Deanna's
"Sino ang mga yan?" Kalmadong sita ni Mama sakin
"Si Jema Ma, kaibigan ko tapos si Nanay Fe, Nanay ni Jema tapos yong kambal anak nya" nakangiti kong tugon sakanya
Seryoso tingin naman ang sinukli nya sakin kaya napakamot ako sa kilay ko
"Pwede dito muna sila Ma? Habang wala pa silang matutuluyan, may sakit si Nanay, tapos ang liliit pa ng kambal para matulog sa kalsada Ma,"
"Saan mo ba nakilala ang mga yan? Alam mo naman ang panahon ngayon Deanna" may diin nyang saad sakin
"Kaibigan ko nga sila Ma, mababait mga yan, saka pamilya din sila nung katrabaho kong si Mafe, kilala mo sya diba?" Tila lumiwanag naman ang mukha ni Mama na kanina lang nakakunot
Napakilala ko na kasi si Mafe sakanya nung hindi ko pa alam na kapatid nya si Jema
Naikwento kasi ni Peter si Mafe kay Mama, nung nakasama namin sila ng kambal mamasyal at sumakay sa carousel
Natuwa kasi si Peter nun kaya tuwang tuwa din si Mama at pinilit akong ipakilala sakanya si Mafe
At mukhang gusto nya ito para sakin
"Talaga? Dito na din titira si Mafe?" Masigla na nyang tanong sakin
"Opo Ma, mamaya nandito na yon, naka-duty lang kasi ngayon kaya hindi namin sya kasama" masiglang sagot ko rin
"Eh bakit ba sila nawalan ng tirahan?" Tanong nya
"Hindi po kasi sila naka-bayad sa inupahan nila, nawalan po kasi ng trabaho si Jema." Sagot ko
"Kung ganun si Mafe nalang ang bread winner sakanila? Nag-aaral na nagtatrabaho pa? Naku ang sipag naman talagang bata iyon. Bagay na bagay talaga kayo anak"
"Ma naman!!" Napanguso nalang ako
"Bakit totoo naman ah? Dapat eh makahanap na yong ate nya ng trabaho para hindi mahinto si Mafe tulad mo. Sayang naman"
"Masipag yon si Jema Ma! Sya talag....."
"Oh sya magluto na muna ako ng hapunan baka gutom na ang mga bisita natin" putol nya sa sasabihin ko
"Teka ano bang pwede iluto? Matanong nga si balae kung anong gustong ulam ni Mafe" sabi nya ulit at pumasok na sa sala namin
Kamot ulo naman akong sumunod sakanya
"Abay ang kucute naman ng mga batang ito, gusto nyo ba sa tabi namin ni Kuya Peter matulog?" Tanong ni Mama sa kambal pagpasok namin ng sala
Napangiti ako at halata naman nagulat sila Jema
Tumingin sya sakin na tila ba nagtatanong kung anong nanyari
Tinanguan ko lang naman sya na nakangiti parin
"Opo!" Sabay na sagot ng kambal kay Mama
"Very good naman at nangungupo ang mga bata ito" saad ni Mama at tinap ang ulo ng mga kambal
"Sabi po kasi ni Mama, laging mag-po at opo sa mga matatanda dahil tanda daw po ito ng pag-respeto at pag-galang" sagot ni Jasper
"Abay ang bibo mo naman, sobrang galing ng pagpapalaki ng Mama mo sayo" puri ni Mama
"Thank you po!" Napatingin kami kay Jema na halos mamalupot na ata sa hiya
Tinignan naman sya ni Mama mula ulo hanggang paa
Lagot na! Halos hindi maipinta ang mukha ni Mama
Kasi naman yong suot ni Jema parang malapad na panty lang at manipis na sando blouse na bakat na bakat ang tube bra nito
BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!