanya na wag ng sabihin kay Deanna para wag nato mag-alala
Baka kasi hindi na ako nito payagan mag-extra sa susunod
Sayang din yong kinikita ko dun, pang dagdag rin sa gamot ni Nanay
Madalas napapa-iyak nalang ako, dahil pilit ko naman binabago ang sarili ko
Pero may mga katulad lang talaga ni kuya Jerry na pilit parin akong binabalik sa putik na kinasadlakan ko
"Ma, sunduin ko lang po ang mga bata" paalam ko sakanya
Hapon na kasi at alam kong labasan na ng mga iyon
"Ok sige mag-ingat ka" saad nito at inabutan ako ng pamasahe
"Salamat po, sa bahay na po ako dederetso" saad ko bago tuluyang umalis ng tindahan
20 minutes lang ang biyahe bago makarating sa school ng mga bata

BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!