Chapter 40

3.6K 161 29
                                        

Deanna's

Isang linggong awkward na pakiramdam ang namayani sakin at sa mga katrabaho ko sa store

Lalo na kay Carly pagkatapos ng gabi ng kaarawan nito

Nagulat ang lahat nung lumabas ako sa kwarto niya

At hindi ko sila tinapunan ng anong paningin at agad na lumabas ng bahay ni Carly

Sinundan lang ako ni Luigi at pinilit na ihatid ako, sakay ng motor nito

Dahil sa bilis ng pang-yayari hindi na ako nakapag-hilamos at nauwi ko pa ang ebedensya

Pero ok lang naman yon dahil sasabihin ko rin naman talaga kay Jessica ang mga nangyari

Sobrang thankful din ako, dahil na-ayos agad namin ang unang pag-subok sa pag-mamahalan namin

Buti nalang matured si Jessica mag-handle ng relasyon

Kaya sigurado akong malalagpasan pa namin ang mga susunod pa na pag-subog na susubog sa relasyon namin

Napabuntong hininga ako habang kinucompute ko ang oras na pinasok ng mga crew sa loob 13 days

Cut off na naman kasi at sweldo na naman kaya napangiti na ako

Maaya nga ang mga bata at si Jessica mamasyal sa carnival

Matagal-tagal na din kaming hindi nakakapunta dun

At sana this time makasakay na kami sa carousel, yon lang naman ang gusto niya at ng kambal

"Boss Deans, magkano salary rate ko ngayon?" Saad ni Elmer na sinilip ang ulo nito sa loob ng crew room kung saan ako naroroon

"4'5" walang gana kong tugon dito

Narinig ko ang pagpalatak nito " ang liit naman"

Napa-iling nalang ako, naliliitin pa sya dun? Yong iba nga mahigit sa 3k lang sinasahod kada cut off lalo na yong working student dahil 4 hrs lang sila

Ako kasi fixed sa 8 hrs kaya pumapalo sa 7k mahigit ang isang cut off ko

Lalo na kapag nag-eextend ako, kapag kulang ang crew nakaka-9k pataas ang salary rate ko sa isang cut off lang

Pero ang hinihintay ko talaga eh yong maging regular ako dahil tataas na ang salary rate ko kada oras yon nga lang hindi na ako pwede mag-OT

Pero kapag regular ka naman na, yong salary mo para kana rin nag-OT ng ilang oras halos kapantay ng sahod ng manager

Kaya hindi talaga ako umaalis sa store kahit ang dami ng opportunities na dumadating

Like call center 30k ang offer sakin kada buwan pero nag-stay parin ako dito

Bukod kasi sa may benefits tulad ng SSS, PAG-IBIG at Philhealth

Malapit na nga akong maging regular at ilang buwan nalang din makaka-pagloan na ako ng bahay

Kaya lang ayaw pa ni Jessica kaya hindi ko muna gagamitin kapag ready nalang siguro kami

Maingat kong tiniklop ang laptop, tapos na kasi ako mag-compute si Luigi na ang magpapadala nito sa agency ng store

Maingat ko rin itong binalik sa office para hindi ma-istorbo si Carly na seryosong nakatutok sa computer

"Ah eh, ma'am Carly una na po ako" nahihiyang saad ko dito

Tumango lang ito na hindi ako tinatapunan ng paningin

Kamot ulo akong lumabas ng office at crew room

CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon