Chapter 53

3.3K 183 35
                                    

Deanna's

"Bro!" Napalingon ako at hinanap ang pinaggalingan ng boses ng tumawag sakin

Patakbo namang lumapit sakin si Gabo na may hawak na bola

"Bumalik ka na pala?" Tanong nito nang makalapit ito sakin

"Oo nung nakaraan linggo lang" tugon ko naman

"May ginagawa ka ba? Gusto mong sumama? Naghahanap kasi ng bartender at waiter yong isang five star hotel. Tara extra tayo? 1'5 isang gabi bro"

Wow interesting kaya lang ayaw ko muna magwork ngayon

Sulitin ko muna ang leave ko, hindi pa kasi bumabalik sa store

Sabi ko mag-papahinga muna ako ng two weeks bago magreport para magwork ulit

"Pass muna ako bro, may lakad din kasi kami ni Carly" ngumisi naman sya

"Mukhang seryosohan na yan bro ah? Sabagay hindi naman kayo tatagal kung hindi ka seryoso" tinapik pa nito ang balikat ko

Nginitian ko lang ito

"Saka atleast diba? Wala ng sabit, hindi kana ulit matatalo kapag nagkataon"

"Hindi naman masama magmahal ng may anak basta handa ka lang sa magiging resulta nito. Saka wag mong papipiliin yong babaeng mahal mo kung yong anak ba nila o ikaw dahil tyak tulad nga ng sabi mo matatalo ka lang" pero ako hindi ko naman pinapili si Jessica, pero natalo parin ako

Pero ok narin yon, atleast masaya na sila, napasaya nya na ang mga bata

Sa pamamagitan ng pagbuo ng pamilya nila

"A few months ago, nakita ko pa sya nung nag-extra sya sa catering pero ngayon wala na ako ulit balita sakanya"

"Sino?" Tanong ko kahit alam ko naman kung sino tinutukoy nya

Ngumisi muna ito bago nagsalita "si miss carousel mo" asar na saad nito sakin

Hindi naman ako nakapag salita pag-banggit nito ng tawag nya kay Jessica

"Siguro naman nakamove on kana sakanya?" Napalunok ako sa tanonng nito

Naka-get over na nga ba ako sakanya?

"Oo naman, matagal na kaming wala saka saglit lang naman naging kami ni Jessica kaya madali lang din naka-move on hehehe" alanganing saad ko

"Naku bro yong mga saglit na relationship yan talaga yong mahirap kalimutan. Lalo pa kung sobrang lalim nung iniwang sugat dyan" sabay turo sa kaliwang dibdib ko

"Kung noon ngang hindi ka nya pinapansin sobrang lakas ng epekto nya sayo? Ano pa kaya nung minahal ka ni Jema diba? Pero mukhang ayos nadin naman kayong parehas eh. Kaya paniniwala nalang kitang naka-move on kana kahit hindi yon ang nakikita ko sayo ngayon"

Gusto ko sana itong tanungin kung kamusta si Jessica nung huling nyang nakita

Kaya lang natatakot ako sa pwede nitong isagot sakin

Paano kung sabihin nyang masaya na nga ito sa piling ni sir Gio?

Masaya na sila ng mga bata dahil buo na sila na parang isang tunay na pamilya?

Yong normal na pamilya

Masaya naman ako para sakanila lalo na sa mga bata dahil mararanasan na nila mabuo yong pamilya nila

Wala naman may gusto na hindi buo yong pamilya diba?

Kaya lang nasasaktan parin ako sa isipin na buo na yong pamilya nila pero hindi na ako yong kasama

CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon