Chapter 2

4.5K 151 83
                                    



Jema's

Inunat ko ang mga kamay ko at umupo sa papag na hinihigaan ko.

"Good morning!" Bati ko sa sarili ko.

Napatawa ako dahil mag-aalas kwarto na pala ng hapon, pero pakiramdam ko umaga palang. Mag-uumpisa palang ang araw ko.

"Inay, si Mafe wala pa ba?" Tanong ko sa Ina kong nakaratay sa kanyang kawayang higaan.

Hindi naman sya sumagot siguro'y tulog pa.

Nagtimpla na lamang ako ng kape sa tagpe-tagpe naming kusina.

Sobrang liit at sobrang pangit pa ng bahay pero sobrang laki naman ng upa.

"Ate!!!!!!" Napitlag ako sa pagsigaw ni Mafe at muntik ng mapaso ang aking kamay sa tinitimpla kong kape.

"Puta naman, Mafe ano ba yun? Bakit ka ba nasigaw d'yan?" At hinila ang buhok nito paglapit sakin.

"Aray naman ate!!! Kailangan talaga manakit?" Reklamo nito.

"Ano ba kasing dahilan at sumisigaw ka?"

"Natanggap na ako sa trabaho!!!" Nasigaw nyang usal ulit.

"Sus, yun lang pala." Walang gana kong sagot sakanya.

"Hindi kasi yun ate!! Ang cute kasi ng Team Leader namin, eh." sabi nya at tumili pa.

"Ikaw Maria Fe ah? Trabaho lang ang pinapahanap ko sayo! Tigilan mo yang mga lalaki na 'yan." Kinurot ko ang tagiliran ni Mafe.

"Hindi naman sya lalaki ate! Kaya pwede na banf lumandi? Hahaha," nanglaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Tomboy ka na?"

Natawa si Mafe. "Hindi no!!!" Pasigaw na tanggi nya."Pero tingin ko, sya yung tomboy. Ang lakas ng dating nya. Mapa-lalaki o mapa-babae nag-kakagusto sakanya." Masyado naman pumuri 'tong kapatid ko.

Inismiran ko sya.

"Ang cute nya talaga ate! Ang kapal ng kilay, chinita, maputi ang ganda ng pilik mata matangos ang ilong at matangkad! Sobrang pogi nya ate kung naging lalaki sya." Natigilan ako.

Parang pamilyar yung mga features na diniscribe ni Mafe.

Ang pagkaka-alam ko service crew ang inapplyan nitong trabaho, eh.

Pero baka hindi naman sya yun, marami naman sigurong ganun ang itsura.

Sa dami ba naman ng Fast Food sa maynila baka nagkataon lang, diba?

"Uyy, ate! Hindi ka na nag-salita dyan!" Sabi ni Mafe, tinignan ko sya.

"Dean....."

"Mama!!! Tita Mafe." sigaw ng dalawang batang lalaking pumasok sa bahay namin kaya naputol ang sasabihin at itatanong ko sana.

"Saan na naman kayo galing ah Marcus? Pawis na pawis na naman kayo at baho nyo na naman." Nanggagalaiti kong saway sakanila.

Nagtago naman si Jasper sa likod ng kapatid nya.

"Ikaw bakit ang dami mong sugat? Nakipag-away ka na naman ba?" At hinila ko si Jasper palapit sakin.

"Bad kasi sila Mama, eh! Sabi nila marumi kang babae! Sabi nila pok-pok ka! Pinag-tatanggol lang naman po kita." Nakakuyom ang mga palad nya habang sinasabi ang mga salitang yun.

Umupo ako sa harap ni Jasper, hinawakan ang mga kamay nito.

"Ano bang sabi ko?" Tanong ko sakanya.

"Iwasan ang pakikipag-away." Yumuko sya.

"Jasper, anak. Masaya si Mama dahil pinagtatanggol mo ako pero ayoko naman nasasaktan ka di ba?" Tumungo sya.

"Kaya hangga't maaari, iwasan nalang natin sila! Hindi naman sila nag-papakain satin, eh. Puro husga lang ang alam nila, mga anak. Kaya hindi na dapat pinapatulan pa ah?

Tumango sila at niyakap ako.

"Mahal na mahal ka po namin Mama. Hinding hindi ka namin ipag-papalit kahit kanino." Parang naiyak naman ako.

"Oo, na! Mahal na mahal din kayo ni Mama. Pero ang babaho nyo na kaya maligo na kayo." Sabi ko tapos inamoy pa ang tig isang kili&kili nila. Tumawa sila tapos agad na tumakbo sa maliit naming banyo.

"Ate, sabi ko naman sayo, iwanan mo na 'yang trabaho mo, eh! Kita mo, yung kambal mo ang nagsasuffer." Sabi ni Mafe, hinarap ko sya.

"Ano namang trabaho ang papasukan ko Mafe? Katulong? Magkano ba sweldo dun? 3,500 isang buwan? Kasya ba yun sa lahat ng gastos natin?"

"May kukuha pa ba sakin? May magtitiwala pa ba sa maruming babaeng katulad ko? Elementary lang natapos ko Mafe at itong trabaho lang na ito ang alam ko."

Hindi naman sya nakapagsalita.

"May sakit si Nanay! Nag-aaral pa ang mga bata! Ikaw, pinayagan na kita mag-trabaho kahit nag-aaral ka pa. Pero alam ko naman hindi yun magiging sapat at kailangan mo parin ang tulong ko. At sa pamamagitan ng trabahong 'to, aasa ako na makakapagtapos ka at maiaahon mo kami sa letseng buhay na 'to."

Lumapit si Mafe sakin, hinawakan nito ang mga kamay ko.

"Promise ate! Hindi masasayang ang pinaghirapan mo sakin." sabi ni Mafe, "sama-sama tayong lalaya sa kahirapan na 'to, walang maiiwan ah?" Tumango ako sa sinabi nya.

"Wag kang tutulad sakin na maagang nagpabuntis, kaya hindi na nakatapos ng pag-aaral."

Tumango si Mafe, niyakap ako ng mahigpit.

Kung hindi lang sana ako naging mahina nung high school pa ako. Kung hindi lang sana ako nagpadala sa kainosentehan ng nararamdaman ko. Kung hindi lang sana nagpadalosdalus, kung naging malakas lang sana ako sa temtasyon.

Hindi sana ako mabubuntis ng maaga. Tapos hindi pa ako pinandigan ng letse kong ex-boyfriend.

Sa edad na kinse anyos napariwala ang buhay ko dahil lang sa karupukan ko.

Hindi kinaya ni tatay ang pagiging batang ina ko, kaya binawian ito ng buhay. Inatake ito sa puso.

Sa pagpanaw ni tatay, si nanay amg umako ng lahat ng responsibilidad nya. Araw gabi itong nagtatrabaho mabuhay lang kamimg mahkapatid lalo na ang mga batang nasa sinapupunan ko.

Sa paglipas ng panahon dinapuan si nanay ng malubhang sakit na hanggang ngayon nagpapahirap sakanya. Dise otso palang ako nang mga panahon na 'yon. Magdadalawang taon na rin ang kambal ko noon. Wala na silang ibang aasahan kundi ako nalang. Pinasok ko ang trabahong ito. Wala na akong ibang choice. Ito lang ang madaliang trabahong makukuha ko,.dahil wala naman akong tinapos. Apat na buhay ang nakasalalay sa kamay ko, nag-aaral pa si Mafe. Pikit mata kong niyakap ang kapalaran ko, pikit matang kumapit sa patalim. Pikit matang pumasok sa letseng buhay na 'to na hindi ko na kayang labasan.

"Tama na nga,  ang drama. Papasok pa ko sa trabaho. Si nanay at ang mga bata Mafe, ah? Bantayan mo." Biling ko sakanya, tumango ito.

Dumeretso ako sa kwarto, kumuha sa kabinet ng damit na pamasok sa club.

Isang spaghetti strap at isang short short na halos kita na kaluluwa ko rito, kaya madalas nasasabihan akong bakit nagdadamit pa? Parang wala rin naman daw akong suot.

Pero dedma lang. Dahil sa damit kong ito, napapakain ang pamilya ko. At wala na kong paki-alam sa sasabihin pa ng ibang tao.

CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon