Jema's
Nililibot ko ang paningin ko sa isang malaki at mamahaling mall. Ngayon lang ako nakapasok sa ganto kagandang mall sa buong buhay ko. Mukhang mayayaman lang ang nakakapasok sa gusaling ito, sobrang sosyal.
Napitlag ako nang hawakan ni ma'am Bea ang kamay ko at hinila papasok sa isang damitan. Nalula ako sa kagandahan ng mga damit dito pero mas nalula ako sa presyo ng mga ito.
"Go. Bilhin mo lahat ng magustuhan mo. Akong bahala." Sabi ni ma'am at umupo sa isang mahaba couch. Nag-cross legs ito, may hinablot na magazines sa side table kabati ng couch kung saan sya nakaupo.
Nakapants at white shirt lang si ma'am Bea pero napakasosyal parin tignan. Mukha akong katulong nito lalo pa't nakashort short ako at blouse lang ako.
Sinenyasan ni ma'am ang isang sales lady na iassist ako. Agad naman ako nitong iginiya sa ladies ware. Ikot lang ako ng ikot pero wala akong mapili dahil lahat gusto ko.
"Try this one." Napalingon ako kay ma'am Bea, May inabot ito sa aking yellow dress. "I think, bagay 'yan sayo. Maputi ka kasi," sabi ulit nito.
Nahihiya kong inabot ang dress sa palad nya. Sinamahan ako ng sales lady sa fitting room upang isukat ang dress na bigay ni ma'am Bea. Paglabas ko ng fitting room, tila ba napanganga si ma'am Bea sakin. Sleeveless 'tong dress na suot ko. Hapit ito, kitang kita ang kurbada ng aking katawan ngunit maluwag naman ang laylayang hangang kalahati ng hita lang.
"Perfect!" Sabi nya. Tapos nag abot ulit ito ng mas maraming damit. Pakiramdam ko para akong prinsesa sa mga sinukat kong dress. Sobrang ganda at sobrang sosyal. Ngayon lang ako nakasuot ng ganito. Hindi ako makapaniwala.
"Bibilhin ko lahat," sabi ni ma'am sa cashier at pinakita lahat ng sinukat kong damit.
----
"Wow. Sakin talaga ang lahat ng 'to? Ang gaganda!" Hindi ako makapaniwala. Halos mayakap ko na ang lahat ng paper na dala ko. Yung unang dress na pinasukat nya sakin, hindi ko na hinubad. Ito na daw ang suotin ko sabi ni ma'am Bea.
"Gutom ka na ba? May last pa sana tayong pupuntahan." Tanong ni ma'am Bea. Naglalakad ulit kami sa kahabaan ng hall way ng malaking mall na 'to. Medjo nahihirapan akong maglakad dahil sa heels na pinasuot nya sakin.
"Hindi pa naman po. Saan po ba tayo pupunta?"
Tumingin sa likuran si ma'am Bea, sinenyasan nito ang mga body guard nyang lumayo samin. Dala rin ng mga ito ang lahat ng pinamili ni ma'am Bea para sakin.
Sa isang mamahaling salon ang sunod na pinasukan namin ni ma'am Bea. Sinenyasan nya king umupo sa isang silyang nakaharap sa salamin. Tapos si ma'am Bea naman, umupo ulit sa isang mahabang couch at asual humablot ito ng mababasa. Hindi na nito kailangang sabihan ang parlorista, mukhang alam na nito ang gagawin sakin.
Napanganga ako sa itsura ko ng matapos akong ayusan. Ako ba 'to?
"Beautiful!" usal ni ma'am Bea mula sa likuran ko. Kitang kita sa reflection ng salamin ang paghanga nya sakin, ibang-iba yung tingin nya ngayon. Malayong malayo sa pagnanasang tingin nya noong una nya ko makitang nagsasayaw sa entablado at nung gabing inangkin nya ako.
"Ayan ma'am, mukha na kayong sopistikada." Sabi ng baklang nag-ayos sakin. Ngumiti ako at tama sya, sobrang sosyal ng itsura ko ngayon. Malayong malayo sa pokpok na awra ko kapag pumapasok sa club. Light lang yung make-up pero kitang kita parin yung ganda ng mukha ko. Hindi tulad ng makapal na make-up na lagi kong suot kapag nasa letseng trabaho.
Ibang-ibang ang presensya ko ngayon at gustong gusto ko.
"Wag kang magsasalita kung hindi ko sasabihin." Sabi ni ma'am Bea. Medyo nagulat ako sa sinabi nya ngunit hindi ko pinahalata. Gusto ko sanang tanungin kung anong dahilan pero sa tingin ko, wala akong karapan. "And please call me Bea, kapag kaharap na natin sila." Sila? May kasama kami? Tumango nalang ako biglang tugon.
BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!
